Damdaming Di Sigurado"
Paano ko ba mauumpisahan?
Ang kwentong maagang may katapusan
Paano ko ba titigilan?
Ang kwentong walang kasiguraduhanSimulan natin sa matang nakasilip
Sa bughaw na langit
Sa bituing maniningning
Sa mata nating nakapikitSa bibig nating tahimik
Kailangan nga bang balikan ang nakaraan
Kung ang isip ay sadyang naguguluhan
Kailangan bang sundin ang pusoSa damdaming di sigurado
Pagmamahal ko nga ba sayo ay totoo?
O nilamon lang ako ng lumbay
Tama bang magpakatotooO trip lang na sayo ay makipaghiwalay
Ginagawa ko ba ay tama?
O mas lalo ko lamang pinalalala?
Tama bang iwasan na kita?O kausapin kita na parang wala
Ngayon , isip pa rin ay naguguluhan.
Puso ay patuloy na nabibiyak
Damdamin mong di maintindihanGusto ko pa ding umiyak
Maari ko bang tapusin , ang kwentong walang simula
Maari ko bang kalimutan, ang tulang walang linya
Maari ko bang alisin, ang damit na walang mantsa?Maari ko bang balikan, ang buhay na wala ka.
Dahil kahit anong pigil, lalong sumasakit
Parang ilaw na nakatapat sa mata, nakakasingkit
Parang lapis na bumabaon, pilit umuukit
Parang ikaw sa akin, ayoko ng maulit.