Mahal kita pero tama na
Nandito na naman ako, tila ineengkanto
Paulit ulit na umaalis pero muling babalik sayo.
Tila isa kang araw na unti unting sumisilay
Ngunit pagdating ng ulan , nawawalan ng kulay.
Humahakbang palayo pero biglang may mapagtatanto
Heto na naman, palapit ay tumatakbo ako.Ilang beses pinagtabuyan
Ilang beses kinalimutan
Ilang beses di pinansin
pero patuloy na nahihipnotismo ng iyong tingin.
Dahil makita lang ang iyong mata
Luluhod na naman ako sayo makasama lang kita
Na kahit masakit ,
Na kahit para kang tinik
Handa pa rin akong masaktan
Mayakap ka lang at mahaplos ang iyong likuran.Gusto ko ng kumawala sa napakalaking tanikala
Mabigat, nakagapos sa aking puso
Na tila kapag ikaw ay nasaktan , matindi ang dulot nito.
Na tila nalulunod na din ako
Hindi marunong umahon sa nararamdamang ito
Nawawalang ng ulirat , nawawalan ng hangin
Ayoko na palagi kong hiling.Pero lahat naman siguro ay nagigising
Umaalpas ang mga alagang nakatali
bumibitaw ang mga taong nakayakap
Tumitigil ang mga taong napapagod
At sa kaso kong ito,
Napapagod din ako.Unti unti na naman akong lalayo
Hahakbang at di na magpapakita sayo.
Bibitaw at di na muling hahabol
Mahal lang naman kita , makakalimot din ako
Pero paano?
Paano ko sisimulan
Ang maagang may katapusan?
Paano kita kakalimutan
Kung sa una palang wala naman tayong pinagsamahan?Yumakap ako sa alaala
Kinulong ko ang sarili ko sayo na parang selda
Nagsumiksik ako sa buhay mong may nakatira na.
Paano pa kita lilimutin?
Kung sa bawat aking natitingnan ay ikaw ay aking aalalahanin
Paano? ituro mo sa akin
Tulad ng pagturo mo kung paano ba dapat kita mahalin
Ituro mo kung paano kita lilimutin
Dahil napapagod na ako
Napapagod na akong ipaglaban ka
Dahil hindi lahat kailangang ipaglaban lalo na kung pagod na kayong magmahalan.Kaya mahal, Tama na.
Tumigil na tayo sa isang libong sana.
Huwag na tayong umasa
Mahal kita , pero tama na.