"Dalhin mo ko dun sa lugar kung saan dapat kayo pupunta ni Aki...
Let me accompany you, Artemis."
Halos malaglag yung panga ko sa gulat dahil sa alok ni Monday.
Anong nakain nito?
"Huh?" Yan lang talaga nasabi ko at di maaalis ang pagkabigla sa mukha ko.
"You heard me." Sabay tayo niya. "Let's go?"
Wala naman akong nagawa at tumayo na rin ako.
"S-sigurado ka bang s-samahan mo ko? I mean—"
"Paano tayo pupunta dun?" He cut me off. Anong meron dito? Ang creepy.
Hindi naman sa nag iinarte ako o ano. I am talking about Monday Rosse. Like, hello?! This monster?!
Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Aww—"
Pinisil niya yung magkabilang pisngi ko.
"Knock that expression off of your face! It annoys me." He brushed his hair with his fingers and sighed. "Ayoko pa umuwi at gusto ko magpalipas ng oras kaya sasama nalang ako sayo. Hindi naman siguro masama na ipasyal mo yung MASTER mo diba? Isa sa trabaho mo ang libangin ako."
Psh. Sabi ko nga eh. Napahimas naman ako sa pisngi ko. Medyo masakit eh.
"Magjijeep tayo papunta dun." Sabi ko sakanya at nagsimula na maglakad.
"Okay." Sumunod naman siya maglakad sakin.
*** JEEP STATION.
"Oy tingnan mo yun. Grabe ang gwapo! Celebrity ba siya? Mukhang model eh." -Girl 1
"Oo nga te! Bihira ako makakita ng ganyan dito! Puro chaka kasi!" -Girl 2
As usual, agaw atensyon nanaman tong si Monday. Kilig na kilig yung mga babae sakanya kahit wala naman siyang ginagawa. Samantalang etong si Monday, kahit naririnig niya yung mga sinasabi, wala pa rin siyang pinapakitang facial reaction. Nakatingin lang siya sa malayo.
Sumakay na kami ni Monday ng jeep at sa pinakadulo siya umupo at dun naman ako sa tabi niya.
Halos lahat ng pasahero nakatingin sakanya. Kahit yung ibang lalake napapatitig eh. Jusko! Parang ngayon lang sila nakakita ng tao!
Sabagay, medyo hindi makatarungan kasi yung mukha nito ni Monday. 😅
Sinuot ni Monday yung hoodie niya. Mahahalata mo sakanyang medyo inis na siya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.