Chapter 16

38 4 0
                                    

Chairmane dela Cruz

 

Grabe. Nakita ko na naman si jorine. Bakit ba kasi dito pa sya pumasok. Kahit na engineering sya at bacomm ako ayoko pa di na nandito sya. Gusto ko malayo sya sakin. Pero hinyaan ko na lang. Basta wag lang sya magkakamaling sirain ang image ko dito. At subukan nya lang agawin ulit sakin yung mga bagay na sakin. Humanda sya!

Jad cabrero

Grabe naman sya. Excited pa man din akong magjam ulit kasi favorite song ko yung tutugtugin namin tapos di naman natuloy kasi nga mag skateboard daw. Parang trip ko din naman na gawin yun, masubukan nga. At wala din namang gagawin sa bahay e mag sesenti lang ako dun kaya. Sige. Sasama na ko.

Naisipan ko na magcontacts na lang kasi panigurado pag nageyeglass ako malalaglag lang to o kaya naman mahihirapan lang ako gumalaw. Kaya pagbili ko ng skateboard sa sm diretso na ko sa kanila. Malayo pa lang ako sa kanila may nakikita na kong babae at sure akong hindi sya yun kasi naman nakashorts to na maigsi na nakavans na sapatos tapos naka hindi ko maexplain kung anong style meron sya pero ang sexy nya ang puti e. At alam kong hindi si jorine kasi alam ko namang napakaconservative nun. Pero nung papalapit ako ng papalapit nakikita ko yung anggulo ng muka nya napanganga ako kasi si Jorine nga! Naggaganito pa tong babaeng tonakacontacts sya siguro hindi din sya nakasalamin e.

"4:03 na. Usapan 4 diba?!"

"Grabe ka naman. Para 3 minutes lang e."

"Ganun din yon late pa din!"

At sumigaw na naman sya. Ang sakit sa tenga. Kung hindi lang ako naakit sa kanya panigurado nasigawan ko na din sya.

"Ok na. Sorry na. Pasalamaat ka..."

"Pasalamat ako saan!!"

"Wala. Sorry na nga diba." tapos hinawakan ko yung kamay nya nilagay ko yung bracelet na galing sa bulsa ko and nagsmile na lang sya. Habang naglalakad kami tinanong nya ko kung para saan yung bracelet na yun. Sabi ko wala lang Nagandahan kasi ako dyan nung nakita ko e alam ko namang malalate ako e kaya binili ko para magkasundo agad tayo. Pero hindi nya alam yung bracelet na yun ay matagal ko ng tinatago at lagi kong dala kasi ibibigay ko kay chairmane pag nag ka chance akong malapitan sya pero no choice na lang para manahimik sya kaya ibinigay ko.

Jorine delos santos

Nung nakita ko sya malayo pa lang hindi na ko naniniwalang sya yun. Kasi nama ang gwapo nyang tignan pag walang salamin and medyo nakataas yung buhok at bagay sa kanya yung v-neck na plain white tshirt at medyo brown na maong shorts na nakafold medyo mataas sa knee nya at sapatos na janoski na red tapos nakarelo na g-shock na white kunwari di na lang ako nagpaepekto sa porma nya kaya kunwari galit ako sa kanya kasi nalate sya peeo ang totoo nagalit talaga ako. Hahaha. Di naman sa nagalit talaga. Nainis lang. Pero nung hinawakan nya yung kamay ko at medyo inaalis ko pa kasi baka kung anong gawin nya kaya hinila nya talaga ng malakas para di na ko makareklamo tapos nilagay nya yung bracelet. Na nagfit naman sa kamay ko. Sobrang kinilig ako. Ay nako maiinlove ata ako sa lalaking to ng wala sa oras e. Tsss. Nevermind. Ayokong mafall agad.

Nung naglalakad kami papalait na sa park. Nagsabi sya kung pwede wag yung mahihirap na stunts yung ituro ko. Tapos tinawanan ko na lang sya as if namang matuturuan ko sya ng mahihirap na stunts e kakaumpisa pa lang nya matututo. Baliw talaga tong lalaking to. Lumipas yung mga oras tinuruan ko sya ng mga basic lang. Kung paano yung tamang apak sa board yung nga ganung simpleng bagay lang pero sobrang bilis nyang matuto kaya madami akong naituro sa kanya. Medyo madilim na at di ko napansin na 7pm na pala. Nagenjoy din ako. At bigla na lang akong nakarinig ng ingay na mahina lang basta ang alam ko sa kanya galing. Sabi ko ano yun sabi nya wala tapos naulit na naman. Hahahahaha yung tiyan nya ;D gutom na sya:D di man lang sya nagsabi. tapos ang dami nilang nanonood samin tapos nakangiti. Naririnig ko pa silang nagbubulungan sabi nung iba "Bagay sila" "Ang sweet naman nila" "Ang gwapo naman nung boy, ang ganda din nung girl. Bagay sila" tss. Mga baliw ba sila? Friends lang po kami :D

"Hindi ka man lang nagsabi na nagugutom ka na pala"

"Ok lang ako. Nageenjoy naman ako dito e"

"Pero ako gutom na ko"

"E san mo gusto kumain? Masyado tayong malayo sa ichill. Tara sa sm? Malapit na din naman e."

"Sige tara"

Tapos ganun pa din. Habang naglalakad kami ganun pa din yung naririnig kong bulungan ng mga taong makakasalubong namin. Ako naman syempre kinikilig. Hahahahaha

Pag pasok namin sa sm. Diretso kami starbucks. Wala kami parehas sa mood magrice e. Sabi ko sa kanya dahil maganda performance nya kanina ittreat ko sya. And medyo nahiya na lang sya at nagoo na lang at nag smile. Hahaha. Ang cute nya talaga :D. Ako na din nagorder. Pag katapos ko magorder. Medyo nakatingin sya sa labas pinapanood nya yung nga nag iice skate.

"Wala bang naghihintay sa inyo sa bahay nyo? Sabi nya

"Wala. Wala si ate e pinapunta ni kuya sa manila magasikaso na daw ng business kasi wala daw syang aasahan kundi sarili nya. Kaya no choice umalis din sya kaninang umaga kasabay ko."

"E kahit isa wala kang kasama sa inyo?"

"Meron naman. Sina yaya tsaka si kuya jun. Mga taga pag bantay ng bahay pag wala kami dun.e ikaw ba?"

"May naghihintay sakin. Si mommy. Pero kahit anong oras ng uwi ko ok lang sa kanya. Sabi ko sa kanya masanay na sya e"

"Bakit ba kanina ka pang nakatingin sa nga nagiice skate? Gusto mo ba? Tara?"

"Ayoko naalala ko lang si ellah" na medyo paluha na sya nung sinabi nya yun.

"Sino sya?"

"Wag mo na munang tanungin. Ano uwi na ba tayo?"

"Sige tapos na din naman ako e."

"Mag taxi na lang tayo pauwi medyo malayo na tayo sa village pag nilakad natin baka abutin pa tayo ng 10 pm sa paglalakad.

Nung nandun kami kanina sa taxi wala syang kaibo ibo na malalim ang iniisip at malayo ang tingib sa labas. Naramramdaman ko yung sakit na nararamdaman nya. Pag baba namin ng taxi wala syang kakibo kibo.

"Thank you jorine, uwi na ko"

"Sige. Magiingat ka pauwi. Thank you din"

 tapos nawala na sya sa mood dumiretso na sya papasok ng loob ng taxi. Hindi ako sanay sa kanya ng ganun sya. Nasanay ako ng masaya sya lagi

Nacurious tuloy ako. Sino si ellah? Ah baka ex girlfriend nya? Kaya nya pinapaaral sakin yung everything has changed.

Pag pasok ko ng kwarto ko. Nagbukas ako ng phone may nakita akong new message from di ko kilala. Sabi nya lang na.

"Umiwas ka na sakin. Ayokong magulo ka pa!"

Nagreply ako kung sino sya pero di sya nagreply. Hinayaan ko na lang kasi baka na wrong sent lang sya.

Dont Play Game With a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon