[23] Secret Room.

410 18 2
                                    

Chapter 23

Habang nag lalakad sila papunta sa distenasyon nilang dalawa,  hindi mapigilang mamangha ni Cathaleah sa buong paligid!

Sobrang ganda!

"I never seen this kind of place before." she said looking around.

Zadkiel smile as he saw how Cathaleah likes the whole place. "My lola really love nature so as my lolo's gift to his birthday, he made this garden paradise for my lola. Lagi niyang sinisiguradong maayos at healthy ang mga halaman dito para kay lola until they both die." napatingin sa kanya si Cathaleah at nginitian niya ito. "Pinamana sa akin ni lolo itong buong university at pinagkatiwala.  Kaya hands on talaga akong mapabuti ito."

Ngumiti si Cathaleah. "Sure ako,  sobrang proud sayo ng lolo mo." nilibot niyang muli ang buong paligid gamit ang mga mata. "Sobrang ganda dito. I could live here forever."

Zadkiel chuckle. "Mahilig ka rin sa nature noh?"

Tumango si Cathaleah at diniretso ang tingin hanggang sa napansin ni Zadkiel ang mapait nitong ngiti.  He felt a pinch on his chest when her eyes back on what it used to be.  Quiet and hard to tell.

"Nature always calm me specially the wind that always touches my skin. Pakiramdam ko kasi niyayakap niya ako."

Zadkiel look at her admiring while curiosity is hitting him. "Who?"

Mapait siyang nginitian ng dalaga. "May father." sobrang lungkot ng boses niya at hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon.

Tinignan niya ang anino nilang dalawa ng dalaga at pinakinggan ang kwento nito. "Nasanay akong kakulitan at kasama ang tatay ko. Siya ang ESP teacher ko, kaibigan,  sandalan at nanay ko. I never met my mom." mapait siyang ngumiti at naglakad ng nakatingin sa langit. "Kaya akala ko katapusan ko na nung nagkahiwalay kami. Kaya sobrang proud ako sa sarili ko ngayon na nag papatuloy ako sa buhay ko kahit hindi ko alam kung saan ba ako patungo."

'B-bakit kayo nag kahiwalay?' Gustong gusto yang itanong ni Zadkiel sa kanya pero hindi siya nag sasalita at hinahayaan lamang si Cathaleah na magkwento.

May tono ang kwento niya pero hindi mo masabi kung sarkastiko ba siya,  malungkot o nasasaktan. Mukhang pinipigilan nitong maglabas ng emosyon.

"A lot of people tried hard to earn my trust.  A lot of people treated me well but yeah..." tinignan siya ni Cathaleah at mapait na ngumiti. "They work hard for me but in the end?  Sila din ang nanloko at nanakit sa akin."

Huminto si Cathaleah sa paglalakad dahilan para tumigil din siya.  "Sobrang..." she sigh heavily. "Nakakaloko ang ginawa nila sa akin.  Pinagsilbihan nila ako, kinuha nila ang tiwala ko, pinaramdam nila na mahal nila ako pero lahat ng iyon?" umiling iling siya. "Lahat ng ginawa at pinaramdam nila sa akin ay peke at kasinungalingan lamang."

'N-nangyari yon?! Fuck... Bakit mga tulad nilang tao pa ang kailangang umaligid sayo at saktan ka? Fuck those people Cathaleah...' Zadkiel.

"Alam mo yung mas nakakainis doon?" mapait itong ngumisi. "Sinadya nila akong saktan."

Tinignan niyang muli ang langit. "Nag effort sila para lang saktan ako. Nag waldas sila ng oras, panahon at lahat para lang saktan ako."

"Cathaleah..."

Cathaleah chuckle. "Ganoon nila ako kagustong mawala sa mundo nila. Ganoon kahalaga sa kanila na mawala ako sa piling at paligid nila." tinignan niya si Zadkiel na nakikinig lang sa kaniya at nakatingin sa kanya. "Bakit pa nila ako kailangang paikutin para lang saktan? Nakakatuwa ba akong paglaruan?" she sigh. "Kung sinabi lang nila sa akin agad na gusto nila akong umalis,  aalis ako. Hindi na nila kailangan pang ikahon ako sa mga kasinungalingan nila at parang basura na itatapon sa isang ilog para agusin nalang ng tubig kung saan."

Loving You So Deep. (ORIGINAL)(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon