Chapter 12

49 4 2
                                    

___^___^^_^__^^___^_^^__^___^^___^_^_______________

Grabe! Yung heartbeat ko! hahahahaha. Ikaw ba naman sabihan nya ng ganun kanina. Well nakauwi na ko. 8 na din siguro ako nakauwi. kakadating dating ko  lang naman e. Madami dami din kaming napagusapan kanina, family nya sa family ko din sa school sa mga kaibigan mga ganung topic. Nagtaka din ako sa kanya kasi simula nung binanggit ko yung word na daddy nagiba aura nya kaya iniba ko na lang yung topic.

Tapos nung natapos kaming kumain. Kaya lang ako mas lalong kinilig kasi sabay kaming nag order mag kaibang counter kami sabi nya treat nya daw ako kaso nahihiya ako. Kaya bumili ako ng sarili ko. Sabay din kaming natapos umorder and nung pag-upo namin at nung nakita ko yung order nya. Parehas na parehas kaming dalawang order ng au cheval. Burger sya and sobrang sarap at isang marinara pizza tsaka fries at masaya na ko sa nestea pero may pahabol pa akong carbonara na wala sya. Hindi naman siguro halatang gutom ako. 

Kaya nung natapos kaming kumain. Nagsimula na din kaming maglakad pauwi. Hinatid nya ko hanggang sa bahay namin. 

"Thank you sa time. Next time ulet"-sabi nya

"oo sige, Madilim na daan, magiingat ka pauwi ha. , Thank you. Goodbye"

"-_________" yan yung mukang sinagot nya dun sa sinabi ko. Natakot ako bigla, nagiba aura nya e.

"May nasabi ba akong mali?"

"Oo. Ayoko kasi ng nagsasabi ng goodbye. I feel pain everytime i hear that word"

"Sorry. Hindi ko alam. hindi ko na lang uulitin. Bakit ba?"

"Wag mo na munang tanungin ngayon mahabang kwneto. Sige na pumasok ka na". Tinaggal nya yung salamin ko tapos medyo ginulo nya yung buhok ko. Tapos medyo ngumiti sya kaya hinayaan ko na lang para bumalik lang yung ngiti nya.

"Yan. mas bagay sayo yang walang salamin" Tapos tumalikod na lang sya sakin. And nagstart na maglakad pauwi. At sumigaw na lang ako ng ingat nung medyo malayo na sya.

Pag pasok ko ng bahay.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw ni ate

"ANOOOOOOOOOOOOOOOOOO!" Sigaw ko din.

"Sino yung naghatid sayo?:))))))))))))))))))))))))))))))))))))))"

"Kaibigan ko lang yun wag ka ngang OA."

"Kaibigan? Ang laki laki ng ngiti mo kanina e!"

"kaibigan ko nga lang sya. Classmate ko"

Tapos niyakap nya na namam ako. Simula baba hanggang pag akyat ko ng kwarto ko magkayap kami. Namiss naman ako masyado neto. Ganito kami ka"SWEET"? And nagtanong agad sya kung anong nangyare sakin maghapon habang nakahiga sya sa kama ko and ako naman diretso hubad at magshoshower na sana tapos sabi nya na wag daw akong magshower kasi mapapasma katawan ko pagod daw kasi ako maghapon. And nagpout na lang ako at sinunod nagpalit na lang ako ng damit at humiga katabi nya tapos niyakap nya na naman ako tapos nagpaikot ikot pa kami sa kama. 

"Grabe ka makamiss ate."

"Syempre hindi ako sanay ng hindi ka nakakasama maghapon e"

"Sorry ka. May pasok na ko e. Kaya masanay ka na"

"kaya masanay ka na din ng lagi akong ganito sayo"

"Maawa ka sa katawan ko ate. Magkakapasa ako ng wala sa oras dahil sa ginagawa mo e"

"Hayaan mo na. Namiss lang talaga kita"

Nagkwentuhan kami about sa nangyare sa maghapon ko tsaka kung sino yung lalaking kasama ko kanina at kung anong ginawa namin. At lumabas na sya ng kwarto pagkatapos namin magkwentuhan para kumain sa baba. Almost 2 hours din ata kaming nagusap e kaya medyo napagod ako kakaimik kaya nung nakita ko yung orasan 10:30 na. Kaya mas lalo kong naramdaman yung pagod. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Next day.

Wala namang bagong nangyare simula nung first day nagkaron lang ng klase ngayon. Pero yung routine wala. ganun pa din. Klase kain klase kain klase kain klase uwian.

Kaninang first class Nakita ko na naman si Jad bigla na naman akong natakot kasi ang sama ng tingin nya sakin pero hinayaan ko na lang hanggang sa matapos yung klase and nawala yung takot ko nung nakita kong nakangiti sakin si RJ, Well Rj na lang daw itawag ko sa kanya mga special na tao lang daw kasi tumatawag sa kanya nun e feeling nya naman daw kasi special ako kaya hinyaan nya akong RJ tawag ko sa kanya.

       Nagtataka ako kay jad kasi wala naman syang masamang ginawa kundi tunawin ang sexy body ko sa kakatingin nya ng masama. Hahahahaha. Tapos hindi ko din nakikita si RJ pagkakakatapos ng isang klase bigla na lang laging nawawala sa paningin ko e. Ang dami nya kasing kausap kaya siguro hindi nya ako kinakausap. Pero si jad pagkakatapos ng isang klase lalabas sya tapos tatayo sa may pinto na medyo asta na gangster tapos nakatingin ng masama sayo. Kaya natatakot ako lalo sa kanya.

And natapos yung maghapon, palabas na ko ng school. Hintayin ko sana si Rj para sabay ulit kami baka kasi mag ichill na naman sya, e trip ko din namang kumain ngayon. Kaya lang naisip ko na may practice sila ng basketball. Nakakainis nga lang kasi kakaumpisa pa lang ng school year practice agad sya, kaya ako hanga sa kanya e kaya crush na crush ko sya kasi naman nababalance nya oras nya sa pag aaral sa pag lalaro sa mga kaibigan nya at kung kani kanino pa.

Kaya lang nung medyo malayo layo na din ako sa school. At malapit lapit na ko sa gate ng village namin. Hindi na ko tumuloy ng ichill para kasing mas gusto ko makasama ngayon si ate pagkain. baka magtampo an sakin yun kasi di ko na sya nasabayan kagabi. Nakaramdam na naman ako na parang may sumusunod sakin. Nung nakapasok ako ng village medyo kampante na ko kasi may guard naman sa labas wala namang makakapasok ng basta basta dun kaso nung pagtingin ko sa likod ko may sumusunod pa din sakin medyo binilisan kong lakad ko. pero sinundan nya talaga ako. And nung nahawakan nya ko tinakluban nya yung bibig ko para di ako makasigaw pero nung medyo nakita ko yung muka nya mas lalo akong natakot kasi si JAD! Tapos bumulong sya sakin ng " Wag kang sisigaw. Kung hindi lagot ka sakin" Kaya nanahimik na lang ako

Oh Lord. Tulungan mo ko. Anong gagawin sakin ng lalaking to. Jusko hostisyaaaa!

@Author

Kung nababagalan po kayo sa story ko. Sabihan nyo ko. Pm me. or mag magcomment na lang kayo. Kung kelangan kong bilisan. Hahahahaha

Dont Play Game With a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon