[6] Rooftop.

628 29 10
                                    

Chapter 6

"Again. What is matter?" nakataas ang isang kilay at nag papaypay na tanong ni Ma'am Shumaie sa harap ng klase. "Oras na may makita akong nakalabas na notebook bagsak kayong lahat!" duro niya sa lahat gamit ang pamaypay nitong hawak.

Nasa mid forties na ang lecturer. Nakatali ang hanggang bewang nitong buhok. Maganda ang ayos ng kilay nitong mataray at tama lang ang kapal ng lipstick. Matangkad, payat at talaga namang masasabi mong terror ang itsura nito sa salaming nasa pinakadulo na ng ilong nito na aakalain mong hindi na humihinga dahil ipit na ipit na ang hindi katangusan nitong ilong. Aircon ang silid ngunit hobby talaga nitong magpaypay.

Nanatiling tahimik ang buong klase at walang nagbabadyang magsalita or makipag eye to eye sa guro.

"Come on! This is just a review! I already discussed this last week! Wag niyong sabihin na wala kayong natutunan?!" her voice echoed in the whole room, napapikit nalang si Cathaleah at marahan na itinagilid ang ulo para tagal iritasyon. "Urgh! This student!" puno ng iritasyon ay kinuha niya ang record book sa kanyang bag.

"Coronado, Chinie Ann! Stand up! What is matter!?" tawag ng lecturer sa babaeng istudyante na agad namang nabakas ang kaba at napipilitang tumayo.

"M-ma'am..."

"Answer Coronado!"

Napangiwi ang dalaga dahil sa hiyaw ng lecturer. "Ma'am I-I don't know the answer..." napayuko ang dalaga.

"You don't know the answer?" kunot noong tanong ng lecturer.

"Y-yes ma'a--"

"Sit down! Coronado!" nanlulumong umupo ang dalaga ng hinampas ng lecturer ang kanyang pamaypay sa table. "How come that you don't know anything about our lesson?! You're physically present but mentally absent! So ano ito? Nag sayang lang ako ng laway kakasuksok ng aralin sa mga utak niyo?!"

Nakayuko ang mga istudyante at kanya kanya ng ngiwi dahil sa umeechong boses ng guro sa buong kwarto na talaga namang mapapaigtang ka sa lakas!

"May isasagot kayo o lahat kayo automatically zero sa quiz number 5?!"

Napangiwi ang lahat.

Napabuntong hininga nalang si Cathaleah at tinaas ang kamay. "I'll answer you ma'am." tumaas ang kilay ng lecturer sa harap.

"What's your surname?"

"Abernethy."

Tinignan ng lecturer ang hawak nitong record book ngunit wala siyang nahagilap na apilyido nito. "You're not here. Transferree huh?"

"Yes ma'am."

"From what school did you came from?"

"Eastern."

Napataas ang isang kilay ni Ma'am Shumaie. "Okay, stand up." Tumango si Cathaleah at tumayo. Ang mga maiinit na mata ay nasa kanya lahat. "Answer the question ms. Abernethy."

"Matter is anything that occupies space and has mass."

Hinead to foot ng lecturer ang dalaga bago ito tuluyang mag salita."Sit down."

Simpleng tango lang ang ginawa ni Cathaleah at umupo na.

The lecturer sigh because of frustration. "Okay, section 3. May I just remind you that you're studying here at Xiera University." umupo ang lecturer sa mismong desk at nag paypay. "Hinahayaan ng University na makapag enroll ang lahat ng walang pinapagawang test para sa lahat at para tuluyang makapasok ang istudyante dito. Pero... Oras na malaman na nagpapabaya ka, hindi mo sineseryoso ang pagaaral mo, at nandito kalang... Para lumandi. The admins don't have any choice to threw you away to another University..."

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon