Lin Yinzi POV
Habang sinusundan namin ang babae, pinagmamasdan namin ang paligid, namangha naman ang ibang mga bata. Kung ikukumpara to sa Courtyard ng mom ko, mas Malaki ito ng 3x pero kung ikukumpara mo ito sa buong lin family, wala pa ito sa kalahati. Kaya kami pati ng mga aristocrats family ay napatingin lang sa ganda ng itsura ng Academy pero hindi kami namangha. Dahil nabisita na nila ang lugar ng family namin.
At nakarating na kami sa harap ng School at nagtipon-tipon. May nakita kaming lumabas na babaeng matanda at may walo na sumusunod sa kanya.
Nakita rin naming na umalis na ang babaeng sinusundan naming at pumunta sa likod ng matandang babae.
"Magandang tanghali sa inyong lahat ako nga si Situ Fengxue at ako ang Vice Principal nyo dito sa academy, pwede nyo akong tawaging Vice Principal Feng at ang nasa likod ko ay ang magiging instructor nyo sa buong tatlong taon" At pinakilala niya isa-isa.
At nang matapos na niyang ipakilala, nagsimula na siyang humarap sa amin at nagsimula ulit sabihin ang mga rules.
"Ngayon sasabihin ko na ang mga gagawin nyo buwan-buwan"
"Sa buwan ng Crane hanggang Leopard tuturuan kayo ng mga estilo ng pagsulat, history ng empire, at mga klase ng herbal na halaman at sa huling araw ng Leopard ay magkakaroon kayo ng pagsusulit"
"Sa Buwan naman ng Boar at Falcon, ituturo naman sa ang mga basic sa pagsasanay sa pakikipaglaban at sa huling araw ng Falcon meron din kayong pagsusulit na haharapin"
"At pagkatapos nun, meron kayong isang buwan para magpahinga at babalik naman ulit kayo sa dating routine."
"Sa Buwan ng Eagle at Tiger ay puro libro ang mahahawakan nyo at merong pagsusulit sa huling araw ng Tiger"
"Sa Buwan ng Snake at Dragon ay puro activity ang mga gagawin nyo at meron ding pagsusulit sa huling araw ng Dragon"
"At pagkatapos nun, irerecord namin ang kabuuang resulta ng nakuha nyo at igigrade namin kayo"
"May tatlo kayong section, ito ay ang Section A, Section B at Section C"
"Ang grade ng naging resulta nyo sa buong taon ay isang letra lang, pwede 'A', 'B', at 'C' "
"Pag nakita nyo sa tatlong iyan ang grade nyo, yan ang magiging section nyo sa pangalawang taon nyo dito"
"So sa ngayon ang grade nyo sa grading stone ang i-gigrade namin"
"Kailangan nyo lang sabihin ang grade na nakuha nyo sa grading stone at wag kayong mag tangkang magsinungaling dahil once na nalaman naming na hindi totoo ang mga sinabi nyo, isa lang ang mangyayari sa inyo 'Drop Out' naiintindihan nyo ba?" Huminto ng pagsasalita si Vice Principal Feng at tinanong kami.
"Yes!" Sigaw naming lahat.
"Ok mabuti kung ganun. Ito ang grading system natin ngayong taon"
"Kung sino yung mga nakakuha ng '2.5' pataas ang Section A"
"Ang mga nakakuha naman ng '1.5' hanggang '2' ang Section B"
"At ang mga nakakuha ng 1 pababa ang Section C"
"So may ibibigay kaming papel sa inyo at kailangan nyo lang i-fill up ang pangalan nyo"
"At pagkatapos ninyong i-fill up, ihulog nyo dito sa malaking basket"
At nagsimula ng kumuha ng papel ang mga instructor at pinamigay sa amin.
At kalahating oras ang nakalipas at natapos narin kami mag fill up at hinulog na naming sa basket.
Pagkatapos nun ay bumalik kami sa dating puwesto at hinintay uling mag salita ang Vice Principal.
"Meron kayong araw ng pahinga hanggang sa huling araw ng Phoenix so pwede na kayong umalis" Paliwanag niya.
At nagsimula na kaming magsibalikan at ako pumunta ako sa dorm ko at nagsimula ng magtraining.
BINABASA MO ANG
Realm of The Strongest Volume 1: New Life
ActionAng MC natin ay na transmigrate sa isang fantasy story na kanyang huling binasa. At dito sa lugar na ito ang kapangyarihan ang batas. Sundan natin ang bida sa storyang ito kasama ang kanyang plot armor na system sa kanilang paglalakbay. ...