Chapter 1: The Who?

799 14 8
                                    

Ashton's POV

I'm on my way to my condo nang makasalubong ko si Liana.

"Si Shin?" Jusko. Si Shin na naman. Masyado s'yang obvious e hahaha.

"Hindi ko sure. May binibili ata sa labas."

"Tuloy ba sa SecA bukas? I've already packed my things." tanong n'ya.

"Of course, why not?" tugon ko.

"Hindi mo ba narinig? The king declared military control all over the country dahil nga sa recent cases of rebellion. Medyo mahihirapan tayong pumuslit papuntang SecA, because we're students of Miexsoul."

"Sinabi na 'yan sa'kin ni Shin. Marami raw sundalong nagkalat sa area natin, pero itutuloy pa rin daw natin ang pagpunta sa SecA. Mas mahirap kung papatagalin pa natin, kasi baka lalong humigpit."

"I see. Oh, nagtext na si Shin. Sige, gotta go na. Bye!" then umalis na s'ya.

Paalis na ako nang makita ko ang isang taong nakasilip sa'kin sa peripheral vision ko. Spy?

Walang alinlangan ko s'yang nilingon. Spy nga. Tumakbo s'ya agad. That tattoo. We really need to go. They are watching us.

▄︻̷̿┻̿═━一

Shin's POV
zzZZZ-
*Toktok*

"Taena naman oh. Sarap sarap ng tulog ko." tinignan ko ang orasan, s'yempre para alamin ang oras. Halos 10 p.m. na rin ah?

*Toktoktok*
"Sandale!" nagsuot ako ng damit tsaka kinuha yung baril sa ilalim ng unan ko. Aba malay mo may masamang balak.

Binuksan ko ang pinto at tinutok ang baril sa- "Ash?! Anong ginagawa mo dito? Gabi na rin ah." mula sa likod nito ay lumitaw si Liana.

Teka, bakit dala nila 'yung maleta nila e bukas pa naman kami aalis?

"Wait, why-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Ash.

"Kailangan na nating umalis. They are watching us." agad na tugon n'ya.

"But it's already 10 p.m! Pede naman kasing bukas na-"

"Cut the crap, Shin. Do you really want them to get us? To punish or kill us?" paliwanag ni Liana.

"Pero inaantok pa 'ko!" please gumana ka!

"Hindi ka cute." sabay nilang sabi.

"Oo na, oo na. Liligo lang."

̷̿̿═

Nasa sasakyan na kami. Si Ash ang nagdadrive, baka raw kasi mabunggo pa kami kapag ako ang nagmaneho. Hello? Inaantok pa kaya ako.

Haist, makatulog na lang at baka matagalan bago kami makarating don-

"Ba't mo tinigil?" Liana asked.

"Sshhh." Ash replied.

Shit. Nakita nila kami. Sabi na e dapat bukas na lang kami umalis.

May mga tao sa harap ng sasakyan namin. Hindi sila nakasuot ng uniporme ng mga sundalo. Lahat sila may tattoo sa kaliwang braso na patak ng tubig. May hawak silang baril at kutsilyo. Sila siguro 'yung grupong pinamumunuan ng lalaking iyon.

We have no choice but to get out of the car.

"Long time no see, Lervou." wika ng lalaking nasa harap namin na may kasamang ngiting nakakadiri. I knew it, malalaman at malalaman ng Miexsoul Academy ang pagtakas namin.

Bumaba kami sa kotse para harapin sila.

"Hindi ko inakala na ang top students pa ng Academy ang tatakas at magtatraydor."

"Hindi ka pa rin nagbabago, Sher. Sipsip ka pa rin kay Miss Jazz? Umaasa ka pa rin na magugustuhan ka n'ya. Psh." pang-aasar sa kanya ni Ash.

Halata sa mukha ni Sher ang galit. Congrats Ashton, you never fail to make him mad.

Liana smirked. "Kawawa ka naman. That's what we call 'One-sided love'."

"Shut the f*ck up! At kayo naman? Ano pang tinitingin-tingin n'yo d'yan? Get them!"

Naman. Inaantok pa ako e. Okay na rin 'to. Pampagising kumbaga.

They started. Sinugod nila kami, pinaputukan ng baril, at kung ano-ano pa.

Some random guy tried to shoot Liana but I shoot him before he could pull the trigger. May babaeng sinubukan akong saksakin pero agad s'yang napatumba ni Liana. Halos sampung tao naman ang deretsong sumugod kay Ash. Too bad for them, he is better in fighting more people at the same time when it comes to close combat.

Wala pang 15 mins ay natapos na ang laban. Tumba na sila. Maswerte sila at may puso pa kami kaya 'di namin sila pinatay. Ni hindi man lang kami nasugatan. Hindi rin naubos ang bala ng baril namin. Sila-sila rin naman nagkakatamaan e. Palibhasa mga tanga, nagmana sa amo.

Pikon na talaga si Sher. Babarilin ko na sana s'ya nang ilabas n'ya-wait? Granada?

"Kung hindi kayo sasama sa'kin, sama-sama tayong mamamatay dito kasama ang lugar na 'to."

Sacrificing himself? I don't think Sher is that kind of person.

Tumingin ako sa paligid. There must be a huge amount of animals here since this forest is big. Sigurado ring gagawa ng ingay sa publiko ang Miexsoul at baka madamay pa ang Secret Academy kapag nasira ang gubat na 'to. Based on my observation, that grenade is Miexsoul's new invention. It can destroy a whole town.

"Iniwan ka na ng mga kasama mong sugatan." puna ni Ash. Oo nga 'no. What a bunch of losers.

"Hindi ka ata nagsasalita Lervou. Takot ka na siguro 'no?"

"Ba't ako matatakot?" tugon ko kay Sher, "Tsaka isa pa, inaantok na 'ko."

I'm trying my best para kumalma. Is this the end? No way. Hindi ako papayag. Sa kamay ng Sher na 'yan? Never. Lalo't hindi ko pa s'ya nakikita. Pasimple akong lumilingon sa paligid para humanap ng solusyon. Nilingon ko sina Liana at Ash. I can see that they're both nervous. Mahirap s'yang pigilan, dahil medyo malayo s'ya sa'min.

"One," pagsisimula n'ya ng bilang.
"Two," wala akong maisip na paraan. Shit.
"Three-" hinihintay ko ang pagsabog ng granada. Pero, wait, ba't wala pa akong naririnig na putok?

I opened my eyes. Tinignan ko 'yung dalawa. Nakatingin sila sa taas ng puno. May hugis taong nilalang akong nakikita.

Bumaba s'ya. Hawak n'ya 'yung granada. At si Sher? Nakatumba na s'ya. That was fast.

She's wearing a face mask. Why 'she'? Because she has a female's figure. Blue ang kulay ng mata n'ya. Tinutukan ko s'ya ng baril at ganun din 'yung dalawa.

Lumapit s'ya sa amin. She handed me a paper, tsaka 'yung granada.

"That paper, please lang. 'Wag n'yo 'yang itapon. Kakailanganin n'yo 'yan. Not now but soon." at bigla na lang s'yang nagtatakbo sa dilim.

I looked at the paper. Wala namang nakasulat. Wala din naman siguro ditong kung ano kasi maliit lang ito. Should I keep it? Wala namang mawawala kung susubukan ko.

But the question is, who is she?

Secret Academy: Her Name Was DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon