Chapter 7 - Lin Feng Xiong

605 46 0
                                    


Artuel POV

Napatingin kami ng mom ko sa nagsalita at nakita ko ang cute na batang naka kimono at wood sandals na lumapit sa amin.

'Lin Feng Xiong!'

Ang totoong Main Character sa Realm of the Strongest. Sa pagkakaalam ko walang Plot Armor si Feng Xiong sa story bagkus mga kalaban niya ang marami, pero dahil meron siyang mabilis na pag uunawa sa mga bagay bagay, hindi naging sagabal sa kanya ang cultivation.

Sa pagkakaalam ko parehas sila ni Long Hei Jiang(5th prince) na walang plot armor. Pero kahit si Hei Jiang walang batbat sa kanya kung sa pabilisan pagdating sa cultivation.

'Hais! Ito ang totoong genius...'

"Oh.. Xiong'er halika lumapit ka dito" Sabing ng mom ko.

"Hehe!" napangisi naman si Feng Xiong at tumalon kay Mom at yinakap ito. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Big Brother ayos ka lang? kalian tayo pwedeng maglaro?" Napatitig ako ng matagal nang lumapit si Feng Xiong sa akin na kumikinang ang mata.

'CUTE!' hindi ko nang napigilan ang sarili ko at binuhat ko si Feng Xiong at yinakap at pinaghahalikan ko sa kanyang matabang pisngi.

'Hindi ko ma imagine na yung matapang na Feng Xiong na nababasa ko sa novel ay ganito pala ka cute ng bata' Since 10 years old na si Feng Xiong nung nagsimula ang chapter 1 sa Realm of the Strongest.

"Big brother ayaw ko, ahhhh!"tinulak nya ako at pinunasan nya ang kanyang pisngi na puno ng laway gamit ang kanya kimono.

"Hahahaha"Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya at hinimas ko ang ulo niya.

"Pfft! Ang cute nyong dalawa tignan, halika nga kayo mga baby ko" lumapit si Mom sa amin at yinakap kaming dalawa.

'Hais.. ganito ba ang pakiramdam ng pagmamahal ng magulang? Ilang taon narin nung naranasan ko to? Since High School na ako sa previous life ko hindi ko na ito naranasan' Sabi ko sa isip ko.

Makalipas ang ilang minutong kasiyahan ay umalis na si Mom at Feng Xiong. Sinabi ni mom na magpahinga muna daw ako dito sa kuwarto ko. Kaya nang makarating na ang dalawang maid, inutusan ni mom na bantayan ako sa labas para kung may kailangan ako, tatawagin ko na lang sila. And by the way ang pangalan pala ng dalawa ay Lin Cai at Lin Da, ang maid na ipinadala nang Chu Family kasama ang mom nung ikinasal sila ng Patriarch or este Dad ko na.

So ngayon nakabantay ang dalawang maid sa labas at ako dito nakasandal sa kama.

'System! Ano nang nangyare sa Uchiha bloodline ko?'

[Ding!

Integrating Bloodline Completed

Pwede kang pumili ng sharingan sa mga character sa naruto universe or sarili mong sharingan]

'Eeeh, pwede akong pumili? Then piliin mo yung kay Itachi Uchiha' Hindi ako naghanap ng risk para pumili ng sarili kong sharingan, since may information na akong nalalaman sa Sharingan. At isa sa pinaka magandang sharingan ay ang kay itachi, lalo na pag naka Mangekyou pwede akong mag Tsukuyomi, Amaterasu, Izanagi, Izanami at higit sa lahat yung Susanoo.

'Maganda rin ang Sharingan ni Obito at Shisui dahil pwede akong mag teleport sa space at kumontrol ng tao pero alam ko na may ibang skill pa sa shop na related sa space kaya masasayang rin kung kay obito at kung sa sharingan ni Shisui, wala rin akong interest kumontrol ng tao dahil gusto ng buhay na mapayapa'

'Kaya nag decide na ako. Hindi ko papakialaman ang plot dito sa story na ito'

[Ding!

Uchiha Bloodline – Itachi Uchiha]

Realm of The Strongest Volume 1: New LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon