[51] Taking It Back.

351 12 0
                                    

Chapter 51

Everyone is on set. The board meeting will be starting at 9:20 am and its already 8:45 am. I few more minutes and everything will happen.

Lauren already applied all the sticker camera to the parts of the building that are needed. Ang hinired nilang dalawang taong maaari nilang pagkatiwalaan sa pagiging witness at reporter ay nakaset na din sa bahay nila Cathaleah sa kanilang cinema room gamit ang big screen doon at ang kanilang pinapanood ay nagmumula sa kuha ng sticker cameras.

Ang dalawang tao na iyon ang mag eedit at makakatulong sa kanila na ipaalam sa buong mundo bukas na si Cathaleah na ang hahawak sa buong companya ng mga Alvarado.

Habang sila Lexa, Cathaleah, Zadkiel, atty. Cardinal and Bernardine ay nasa loob ng isang van at may TV din doon upang ma view nila ang mga mangyayari.

Ang sticker ay vali 16 na piraso na nakaset sa ilang parte ng building. Sa tulong nito ay masasaksihan at masusundan nila ang mga mangyayari. Maaari din nila itong madinig mula sa mga screens na kanilang tinututukan.

"Wear this earpiece." suot ni Zadkiel kay Cathaleah nito sa kaliwang tenga niya. "By the way you look beautiful." ngiti nito.

"Ang kati ng make up ni Lauren." walang emosyong wika niya. "Bakit ba kasi pinilit niyo pa akong mag make up? Nakakairita kayo." kunot noong tanong niya. "Tss."

Zadkiel chuckle. "Wag ka na mairita. Ang ganda mo kaya."

"Bakit? Pangit ba ako pag walang make up?" irap niya. Halatang naiinis ito. "Pumayag na nga ako mag fitted dress tapos ang ikli ikli pa nito. Di pa kayo nakuntento. Kinulot niyo pa ako saka minakeupon. Para akong aattend ng recognition day."

"Ang dami mong reklamo Cathaleah. Galingan mo nalang mamaya at kailangan mong mag shine mamaya!" si Lexa na nakuha pang ngumuya ng bubble gum. "Mukha kang tao ngayon kaya wag kang mag alala."

"Ewan ko sayo. Para kang kambing diyan."

"Letche."

"Wag ka na mainis Ube. You look wonderful with or without your make up." nag lean forward siya kay Cathaleah at nang makalapit sa tenga nito ay bumulong. "Specially when you're cleanly naked."

Mahinang natawa si Cathaleah. "Ang manyak mo." bulong niya pabalik.

"Atlis napangiti kita."

"Yeah.."

"Cathaleah look." wika ni atty. Cardinal at tinuro ang TV. "Some of your future people are now going to the meeting room."

"Ilang oras nalang mag sisimula na ang dilubyo." palobo ni Lexa sa kanyang bubble gum. "Kaya mo yan. Pagmukhain mong tubol yang step mother mo."

"Speaking of the tubol." si Cathaleah at napatingin sa screen kung saan pasakay na ng elevator si Isabelle. May kasama itong tatlong malaking body guard at talagang mukha silang nakakatakot.

"Wag ka mag alala. May lima tayong pulis na isasama sa loob kasama kaming dalawa ni Ice." si atty. Cardinal. "Wala silang pwedeng gawin kung hindi ipaubaya sayo ang lahat."

"Hindi pa ba tayo bababa?" si Cathaleah. "Let's do this." tapak niya sa kanyang three inch heels. "Punyetang heels ito. Nakakairita."

"Buti di ka naiirita sa sarili mo ano? Ang dami mong reklamo." si Lexa.

"Not now.." si atty Cardinal. "Ice, andiyan na ba ang mga pulis?"

"5 minutes." wala kang mababakas na kahit anong emosyon sa boses nito. "Nasan si Lauren?"

"Nakaabang siya sa elevator-- ayan na. " nakita nila sa screen ang pag bukas ng elevator ni Isabelle at ang pagkikita nila ni Lauren. Sa may meeting room naman ay puno na ang mga upuan. Si Isabelle na lamang ang kulang. "Yung mga pulis Ice?"

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon