Lin Yinzi Pov
Crane Day 1 Year 667
So ito natapos na ang labing-walong paghihirap ko sa training. Sa buong araw na iyon ang routine lang ang ginagawa ko, at habang nag e-exercise ko lagi akong may dalawang 10 kilo weights sa ankle ko na mukhang bracelet.
Nung unang araw parang hindi ko na mabuhat ang katawan ko sa bigat pero nasanay ng nasanay ang katawan ko ni kahit sa F-Grade Mode ay nakasuot parin ako nito.
Sa F-Grade Mode naman maayos lang din at nag iimprove naman ako kahit hindi ko parin sila matalo talo, merong time nga sa sobrang inis ko dahil hindi ko sila matalo nagpalit ako ng bagong kalaban ang young version nina natsu at gray at ang resulta, pinaulanan nila ako ng apoy at ice kaya hindi narin ako sumabak doon.
Ganon din ang nangyare nung kinalaban ko si 'Young Zoro' puro sakit sa katawan ang naranasan ko dun sa stage dahil sa 'Ittoryu' at 'Nittoryu' na pinapakita niya. Pero dahil sa mga laban ko kay 'Young Zoro' nag improve ako sa 'Ittoryu' at 'Nitoryu' at negegets ko na ang mga pinapakita sa manual. (AN: Sa mga hindi nakakaalam, Nitoryu ang sword style ni Zoro nung bata pa siya, kaya niya naisipan ang Santoryu dahil ang Wado Ichimonji ang natitirang ala-ala ni Zoro kay Kuina. Pwede nyo itong mahanap sa One Piece Wikia).
Sinubukan ko rin sa mga ninja pero nung nakita ko sila, hangganag dibdib lang ang height ko at wala rin akong laban kaya kay Sabo at Ace ako nakatuon. (AN: 7 Si Yinzi at 13 years old na ang mga ito)
At sampung araw ang nakalipas at nagawa ko na rin matalo sina ace at sabo. Natalo ko na rin sina Natsu at Gray. Kaya ko ng depensahan ang sarili ko kay Zoro kaya tumatabla ako sa kanya, pero dahil malakas ang stamina niya kesa sakin talo parin ako, kaya ang Quest ko dito ay naging 5/10.
So, sa kasalukuyan si 'Young Hinata' ang kinakalaban ko, kahit alam ko na hindi ko siya matatalo, nagkaakaroon ako ngexperience sa tamang paggamit ng taiajutsu. Hindi muna ako nagbalak kalabanin si Rock Lee dahil mabilis ang galaw nya at alam kong wala akong gagawin.
Sa Santoryu naman medyo nahihirapan ako dahil hindi ko ma reflex ang kendo sword sa bunganga ko tuwing nagtitraining ako sa 'Free Mode' kaya pinang santabi ko muna iyon.
At ito ngayon kakatapos ko lang mag body exercise sa labas, at tuwing nag exercise ako sa labas pinagmamasdan nila ako dahil lagi akong naka suot ng shinigami suit at nag 5 sets ng push ups, 10 sets sa sit ups, 10 set sa Squats at 2 Miles sa umaga at ganun din sa hapon. Tinitignan nila ako dahil daw bihira sa edad ko ang ganito pero sinagot ko lang sila ng ngiti.
Pagdating ko ng Inn/Dorm meron nang nakahandang pagkain at mukhang alam na nila ang routine ko dahil pinaalahanan ko rin sila kung anong oras nila ako dadalhan ng pagkain.
Pagkatapos kong kumain hindi ako nag meditate dahil isang oras at kalahati na lang at magsisimula na ang pasok namin. Kaya ngayon may time ako para i-check ang profile ko dahil matagal ko nanag hindi nakikita iyon.
"Profile!"
[Profile:
Name: Lin Yinzi – Human
Age: 7 years, 3 months and 18 days
Bloodline: Uchiha – Sharingan(Locked)
Weapon: Kunai*10, Shuriken*10, Short-Sword(Mortal Rank 4)
Skill: [Basic Shuriken/ Kunai Throwing Technique] – Intermediate, [Body Flicker] – Intermediate, [Basic Ninja Combat Style] – Beginner, [Basic Taijutsu] – Elite, [Ittoryu] – Beginner, [Nitoryu] – Beginner, [Chakra Control] – Advance, [Clone Jutsu] - Advance
Taijutsu – Intermediate
Ninjutsu - ?
Genjutsu - ?
Elements: Water/Fire
Chakra: 85(Academy Cadets)
Body Rank: Iron-Grade Rank 2
Cultivation Rank: None]
'Whoooooh Iron-Grade Rank 2 kahit wala pang cultivation nice nice mukhang magiging Main Character din ako, pumapalag sa mataas na rank hahahaha'
Since nakita ko na yung profile ko, binalak ko ng matulog.
'System gisingin mo ako pag 11:30 na!'
[Yes Sir!]
.........................
Ito papunta na ako ng Academy, nakikita ko narin na maraming estudyante. Nakita ko rin na nakabalik na si Lin Baoli sa bakasyon at sasabak sila sa training.
Nang makapasok na ako, nakita ko narin sina Lin Yun'er kasama ang dalawa niyang original na kasama. Hindi ko nakita si Lin Tianshou dahil nasa Section B siya.
Pumasok na ako sa classroom at nakita ko na rin ang iba kong mga classmate. Tumango lang ako sa kanila at umupo doon sa malapit sa bintana dahil ito ang favorite seat ng mga otaku.
At habang nagmamasid ako sa bintana nakita ko na may umupo malapit sa akin at napatingin naman ako.
Cute na babae, silver ang buhok at medyo cold umasta. Tinignan ko siya ng matagal at napansin niya ako, nagkunot ang mga noo niya at tinanong.
"What?" Tanong sakin.
"Nothing" Sabay sandal ng balikat sa bintana papunta sa kaliwang mukha ko sabay lingon sa bintana. (AN: Wow! Nasobrahan si author kakapanuod ng anime hahahaha)
Naramdaman ko kahit hindi ako nakatingin na sumama ang tingin niya sa akin ewan ko kung bakit, hindi ko lang siya pinansin at hindi niya na rin ako pinansin.
At ilang minute ang nakalipas may dumaan na instructor, siya ulit yung babaeng instructor na nag guide sa amin.
"Magandang Tanghali sa inyong lahat ako si Tu Shenmi, pwede nyo akong tawaging instructor Tu at ako ang magiging instructor nyo sa buong dalawang buwan" Pagpapakilala niya.
BINABASA MO ANG
Realm of The Strongest Volume 1: New Life
ActionAng MC natin ay na transmigrate sa isang fantasy story na kanyang huling binasa. At dito sa lugar na ito ang kapangyarihan ang batas. Sundan natin ang bida sa storyang ito kasama ang kanyang plot armor na system sa kanilang paglalakbay. ...