Chapter 6 - Awaken

631 47 0
                                    


Artuel POV

'Sakura Suit? Ano naming gagawin ko dyan? .. haiz ibenta ko na lang to sa mananahi or pwedeng Iregalo ko na lang sa mga babaeng kakilala ko'

'System....' Bago pa siya mag salita nangialam na si System.

[Ding!

Your Inventory is full, please purchased some bag]

'Hah? F*ck!! Bibili pa ako ng bag! Sh*t ka system, para saan pa at binigyan mo ako ng 200 points kung gagastusin ko lang naman sa bag na iyan!!'

System ["......"]

'Hais, System ilan ba lahat ng Sobra?'

[17]

'F*ckk.. 17 x 3= 51.. Sh*t, SINUSUMPA KITA SYSTEM!'

System [".........."]

[Ding!

Your Inventory is full, please purchased some bag]

'Fine! Fine! ETO NA.. BUY!'

[Ding!

Thank you for buying, please come again!]

'AHHHHHHHHHHH!' Ewan ko kung pinagtitripan ba ako nitong system. Pero nangiinis eh.

'Grr.... System, may ORAS KA RIN SAKIN!'

System [".........."]

'Hah! Meron pa akong natitirang 149 Points anong gagawin ko dito?'

'Next Time na lang muna, gusto ko munang ipahinga tong isip ko'

[Sir Gusto mo na bang i-integrate yung bloodline mo Yes/No]

'Yes!'

[Ding! Integrating Bloodline is on Processing... i-reremind ko lang Sir matutulog kayo ng 24 hours para matapos..]

'Fine..'

At ilang minute ang nakalipas at nawala na ko sa memorya at tuluyan na akong nawalan ng malay.

*END OF Artuel POV*

..............

Isang araw ang nakalipas....

"Madame Zhiyu, kamusta na po yung kalagayan ni Zi'er" Tanong ni Madame Chu na may halong pag aalala.

"Wag kayong magalala Madame Chu, ayos lang ang kalagayan ni Young Master Lin, nawalan lang siya ng malay atsaka pinadalhan ako ni Patriarch ng gamot para magkaroon ng lakas yung katawan ni Young Master Lin kaya wala kayong dapat ikabahala" Paliwanag ni Madame Zhiyu kay Madame Chu.

"Pero.. isang araw na ang nakakalipas bat hindi parin sya... ehh" Nahinto ang sinabi ni Madame Chu nung nakita nya na parang gumagalw na ang mga kamay ni Artuel.

At hindi nagtagal at dahan-dahang bumangon sa hinihigaan si Artuel.

'Mmhh... ano na ang nangyare?' Tanong ni Artuel sa kanyang isip.

Dahan-dahan siyang tumingin sa paligid.

Nakita niya ang dalawang maid na nakatayo sa at inaalalayan/tinutulungan si Madame Zhiyu. At nakita niya rin sa tabi si Madame Zhiyu na ginagamot siya. At lumingon sa sa kanyang kanan at nakita niya ang Magandang Babae na mga nasa early 20's at nalaman na niya agad kung sino iyon.

"M-m-mom" Hirap bigkasin ni artuel ang salitang ito dahil hindi pa siya sanay na magkaroon ng bagong nanay sa panibagong mundo.

"Zi'er" Biglang lumapit sa kanya si Madame Chu at yinakap.

'Eh...Ehhh!' Hindi na alam ni Artuel ang kanyang sasabihin.

"Ayos ka lang ba? Wala namang masakit sayo?" Tanong na may halong pagalala ni Artuel.

"A-a-aayos lang m-m-momm, napaidlip lang ako ng saglit.." Kabang sagot ni Artuel. Medyo naiilang parin si Artuel dahil hindi siya sanay na nilalambing ng ganito at higit sa lahat sa magandang babae. Halos nung una hindi nga asiya makapaniwala na ito ang ina niya.

'Oo nga pala, nasa Ancient times yung theme ng story na ito kaya kahit 15-16 pwede nang ipakasal' Sabi sa isip ni Artuel.

"Humph.. napaidlip? Nabalitaan ko na nakipag away ka na naman sa dalawang Duan na bumisita kanina, at nang malaman ko na nahimatay ka at sumisigaw kanina hindi mo ba alam na nag aalala ako.. buti na lang.. buti.. *snif*" Hindi na mapigilan ni Madame Chu ang pagluha habang sinesermonan ang anak.

"E-eh" napa – speechless naman si Artuel dahil sa reaction ng bago niyang ina. 'Ganito ba talaga magalala ang mga magulang noon?' tanong niya sa kanyang sarili.

"Madame Chu, since magaling na si Young Master Lin mauuuna na ako" Paalam ni Madame Zhiyu.

"Maraming salamat Madame Zhiyu! Cai'er, Da'er alalayan niyo si Madame Zhiyu paalis" Sabi ni Madame Chu.

"Masusunod Madame Chu" at sumunod na rin ang dalawang maid kay Madame Zhiyu dahil alam nilang isyu na ito ng mag ina.

At nung umalis na ang tatlo may batang pumasok sa kuwarto ni Artuel.

"Mom! Kamusta na si Big Brother Yinzi?" Dumating na ang original MC.

Realm of The Strongest Volume 1: New LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon