Chapter 21 - Walking in the Water training, Succeed

384 30 0
                                    


Sa gilid naman ng puno, hindi nakita ng dalawang guard ang nangyare dahil ilang minuto silang nagmasid kay Yinzi at lagi tong bumabagsak kaya nawalan na sila ng interest at nagkwentuhan na lang, pero nakatuon parin ang atensyon nila sa dalawa kaya nararamdaman nila na andun lang sila naglalaro.

At nang may dumating na isang maid, si Cai'er at nilapitan niya ang dalawa at tinanong.

"Asan na ang mga young master?" Tanong niya.

"Ayon sila naglalaro" At tinuro sa puwesto ng dalawa na papunta narin sa puwesto nila.

"Young master oras na para umuw- nako young master anong nangyare sa damit ninyo?" Tanong niya nung nakita niya na madumi ang damit nilang dalawa lalo na yung kay yinzi.

"Hahahha nagtraining kami kung paano umakyat ng puno gamit ang paa" Sabi ni Lin Yinzi.

"Haha ang galling ni Big Brother Yinzi inakyat niya yung puno hanggang naabot niya yung sa taas sabi niya tuturuan niya ako pag nag seven ako" dagdag ni Xiong'er.

"Ahh ganun ba, ok hali na kayo para magpalit ng damit ang dumi dumi nang damit nyo atsaka baka hinahanap na tayo ni Madame Chu" Obviously, hindi sila naniniwala sa sinabi ni Xiong'er.

"Cai'er since nandito narin kami sa land spring, maliligo muna kami kahit isang oras lang" Paliwanag ni Yinzi.

"Pero, baka hinahanap na tayo ni Maadame Chu" Sabi ni Cai'er na nagaalala.

"Hindi rin naman tayo pwedeng bumalik na ganito ang damit ko diba. Kahit sabihin natin na magpapalit kami ng damit mahahalata parin yung iba at kayo rin malalagot" Paliwanag ni Yinzi.

"Errr.. Pakidalian nyo lang young master para hindi tayo malagot kay Madame Chu" Sabi ni Cai'er.

"Wag kayong mag alala, akong bahala sa inyo ipapaliwan koi to kay mom" Sagot ni Yinzi sa kanila

"Ok young master" Tugon ni Cai'er.

.........................

At ito nandito sila sa ilog sa land spring. Ang land spring ay nanggaling sa waterfall at ito ay dumadaloy papunta sa malapit sa Academy at ang isang daluyan ay papunta malapit sa Territory ng Lin.

Ang mga maid at guard nandun sa gilid ng puno at binabantayan ang dalawa. At since hindi gaano malalim dito sa pinupwestuhan nila, sinabi ni Yinzi sa kanila na sila na lang ni Xiong'er dito.

Hindi naman malalim ang tubig dito sa pinupwestuhan namin at mga nasa hanggang tuhod lang ni Yinzi ito at hanggang dibdib naman ni Xiong'er.

At ito nagkakasiyahan silang dalawa at naghahagisan ng tubig. Pero hanggang nagkakasiyahan silang dalawa, nakatuon parin ang atensyon ni Yinzi sa mga guard at maid kung naka pinagmamasdan parin sila ng mga ito.

At sampung minuto ang nakalipas at napansin ni Yinzi na nasa iba na ang atensyon nila kaya nagsimula na siya mag training.

"Xiong'er" Tawag ni Yinzi sa kapatid nya.

"Aye!!" Tugon niya.

"Dahil nagawa na natin na umakyat sa puno ang susunod naman nating gagawin ay lumakad sa tubig" Sinadya pa talaga ni Yinzi na sabihing 'natin' para kunwari kasama siya.

"Ok simulan na natin!" Sabi ni Yinzi sa kanya.

At nilagyan na ni Yinzi nang chakra ang ibaba ng paa niya.

Tumayo lang siya at nirorotate ang chakra sa paa para maging balance.

"Whishh"

At lumubog sya.

Mas mahirap ito kaysa sa paglakad sa puno, pero since may info na si tungkol dito dahil sa kapapanuod niya ng naruto, medyo hindi siya nahirapan. Ito ang 'Basic Chakra Control' at kung bibilhin niya ito sa shop, nagkakahalaga ito ng 15 points kaya nakatipid pa sya.

Si xiong'er naman ay pinagmamasdan parin ang Big brother niya tulad kanina.

At kalahating minuto rin ang nakalipas at natutunan na niyang ibalance ang katawan niya sa tubig at nakakapaglakad na siya.

"Woah! Amazing! Gusto rin niyan pero hindi pa ako seven" Nag pout si Xiong'er.

"Wag kang magalala pag dating mo ng seven tuturuan kita kung paano" Hinawakan niya ang ulo ni Xiong'er at at hinimas himas.

'Mukhang tuturuan ko na lang talaga si Xiong'er. Hindi naman ata magbaabgo ang plot kung tuturuan ko lang sya ng chakra' Sabi ni Yinzi sa isip nya.

"Tara na umahon na tayo at magpalit" Sabi niya sa kapatid niya.

At natapos na rin sila magligo at nakapagpalit na sila ng damit para umuwi na.

Realm of The Strongest Volume 1: New LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon