[14] Comfy.

565 24 5
                                    

Chapter 14

Buntong hininga na tumingin si Lexa sa orasan at nang malamang 6:14 na ng umaga at miski kahit ano kay Cathaleah ay hindi niya nahagilap. Inabot ng kinabukasan ay di nag pakita sa kanya ang dalaga kaya punong puno na talaga siya ng pag aalala.

"Nasalvage ka na ba? Bakit di ka man lang umuwi?" she sigh. "Kailan ka pa natutong magbulakbol?"

Kinuha ng dalaga ang kanyang bag at helmet at buntong hiningang napatingin sa pinto ng kwarto ni Cathaleah.

"Sabagay, umalis ka nga ng di nagpapaalam sa akin eh."

Muling bumuntong hininga si Lexa at tuluyang umalis ng bahay para mag tungo sa Xiera University.

Magisang pumasok ng Prime si Lexa kagabi, nagbabakasakaling baka doon niya mahagilap ang dalaga ngunit miski sila Ivon at Fred ay hindi talaga alam kung nasaan si Cathaleah hanggang sa natapos ang kanyang night shift, hindi man lang dumating ang dalaga. Pagdating sa bahay, wala parin siya kaya naghintay lang siya sa sala hanggang sa nakatulog nalang siya.

'Gago ka Cathaleah, di mo ba alam na nag aalala ako sayo? Asan ka na ba? Bakit di ka man lang umuwi o kung may pinuntahan ka man, sana nag paalam ka.' Lexa.

Nakarating si Lexa sa parking lot ng XU at nilibot niya talaga ang kanyang paningin sa paligid ngunit di niya man lang nahagilap ang motor ni Cathaleah.

Tuluyan siyang pumasok sa loob at agad na dumeretso sa kanilang classroom. Bagsak balikat na binaba niya ang kanyang bag nang wala parin siyang Cathaleah na nahagilap.

Napakagat labi nalang siya at napahilamos sa sarili dahil sa iritasyon.

"Asan ka na ba?" she whispered.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at halos apat palang sila sa loob ng classroom, wala parin sila Karla, Mariel at Detera.

She sigh heavily at dumukdok sa kanyang armchair.

'Tsk, wag mong sabihin na umalis nanaman siya ng bansa! Punyeta!' Lexa.

"Letche ka Cathaleah! Mahirap mag trabaho dito sa Pilipinas! Matatagalan pa bago ako makaipon ng sobra sobra para masundan ulit kita! Pamasahe ko palang dito eh saka yung tuition pa natin dito..." she whispered.

"Tss.. Wala naman kasing nagsabi na sundan mo ko."

O__O <--- Lexa.

Agad siyang napabangon at nanlalaki ang mga mata na tinignan ang dalagang nasa tabi niya. Hindi na siya nakapag react nang makita ang suot nitong kulay blue na parang bag, naka sabit sa leeg niya ito at nakalagay doon ang kanan niyang braso.

"Anong... " agad na kumunot ang noo ni Lexa sa itsura nito. "...nakipag gang fight ka ba ng magisa?" chineck niya ang mukha ni Cathaleah na kunot noo lang siyang tinitignan. "Wala ka namang galos at pasa pero napilayan ka? Ano? Humiwalay yang kanang braso mo saka nakipag laban mag isa?"

"Tsk." Iniwas niya ang sarili sa dalaga.

"Wag mo kong tinatarayan diyan fuck you ka! Tanga ka?! Hindi na kita nahagilap simula ng ipatawag ka ng poging Vince na iyon tapos inabot ka ng umaga di ka parin umuuwi! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin tapos mag papapakita ka sa akin na may pilay? Ano?! Bobo ka ba?!" masama niyang tinignan ang dalaga na nakatingin lang sa kanya ngunit di mo malaman kung ano ba iniisip ng dalaga. "Wag mo kong tinitignan ng ganyan gago ka! Hindi mo ba alam na nag aalala ako sayo?! Ano?! Umuwi na nga ako at lahat dito sa bansa para lang makasama ka di mo parin alam na nag aalala ako sayo?! Ano bang nangyari sayo?!"

"P-pasensya na." tuluyang nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Cathaleah. "I really wanted to go but I can't... Nanghina na ako." pinakita nito ang kanang braso niya. "Di din ako makakapag maneho."

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon