CHAPTER 4

87 6 0
                                    

*** KINABUKASAN ***
Heavendale Academy - Hallway. 8:00 AM

"Akiiiiii!!!!" Patakbo akong lumapit sa bestfriend ko. Sinalubong niya ko ng yakap.

"Art! Ang aga mo yata?" Tanong niya sakin pagkatapos niyang humiwalay ng yakap.

"Truly! Kaya nga naisipan ko munang puntahan ka dito sa room niyo. Mamaya alis tayo? Kain tayo!"

Class 10-C si Aki. Sa ibabang floor namin yung room nila.

"Gusto ko yan! Dun sa SF lane!" She winked at me.

[A/N: SF means Street Food]

"So does that mean..." I gave her a wide smile.

"We're both free!" Sabay naming sabi at nagtatalon kami sa tuwa dahil parehas kaming may free time ngayon. This past few weeks kasi halos di kami nagkikita dahil busy ako sa school stuff at siya naman, busy sa practice niya. Volleyball player kasi yung BFF ko. Kaya sa chat o text nalang kami halos nakakapag usap. 🤗

"Pero Art, baka may ipagawa sayo yung master mo?" Natatawa niyang sabi.

Alam niya kasi lahat. Kwinento ko sakanya. Nung una nga, galit na galit siya at gusto niyang sugurin si Monday. 😂 Naturn off na din daw siya. Crush na crush niya kasi si Monday eh.

Well, ako? Unang beses palang na makita ko si Monday, I don't like his aura. He's quite intimidating. Yes, he is VERY VERY good-looking but there is something about him na kakaiba. He gives off a different vibe and his smile seems insincere. Pero never ko naman siya nakita ng sobrang malapitan nun at bihira rin siya magpakita. Laging wala eh.

Popular siya pero based sa observations ko noon at hanggang ngayon, he is not happy about it. I don't know if it's just me or whatever.

I admire him not because of his looks but on how he maintain his class standings kahit self study lang ginagawa niya.

Pero nawala lahat ng admiration ko nung nakita ko kung sino o ano ba talaga siya. 😒

"Hayaan mo siya! Paglilinisin naman niya ko bukas sa apartment niya kaya okay lang naman siguro na pagtaguan ko siya ngayon."

"Sa apartment niya?" Aki gave me a malicious smile.

"Hoy gaga! Maglilinis lang ako! Dumi mo! Hahaha. Tsaka baka wala yun dun. Every weekend umaalis yun eh. Kasama bestfriend niya."

Napansin ko naman na nag iba yung reaction ni Aki. Para siyang nahiya tapos nagblush? Luh? Ano meron?

"Hoy. May di ka sinasabi sakin!"

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Unti unting gumuhit yung ngiti sa labi niya.

"I'll tell you later! Promise!"

And then the bell rang..

"Saved by the bell! Bleeeeh!" 😜

"What an annoying woman!" Nagtawanan kami. "Okay, laters!"

Umalis na rin ako agad dahil baka malate pa ko. Paakyat ako ng hagdan ng biglang may humatak sa bag ko.

"Bukas. Wag mo kalimutan."

Si Monday.

Langit, Lupa, Impyerno?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon