[21] Three Roses.

451 20 7
                                    

Chapter 21

Hindi alam ni Lexa pero bigla nalang pumasok sa utak niya yung lalaking nakilala niya sa oval.

'Hays... Ang gwapo pala niya talaga. Ang cute cute niya lalo na kapag ngumingiti.  Tapos hinawakan niya pa pisngi ko---shete yung puso ko parang mababaliw na kakatibok. Hays... Bakit ba kasi hindi ko alam ang pangalan mo? Na love at first sight ata ako? Tongono?  Totoo ba talaga ang love at first sight? Jusmeyo baka crush ko lang talaga kung maka love naman ako tss kaya daming nasasaktan eh hays... Ano kaya name niya? Wala naman kasi akong cellphone! Kung meron lang kanina ko pa na hunting sa facebook yung animal na iyon.' Lexa.

Kinalabit ni Detera ang katabing si Cathaleah at tinuro si Lexa.  "Anong nangyayari diyan? Bigla bigla nalang humahawak sa pisngi niya saka dibdib. Kasi promise mukha siyang timang sa ginagawa niya."

"Hmm?" nakataas ang dalawang kilay na tinignan ni Cathaleah si Lexa na nanlulumong nagbuntong hininga at nakabusangot na kumain.

'Sana magkita ulit kami kasi promise gusto ko ulit siya masilayan. Base kasi sa uniform niya, college na siya kaya siguro di ko siya masilayan dito sa canteen kasi ang alam ko may sariling canteen ang mga college students. Kahit inasar niya pa ako nung unang araw na nagkita kami... Bigla ko nalang narialise na ang sweet pala namin tingnan. Ang swerte ko pa nga dahil sa kanya tumama yung bato hays... Ang sad ng lovelife ko,  sobrang ganda ko ba para kamuhian ni Tadhana? Letche nayan,  I cannot huh?!' Lexa. 'Pero salamat talaga sa bato.. Doon niya napiliang tumama..'

Napangiwi si Karla. "Mariel bakit ba kasi sinesheran mo ng pagkain yang si Lexa? Nahahawa tuloy sayo."

'Sabagay. Kahit ako kung ibabato sakanya kong gusto tumama tapos sakin din tatamaan siya.. Ayieee!  Napakalupet! Pero hindi ih..' Lexa.

"Hala?! Wala akong kinalaman diyan--letche kang bakla ka manahimik ka!"

"Tss oyy Cathaleah,  anong nangyayari diyan sa kaibigan---" Karla pause when Lexa sigh deeply. "Muntik na ako mahigop ah? Naloka ako girl."

"Tss. Hoy!" pinalo ni Cathaleah ang kanang kamay ni Lexa na ginagamit nitong pangkain na ikinagulat nito.

"B-bakit? Letche ka! Ginulat mo ako!"

"Anong nangyayari sayo?" Cathaleah asked not minding what she said.

Ngumiwi si Lexa. "Anong nangyayari sakin? Jusmeyo nag tatransform na ba akong langaw?!"

"Wag kang corny bakla kasi promise mahahampas kita ng mais. Anong iniisip mo? Parang lulusot na kami diyan sa ilong mo kakabuntong hininga mo." ngiwi ni Detera.

Nagtatakang tinignan ni Lexa ang apat. "Anong problema niyo?"

"Badeng, parang dapat kami ang mag tanong niyan kasi mukhang banas na banas ka na mabuhay. Ano bang iniisip mo?" Kunot noong wika ni Mariel.

"Yes bakla ka. Mahahuggard ka na kakabuntong hininga diyan jusme,  hinding hindi mo magugustuhan kapag si Mariel na ang lumusot diyan sa ilong mo." si Karla.

Hindi na nagsalita si Mariel, sapagkat pinalo niya ito sa binti at tinignan ng masama.

"Psh What ever girl iww..."

"Tss.. Peste." bulong nalang ni Mariel.

"Luh? Ano bang iniisip ko?" maang maangan pa ni Lexa.

'Asan ka na ba kasi kuyang pogi!' Lexa.

"Malay namin sayo,  hawak ba namin utak mo? Wag ka nga mag maang maangan di bagay sayo." kumakain na wika ni Cathaleah,  hindi tinitignan ang kaibigan.

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon