Chapter 13

53 4 0
                                    

Jad Cabrero

        Nakakatawa talaga tong babaeng to, makatakbo akala mo naman kung anong gagawin ko sa kanya. Muka ba talaga akong gangster o mamatay tao o kriminal? Hindi naman a. Hahahahahaha. Medyo napagod ako kakahabol sa kanya and bilis nung inilakad nya tapos nung nakita nya ko mas lalo syang bumilis ang lakad natakot nga ata. Nung nandun sa labas ng village nagmamadali sya tapos nung pagpasok namin ng gate medyo bumagal sya akala nya ata hindi ko na sya sinusundan,ang hindi nya din alam nakatira din ako sa village na'to. Ha-Ha-Ha-Ha. Malaki kasi tong village na to kaya hindi nagkakakila kilala mga tao.

        Nung papalapit ako sa kanya, nagiisip ako ng paraan kung paano ko sya makakausap. Hindi naman pwedeng tumakbo ako papunta sa kanya baka makasigaw sya mapagkamalan pa akong rapist ng wala sa oras. Kaya naisip ko na ikutan sya dun sa kabila at salubungan sya kaya nung nakaharap na ko sa kanya hinila ko sya at binulungan. Hindi naman kasi talaga totoo yung sinabi ko na humanda sya sakin. Gusto ko lang talagang makipagusap. Bukod sa wala akong ganong kadaming kaibigan wala din akong kaibigang babae. Pero yung iba minsan nakikipaglokohan dahil alam ng pinsan ko si Rj e ginagamit lang pala ako para makalapit kaya ngayon gusto kong ako naman ang lumapit sa babae na alam ko namang walang gusto kay Rj kasi bago sya sa school tsaka hindi nya pa siguro kilala yun. 

"Anong gagawin mo sakin?!"

"Wala akong gagawing masama sayo wag kang magalala"

"Wala talaga? As in wala? Hindi ka ba galit sakin?"

"Wala. Bakit naman ako maggagalit sayo?"

"Ediba nung first day binabato kita"

"Wala na sakin yun. Ang totoo nyan nakalimutan ko na nga e(Kahit naalala ko pa naman talaga)"

"E? Talaga, Sorry ha!"

"Ok lang."

"Bakit ka nga ba nakikipagusap sakin?"

"Wala naman, Gusto ko lang ng kausap, Bawal ba?"

"Pwede ka bang sumama sakin ngayon? Kakain lang? Wag kang matakot sakin."

"Hindi na e. Next time na lang hinihintay ako ni ate e"

Jorine Delos santos

        Grabe talagang kabang naramdaman ko dun. Akala ko talaga aawayin nya ako o kung ano mang gagawin nya sakin, mali pala ako. Ang bait nya sobra. Medyo madami dami din kaming napag usapan kaso di ganung kadami ang tahimik nya e, ako nga laging naguumpisa ng topic.Hayscxzcxzs. Ewan ko ba sa lalaking to. Gusto daw ng kausap pero ang tahimik naman. Para nga kaming naglalakad sa kalawakan, sobrang laki ng pagitan ng isip namin pero sobrang magkalapit lang naman kami. Pero hinayaan ko na lang. Tapos hinatid nya na lang ako sa bahay namin, Sabi ko wag na lang kasi kaya ko naman pero nagpumilit sya. Wala pa din akong naggawa. 

        Nung naihatid nya na ko sa bahay. Nagsmile sya sakin. Hindi ko alam para syang baliw.

"Uwi na ko, bukas na lang ulit"

"Sige. Ingat ka paguwi." 

"Bakit mo nga pala ako binabato nung first day?"

"Bukas ko na lang ikwento. Kanina pa ko hinihintay ni ate. basta ang alam ko may kasalanan ka din sakin kaya bumawi ako sayo. yun na lang muna sa ngayon Uwi ka na."

Nung medyo malayo na sya naisip ko yung sinabi nya na bukas na lang "ULIT" ha? Anong ibig nyang sabihin? Araw araw na. Ayoko nga mapagkamalan pa kaming magkarelasyon. Ayoko nga. NBSB, No Boyfriend Since Birth. ako no. Tsss. Nevermind.

        Pag pasok ko ng bahay ayun na naman. Lapit sakin si ate nakita nya na naman yung naghatid sakin tapos niyakap nya ako hanggang taas tapos bumaba na lang kami kasi niyaya ko na syang kumain kasi sabi ko sa kanya hindi ako kumain sa labas para sabayan sya tapos ang laki laki ng ngiti nya and nung nakaupo na kami dun na lang kami nagkwentuhan naiukwento ko din sa kanya si jad kung anong ginawa nya sakin at kung anong ginawa ko sa kanya at sya din nagkwento din about sa boylet at suitor nya. Ang dami grabee. Simula ata nung iwan sya ni kuya Chad nagloko na sya lalaki. Hindi na sya nagseryoso. Talaga bang ganun ang tao pag nagmahal ng totoo tapos iniwan o niloko sila bumabawi na lang sa iba? Ang drama. Tsss. Enjoy ko na lang tong pagkain ko.

        Pagkatapos naming kumain umakyat na ko. Nagbukas na lang ako ng wifi and laptop and ipad. Binuksan ko twitter ko. Wala namang bago ganun pa din pati sa fb ganun pa din sa tumblr ganun pa din sa soundcloud ganun pa din hindi na kasi ako ulit nakakapag cover ng kanta pero aminado akong maganda boses ko. Hahahahahaha E madami akong followers dun e madami din naggrerepost ng mga covers ko dami ding naglilike tsaka nag dodownload. Ang dami ding nagcocomment hindi ko na lang pinapansin nakakatamad magreply e. Ako na ba? hahaha Wala e tinatamad ako magcover. Tapos humiga na lang ako and dun ko lang naisipang buksan phone ko and ganun din. Walang pagbabago. Hindi din naman kasi ako mahilig magtext e. Pag mga importante lang nakakaya ko ngang kahit 1 month kong di nabubuksan yung phone ko e. Kaya natulog na lang ako. Wala na din maggawa e. Para na din sa nakakapagod na maghapon na naman bukas. At sana makasabay ko ulit si RJ ^____^. 

Next day

         Maaga na naman akong ginising ni manang. Si ate natutulog pa hindi ko pa nakikita sa baba e. Pag katapos ko magprepare para sa school. Diretso ako sa kwarto nya. Kiniss ko na lang sya sa noo kasi ang lalim pa ng tulog. Napuyat yata kakausap sa mga lalaki nya. Well hinayaan ko na lang hindi na din naman ako nanghihingi ng allowance sa kanya e sina mommy na nagpapasok ng pera sa account ko para sa araw araw na gamit ko. Wala sila parehas ni daddy e may work parehas out of the country, kaya si kuya nagmamanage ng business namin dito sa phily land. Yeah! May kuya ako, kuya steve hindi kami ganung nagkikita kasi sobrang busy sya tsaka minsan lang sya umwi dito sa bahay namin dun sya nagstay sa condo nya e. 

Dont Play Game With a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon