[9] The Five Of Them.

563 23 5
                                    

Chapter 9

"U-uyy! Karla!" abang ni Mariel kay Karla.

Inabangan niya talaga ang binata sa parking lot sa kotse nito para kausapin.

"Ah b-bakit?" nagtatakang tinignan niya ang dalaga.

"Hindi mo kasi ako pinapansin eh, gusto lang sana kitang makausap. Kung ayos lang sayo." napakagat labi si Mariel.

Nagiwas ng tingin si Karla bago bumuntong hininga. "Sige." tumunog ang kotse ni Karla at pinagbuksan siya ng pintuan. "Sakay ka."

Nanlalaki ang mga mata ni Mariel ng agad siyang tumango at malaki ang ngiting sumakay.

They stop by sa isang milk tea café. Kasalukuyang may kinakain nang red velvet cake si Mariel habang black forest naman ang kay Karla.

Mariel sigh as she look at him.

"A-ah Karla. Galit ka ba sakin?"

Napatingin sa kanya si Karla, hinintay ni Mariel na magsalita ito nang bumuntong hininga ang binata at umiling lamang.

"S-sure? Kasi parang iniiwasan mo ako eh tapos tulad ngayon, hindi ka man lang nagsasalita." she sigh. "Napasobra ba ako kanina sa canteen? Na offend ba kita ng sobra?" yumuko si Mariel. "S-sorry na."

Tinignan ni Karla ang nakayukong si Mariel, hinintay niya itong mag angat ng tingin ng hindi ito ginawa ng dalaga.

He smile. "Bakla ka. Ang drama mo. Di ako galit okay? Ganito lang talaga ang mga magaganda, kapag nawala sa mood ayun, tamang arte arte."

Nagangat ng tingin si Mariel, nagulat si Karla nang makita ang isang patak ng luhang lumabas sa mata ng dalaga. "P-pero bakit k-kasi--- sa mga tao sa room... Ako lang yung hindi mo pinapansin." iwas tingin ng dalaga.

Hindi sumagot si Karla at tinignan muli ng matagal si Mariel.

'I'm being a jerk again.' Karla.

Tumayo ang binata at tumabi sa dalaga, pinanood siya ni Mariel kung ano ang susunod nitong gagawin nang kinuha ng binata ang tissue at pinang punas sa luha niya.

"Hindi ko akalain na may umiiyak palang suso." bulong niya sa dalaga.

Mariel didn't answer but pinanood lang niya ang binata sa ginagawa nito. Nakangiting tinignan siya ni Karla at nag chuckle.

"Hindi ako galit sayo okay? Wag ka masyadong mag alala saka sasabihin ko naman sayo kapag napipikon na talaga ako. I'm just not in the mood kanina."

Muling tumulo ang luha ni Mariel. "Eh bakit nga lang ako ang hindi mo pinapansin kanina? Alam mo bang alalang alala ako kakaisip na baka matapos na friendship natin ng ganon lang? Tinatanong ko kung bakit ako lang pero hindi mo naman sinasagot ng maayos." pinalo niya sa braso ang binata. "Bakla ka!"

Umusog si Mariel para malayo kay Karla at tumingin sa red velvet cake na kinakain nito habang marahas na pinunasan ang kanyang pisngi para tuyuin ito mula sa luha.

"Naasar na ako sa---"

"Ang ganda mo kasi."

Nanlaki ang mga mata ni Mariel. "H-huh?"

Karla laugh."Ang pangit mong umiyak, para kang minion na nagmamakaawang tumangkad."

A-anong.. May nadinig siya kanina eh..

"Eh ikaw?! Piste ka talaga! Atlis cute!" irap ni Mariel.

Natahimik ang atmosphere nang tumingin si Mariel sa gawi ni Karla. They stare each other for a second and they both laugh.

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon