Chapter 14 - The arrival of Eunuch

523 36 0
                                    


Sa loob ng Training Hall

Na satisfied si Lin Jianghui sa mga nakita niyang resulta at tinignan ni si Lin Jianrui at tinanong.

"Father, mukhang maayos ang mga naging resulta" Lin Jianghui.

"Hahahaha, good good, na satisfied na ako sa pamamahala mo at walang nag fail sa mga naging resulta at hindi ko inexpect na grandson ko pa ang naging highest hahahhaaha."

Tumango rin si Lin Jianghui na parang sumang ayon din sa mga sinabi niya. At nilipat niya ang tanong.

"Father, hanggang ilang araw ka mag i-istay dito para maka prepare na ako" pahayag ni Lin Jianghui.

"Aalis na ako bukas agad dahil aasikasuhin pa naming ng mga opisyal yung mga bagong recruit, sa inyo na lang ang hinihintay dahil doon sa dalawang city ay naayos na ng dalawang duke so natuwa ako sa mga naging resulta. Pakisabi sa mga nakakuha ng '2.5' - '3' na iniinbitahan ko silang sumama sa kingdom para maging soldier ko." Pinaalahanan ni Lin Jianrui si Lin Jianghui.

"Masusunod Father" tugon ni Lin Jianghui.

"Ano yung pangalan nung apo ko na nakakuha ng '3' at '3.5' ?" Tanong ni Lin Jianrui.

Napatingin si Lin Jianghui na may halong pagtataka sa father niya at sinabi sa isip 'kakagreet lang sa iyo ng mga apo mo tapos nakalimutan mo na agad?'.

Napansin ni Lin Jianrui ang tingin ni Lin Jianghui at tumawa habang hinahawakan ang balbas "Hahahahaha, pag pasensyahan mo na yung father mo, matanda na ako atsaka marami akong inaasikaso kaya pati pangalan ng mga apo ko nakakalimutan ko na hahahaha"

Lin Jianghui "..........."

Mga elder sa likod "..........."

"Yung babae ay anak ni Ren'er na si Lin Yun'er at yung lalaki ay anak ni Hua'er na si Lin Yinzi" Sinabi ni Lin Jianghui.

"Yun'er mmmh... like cloud at Yinzi, Yinzi like silver.. pffft hahahaha good good hindi ko alam na magaling kang magpangalan sa mga apo ko hahahaha"Sabi ni Lin Jianrui habang tumatawa.

Lin Jianghui "........."

"Siya nga pala, since tapos na ang test gusto ko naman makita ang performance ng mga nakakuha ng '1.5' – '2' nung last 3 years." Dagdag ni Lin Jianghui.

Natapos na ang test ng mga seven years old at ito naman ang oras na magpapasikat na ang mga 10 years old para sa huling chance nilang maimbintahan.

Nang makarating na si Lin Yinzi sa kinauupuan sinalubong siya ng kanyang mom at little brother at umupo sila para panooring ang laban ng mga 10 years old na nag fail nung last 3 years.

Every year ay bumibisita ang Hari at Duke sa Lin family at sa dalawang city upang mag recruit ng mga passable na grade sa 7 years old at mga nag retake every 3 years upang isanay nila na maging magaling na sundalo.

At nag simula na ang paligsahan at nagpakita na ng galling sa pakikipaglaban ang mga bata. Kahit nagsimula palang sila mag praktis ng Qigong namangha parin si Yinzi sa mga nakita niya dahil hindi uso ang pakikipaglaban sa previous life niya. At ngayon na transmigrate siya dito at namulat ang mata niya.

'Kung ganito na makipaglaban ang mga nagsimula mag praktis ng qigong, pano pa kaya ang mga Bronze, Silver, Gold, at iba pa'. Sabi niya sa isip niya.

'Woah gusto ko maging ganyan! Kung malalagpasan ko yung limit ng Mortal Realm at makaabot ng Monster Core Realm makakalipad na ako, tapos makaka experience na rin ako ng pakikipaglaban sa ere(air)'

'Kailangan ko maging malakas' hinigpitan niya ang paghawak sa kanyang kamao.

At sa gitna ng laban ay may isang maid na nagmamadaling pumunta sa harap ng Patriarch at King.

"Patriarch, Kamahalan" Sabi niya sa dalawa.

"Mmmhh.." napatingin naman ang dalawa.

"Si Eunuch Qin nasa labas kasama si Gineral Mian"

"Ehhh" napatingin ang mga elder pati ang patriarch sa hari.

"Ehem* Ehem* papasukin mo" sabi ng hari at sinabi sa isip niya 'Ang Akward!' 

Realm of The Strongest Volume 1: New LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon