BLANKONG PAPEL
kukunin ko na ang malinis
isang kwadernong walang dungis
isusulat ang aking ninanais
pati na rin ang mga paghihinagpissa tulong ng pluma at basang kamay
kalungkutan ay aking ilalagay
sa pagpatak ng luha ay kasabay
ang sulat na ayaw ko ng mabuhay.hindi alam kung paano sisimulan
kung paano ilalarawan
ang masalimuot na kalungkutan
na kahit kelan hindi ako pakawalankulang ang isang papel na blanko
para isulat ang tunay kong pagkatao
simulan natin sa kung paano
paano ako nalugmok sa ganitopara akong bangka sa gitna ng karagatan
pilit bumabalanse para mapanatiling nakalutang
katulad ng aking isip na di maintindihan
pilit ngumingiti kahit ang utak ay lutangpara akong ibon sa malalim na gabi
pilit lumilipad kunwari nakangiti
sumasabay sa malamig na simoy ng hangin
ang mata ay sa malayo nakatingin.ang blankong papel ay ang buhay ko
may bahaging basa dahil sa luhang tumutulo
matamlay at walang kulay
katulad ng buhay na parang patay
ngunit hindi kasing linis at kasing puti
ng blankong papel ang aking ngiti
mapait , madungis at puno ng paghihinagpis
ang nakakubli sa ngiting matamistingnan mo na ang kwadernong hindi na kasing linis
kunin mo na ang papel na kasing dungis
ng buhay kong isinulat sa paghihinagpis
at ang laman ng kwaderno kong papel ay ang buhay kong hindi ko kailanman ninanais