ANG PAGTATAPOS
Di ko alam kung paano uumpisahan
Ang pagtatapos ng ating samahan
Na unang nabuo sa paaralan
At sinasabing pangalawa nating tahanan.Pagtapak sa pintuan na may mahihinang yabag.
Papunta sa upuan at maingat na ilalagay ang bag
Kung paano pipirmi at makikinig sa harapan
Tahimik pa lamang dahil wala pang kaibiganUnang papasok ang gurong tagapayo
Magbibigay ng oras sa bawat asignaturang pupuntahan mo
Magbibigay ng bawal at dapat gawin sa silid aralan
Na paulit ulit na nating naparingganMasipag pang magsulat ngunit tamad pang pumasok
Maingay na sa labas ngunit tahimik kapag sasagot
Kukulbit sa katabi baka makakahingi ng isasagot
Ngunit kapwa di alam ang isasagot kaya parehas kayong lagotKapag uwian hihingi ng pulbos
Mga walang kahihiya , hanggang sa ikaw na ang nakaubos
Papuputian ang mukha upang magmukhang maganda
At di mahalatang parang nanggaling sa gyeraKapag may pagsusulit tatabi sa matatalino
Kukuha ng pluma at pakampanteng uupo
Iintaying makapagbilog katabi at mabait na nagaantay
pagkatapos Magaala- giraffe makakuha lang ng sagot at sa kanyang papel mailagaySa bawat pagpaplano tungkol sa proyekto
Magkikita kita sa lugar na patago
Ang usapan sa oras lalabis pa ng ilang minuto
Kung di naman , ay walang gagawin kundi ang maglaroMga kaklase mong di mawawala ang pagiibigan
Mga tropang walang humpay sa kantyawan
Mga kaibigan na di mawawalan ng tawanan
At mga gurong nakikisali sa biruanAt sa halos sampung buwan na pagsasama
Andito na marso kung saan unti unti na tayong mawawala
Ang mga tawanan ay unti unting magiging iyakan
At ang mga pangyayari ay unti unting magiging ala ala.Ngayon tatapak na tayo sa isang entablado
Hindi para magpakita ng talento
Kundi para itaas ang ating kanang kamay
At ipagsigawan na tayoy nagtagumpayUnti unti na tayong magkakahiwalay
Ang mga plano natin ay sa kalendaryo na natin ilalagay
Ngunit sana'y tanggapin niyo ang aking kahilingan
Na kahit anong mangyari wala sanang kalimutan.Ito na ang ating pagtatapos ngunit hindi ang wakas
May panibago tayong pinto na magbubukas
Para sa ating pangarap na nais ipamalas
At ang diskarte hindi talino ang ating ilalabasKaya aking kaibigan , kaklase kapamilya
Maaring ito na ang huli nating pagsasama
Ngunit sa paglipas ng panahon tayoy magkikita
Dala dala ang ngiti ng tagumpay at kahapong alaala.