13

3 0 0
                                    

Dalawang Mukh

Ang mundo ay may dalawang mukha.
Hayaan mong isalaysay ko upang ikaw ay maniwala.
Wag kang magdalawang isip, maniwala ka.
Ang mundo natin ay may dalawang mukha.

Bibigyan kita ng dalawang magkaibang sitwasyon.
Dalawang mukha na may ibang intensyon.
Isang positibo at negatibo.
Alin diyan ang pipiliin mo.

Ang katotohanan at kasinungalingan.
Isang halimbawa ng dalawang mukha.
Sa bawat kasinungalingan na dapat gawin.
Ay may katotohanan na nais iparating.

Dalawang mukha ng ating mundo.
Ang sayo ay sinasabi ko.
Hindi para maguluhan ka.
Ngunit para matauhan ka.

Tulad ng tagumpay at pagkabigo.
Sa bawat tagumpay na iyong natamasa.
Ay katumbas ng pagkabigo ng iba.
Sa bawat tagumpay na kanilang nakamit.
Ay katumbas ng iyong pagkabigo at pagkainggit.

Isang positibo na may dalang ligaya.
At isang negatibo na may dalang paninira.
Ano nga ba ang pipiliin mo sa dalawa.
Gamitin mo ang iyong utak. Isipin mong nasa pagitan ka ng sitwasyong magkaiba.

Ang pagkapanalo at pagkatalo.
Ang pagkapanalong dahilan ng iyong pagsikat.
At pagkatalong dahilan ng iyong pagpatak.
Sinasabi ko sa iyo, dalawa ang mukha ng mundo.
Kaya bago ka pumili, magisip ka.
Bago ka manghusga , tumayo ka sa kanilang sariling paa.
At bago ka mangutya, siguraduhin mong nadanas mo na ang naranasan nila

Ang pagsikat at pagkalaos
Sa bawat pagsikat ay may nalalaos
Parang boses na bawat pagbirit ay may napapaos.

Ang pagtanggap at pagkamuhi.
May mga taong tatanggap sa iyo.
Kasabay ng pagkamuhi na makakamit mo.
Ang pag angat at pagbagsak.
Kasabay ng paglipad ng napakataas .
Ngunit may taong naghihintay ng iyong paglagapak.

At ang huli at pinakamahalaga
Ang pagiging kuntento at labis na paghahangad.
Kuntento sa ating natatamasa.
Kasabay ng labis na paghahangad gamit ang paninira

Kayat ibibigay ko sa iyo ang sagot..
Sagot upang malaman mo ang dahilan ng  dalawang mukha..
Matuto kang intindihin ang paligid mo.
Matuto kang intindihan ang mundo.

Hindi palaging masaya ang bawat araw
May mga panahong malungkot at gusto munang umayaw.
Parang panahon na minsan ay maaraw.
At may dadating na malakas na ulan.
At asahan mo , wag mong kalimutan may darating na bahaghari.

Piliin mo ang negatibo hindi para maghirap.
Kundi para umahon at may patunayan.
Wag mong piliin ang positibo upang maging masaya.
Dahil ito rin ang magiging dahilan upang hindi ka lumigaya.

Balikan natin ang binigay kong sitwasyon.
Ang tagumpay at pagkabigo.
Piliin mo ang pagkabigo. Huwag mong kwestyunin ang Diyos , intindihin mo ang mundo.
Sapagkat ang pagkabigo ay may kalakip na tagumpay.
Na kahit kailan ay hindi huhumpay.

Ang pagkapanalo at pagkatalo
Sinasabi ko sa iyo, piliin mo ang negatibo.
Dahil kahit mahirap makakaahon ka.
Kahit masakit magtatagumpay ka.

Hindi lahat ng tao sa mundo nanalo.
Lahat tayo ay natatalo.
Ngunit may mga taong sa kabila ng pagkatalo.
Ay iniintindi at nagsusumikap, naghahangad ng panalo.
Kayat wag kang manghusga , kapag nakita mong lugmok sila.
Pinaglaruan lang sila ng dalawang mukha.
Tulungan mo sila. Na makabangon at makapagsimula.

Pagsikat at paglaos
Pagbirit at pagkapaos.
Piliin mo pa rin ang negatibo.
Dahil lahat tayo ay magiging positibo.
Lahat ng sumisikat ay nalalaos.
Kaya't baligtarin mo.
Dahil lahat ng nalalaos ay maaring umangat . Maari muling sumikat.

Tulad ng boses na sa una ay mabirit
At paglipas ng panahon ay mapapaos
Subukan mong mapaos at magpahinga.
Darating ang panahon makakabirit ka na.

Pagtanggap at pagkamuhi.
Hayaan mong kahiya ka nila. Ngunit huwag kang magpanggap.
Lahat ng nagpapakatotoo ay kinamumuhian.
Ngunit lahay ng kinamumuhian ay naghangad lamang ng katotohanan.

Pagangat at pagbagsak.
Hayaan mong bumagsak ka at pilitin mong umangat.
Huwag mong hayaang ang iyong pag angat ay siya ring iyong pagbagsak.
Tandaan mo, Dalawa ang mukha ng mundo. Piliin mo ang mahirap para makamit mo ay masarap.

Ang Kuntento at labis na paghahangad.
Tanggapin mo ang biyayang ibinigay.
Huwag ka ng maghangad ng labis.
Huwag kang manira , kapag hindi ka makuntento.
Bagkus magsumikap ka upang makamit mo ng buo.

Wag kang magsimula sa alam mong masaya.
Simulan mo sa mahirap sapagkat ikaw ay liligaya.
Ganyan katindi ang tadhana.
Kaya intindihin mo at harapin ang dalawang mukha.

At ngayon naiintindihan mo na ba?
Na ang mundo natin ay may dalawang mukha.
Naiintindihan mo na ba ang nais kong iparating.
Na ang dalawang mukha ay may ibigsabihin.

Ang sakit at sarap. Piliin ang masakit makakamit ang masarap.
Ang saya at lungkot. Piliin ng lungkot at paglipas ng panahon ay ikaw ay sasaya.
Ang angay at lugmok. Piliin ang lugmok dahil magiging dahilan ito ng pag angat.
At ang pagmamahal at pagkagalit. Piliin ang galit dahil sa huli mapapalitan ito ng mahal.

Ito ang ibig sabihin ng dalawang mukha.
Naguguluhan ka pa ba?
Ito ang dalawang mukha na malimit nating piliin ang pagkakamali.
Kaya't matuto tayong intindihin ang mundo.
Intindihin ang mga tao.
Huwag kang manghusga. Tumulong ka.
Huwag kang mangutya . Intindihin mo sila.
Isa lamang silang biktima ng dalawang mukha.

TalatulaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon