[37] His Cousin.

353 17 1
                                    

A/N: Hello po! Sorry po hindi po ako nakapag ud kasi ang hina ng signal dito sa amin. Kaya ito po naipon yung chapters. Pero ito na po, nangapit bahay na po ako para makapag ud HAHAHAHAHA! Enjoy reading po!

Don't forget to share your thoughts and insight's! Vote and follow! Thank you po!

Stay safe everyone! Always pray!

Chapter 37

"Bobby?" she frown. "Karl?"

"Hi Cathaleah." sabay na wika ng dalawa at malaking ngumiti.

"Uyy!" sulpot ni Lexa sa likod ni Cathaleah at kumaway. "Bakit pala kayo nandito?"

"May dala kaming pagkain." taas ni Karl kasabay ni Bobby sa mga dala nilang plastic and paper bag. "Pwede ba pumasok?"

Ngumiti si Cathaleah at pumasok na lamang nang hindi nag sasalita.

"Tara!" nagagalak na wika ni Lexa at pinapasok ang dalawa.

Nakaupo na si Cathaleah sa sofa habang ang tatlo ay inihanda sa coffee table ang mga dala nilang pagkain.

"Kamusta kayong dalawa?" si Cathaleah na prenteng nilulubog ang sarili sa sofa habang pinapanood silang nag hahanda ng pagkain sa coffee table. Linggo ngayon kaya day off nilang dalawa ni Lexa. Ewan na lamang nila sa dalawang ito?

"Ayos na kaming dalawa." ngiti ni Bobby kay Cathaleah at bakas sa mga mata nito ang pagkagaan at saya. "Nagusap na kami kagabi. Tulad ng sinabi mo sakin. Kayanin kong sabihin lahat at nagawa ko. Tama ka nga."

Nakangiting tumango si Cathaleah at tinignan si Karl. Natawa na lamang siya nang itinaas ng binata ang kamay para makipag apir kay Cathaleah.

"Wow naman. Good mood na good mood ang mga tao ngayon ah? Mukhang ang daming nangyari kagabi na magaganda.." ngiwi ni Lexa sa tatlo. "Ang gaganda ng ngiti niyo oy!"

Karl chuckle. "Nagkaalaman na lahat eh. Hindi ko naman alam na ganito magiging kagaan sa pakiramdam. Salamat talaga sa inyong dalawa."

"Mga kaibigan niyo kami ni Cathaleah. Wala yun. Makikielam man kami, gagawin lang namin yung parte namin bilang kaibigan. Wala parin kaming karapatan para patungan at gatungan kung anong pinag dadaanan niyo." si Lexa at tumayo para mag tungo sa kusina para kumuha ng mga plato at kutsara.

"Kayo na ba?" diretsong tanong ni Cathaleah.

Nagkatinginan si Bobby at Karl.

Nagiwas ng tingin si Bobby at nag patuloy sa pag aayos. Gusto din niya itanong yun pero parang hindi tamang gawin. Nalinawan na ang lahat kay Karl kagabi at si Karl lang talaga ang makakasagot ng OO o HINDI kasi kung siya? Otomatik na yun, OO na.

"Liligawan ko muna siya." Nakangiting tumango si Cathaleah habang natitigilang napatingin si Bobby sa binata. "At oras na sumagot ka ng oo, habang buhay na kitang aalagaan at susuyuin saka.." hinawakan niya ang kamay ni Bobby at mata sa matang ngumiti. "May label man o wala.. Hinding hindi ako makikipag break sayo. I will always be your best friend forever and ever."

Piniga ni Bobby ang kamay ni Karl at natatawang ngumiti. "Edi wow."

"Naks naman!!!" si Lexa at maingay na inilagay ang mga kutsara at mga plato sa coffee table. "Edi sana all sa inyong dalawa!"

"Sana all ka din sakin. Bilis." inat ni Cathaleah at pumikit.

"Ay wow! Lakas ng loob ah?! Kapal mukha palibhasa gustong gusto ka nung tao. Edi sana all din sayo! Para sumaya ka na! Che!"

"Ay oo nga!" palakpak ni Karl at tinuro si Cathaleah habang nakatingin kay Bobby. "Alam mo ba Kwek kwek! Boy friend ni Cathaleah si Zadkiel!"

"Weh?" si Bobby habang nakataas ang dalawang kilay na nakatingin kay Cathaleah. "Zadkiel Guevara? Yung Billionaire na gwapo?"

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon