Ashton's POV
Nagising ako sa katok ng letseng kung ano man. Tulog pa rin si Shin. Napansin ko ring wala na 'yung roommate naming kinaiinisan ni Shin.
Binuksan ko 'yung pintuan. Wala namang tao. Letse talaga. I looked down. May dalawang sobreng nasa sahig. Umupo ako para basahin 'yung nasa sobre.
'Shin Clouré Lervou's Schedule'
'Ashton Janis Fererr's Schedule'Ah, so ito 'yung schedule namin. Siguro nakuha na rin ni Liana 'yung kanya.
I was about to close the door nang mapansin ko 'yung lalaking kinaiinisan ni Shin sa may 3rd floor (4th floor ang room namin).
Wait-may kasama s'yang babae. Chixx 'to ah hehe. Kaso ang weird kasi wala s'yang kaemo-emosyon. Kahawig din n'ya 'yung babae kahapon, tapos ang laki ng damit n'ya. Tomboy ba 'to? Sayang naman.
Mukang nag-uusap sila. Malamang, alangang nagtititigan lang sila.
PAKSHET!
Bigla silang tumingin sa akin! As in sabay! Dali-dali akong pumasok at sinarado ang pinto.
Jusko. Baka kung anong isipin nila. Baka isipin nila ini-stalk jo sila. No way! Siguro 'yung babae pwede pa.
Wait...
"Ang tanga mo talaga, Ashton! Ba't mo iniwan sa labas 'yung sobre?!" pabulong na sigaw ko sa sarili ko. Parang usbaw lang 'no?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa 3rd floor. Wala na sila dun. Dali-dali kong kinuha 'yung schedule tsaka sinara 'yung pinto.
Huminga ako nang malalim. Nakakahiya 'yun a-
"AY SI SHIN MUKANG TANGA PINAGLIHI SA AMAZONANG PUGITA-AY! He-hello Shin! Hehe." ang gulat ko kay Shin. I-tap ba naman ang likod ko habang may pinagtataguan ako?
"What the hell is that, Mr. Fererr?" naks. May pa-watdahel 'tong lalaking 'to ah.
"'Wag ka kasing nanggugulat!"
"Mukha ka kasi d'yang tanga na parang may pinagtataguan. Teka, ano ba 'yang hawak mo." sabay turo n'ya sa hawak ko. Inabot ko sa kanya 'yung schedule n'ya.
"Ano nga 'to?" tanong ulit n'ya.
"Basahin mo kaya nang malaman mo ano?" sabi ko with a smile na nakaka-tanga. "Tsaka uso magdamit pantaas ano? Tapos 'pag nagkasakit ka, kami ni Liana ang mapupurwisyo, ano?"
Lumingon s'ya sa akin tapos ngumiti nang nakakaloko. Taena, 'yan na naman s'ya. Ba't ko ba sinabi 'yun?!
"Yiiiieeeee si Ash concern sa'kin. Aminin mo, nababakla ka sa katawan ko, ano? Bro naman. Sorry, 'di kita type. Ayokong makipag-espadahan kap-"
"Inamo, Shin! Mangarap ka habang gising!" sigaw ko sa kanya.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Napikon amp!" pagtawa ni Shin, "Teka pa'no 'yung uniform natin?" tanong n'ya.
"Baka bukas o mamaya pa dumating."
Tiningnan ko 'yung schedule ko. Ayos lang naman. 6 a.m. na ngayon tapos 9 pa ang first subject ko. Nahiga muna ako sa kama ko at nilaro ang phone ko.
"Ash, patingin ng schedule mo." sabi ni Shin.
"Oh."
Tiningnan n'ya 'yung schedule ko tapos kumunot ang noo n'ya. Napapaano na naman 'to?
"Andaya." pagrereklamo n'ya
"At bakit na naman?"
"Magkaparehas kayo ni Liana ng schedule tapos sa P.E. ko lang kayo makakasama sa klase." nakasimangot n'yang paliwanag.
BINABASA MO ANG
Secret Academy: Her Name Was Danger
Mystery / ThrillerThey say that no man is an island, but then I found a woman who is undeniably strong. The thing is, she's living alone in her world. SECRET ACADEMY? Sounds interesting, right? Ang school na hindi para sa mahihina at duwag. Secrecians are incredibly...