Eliot's POV
Naglalakad-lakad ako sa labas kahit madilim na. Ayoko pa ring pumunta sa room ko kasi may dalawang bwisit na akong kasama, isang matigas ang ulo at isang tsismoso.
Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa pinag-usapan nila last night na aksidente ko lang narinig. It looks like they are talking about someone they don't know.
Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong putok ng baril. Mukhang nanggagaling 'yun sa may garden. Hindi ako nagmadaling pumunta sa garden dahil wala naman talaga akong pakielam. Come on, every student here can protect their own body. Curiosity lang kumbaga.
Nang makarating ako sa garden ay nakita ko na lang sa damuhan ang nagkalat na dugo. Hindi na ako nagulat nung makita ko si Schiricah dun, siguro may pinarusahan lang s'ya, pero nagulat ako nang makita ko 'yung roommate ko na kausap si Schiricah. Wtf?!
"Hindi mo kailangang magpasalamat. 'Wag kayong mag-assume, dahil ginawa ko 'to because I have to." Schiricah said then she walked away.
She has to? Ano bang ginawa n'ya?
Napatigil ako sa pag-iisip nang mapansin kong wala na rin 'yung roommate ko. Agad akong umalis para hanapin si Schiricah, para kamustahin at tanungin s'ya.
Naglalakad na ako papunta sa part ng building ng girls nang makasalubong ko si Beatriz. Schiricah's not close to anybody, kami ni Beatriz ang pinakaka-"close" n'ya since kami lagi ang magkakasama sa mission.
"Eliot!" she shouted.
"Ang lakas ng boses mo. Don't tell me pati ikaw may gusto sa akin?"
"HAHAHAHA! Lakas ng tama mo. Pero seryoso, napansin mo rin ba?"
"Ang ano?" I asked.
"I saw Schiricah earlier at nakipag-asaran lang naman s'ya dun sa transferee nang hindi gumagamit ng dahas. What happened to her? That's not the Schiricah I used to be with." she explained.
I smiled, a fake smile. "I noticed it. Hindi s'ya halos nagsasalita pero kanina lang..." hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakikipag-communicate na s'ya sa tao or hindi dahil baka maapektuhan ang pagiging rank 1 n'ya. I have to protect her kahit hindi n'ya ako kailangan.
"Oh, 'wag mong sabihing may gusto ka pa rin kay Schiricah? Usong mag-move on boy. Baka naman selos ka pa dun sa transferee na 'yun?" tanong n'ya nang deretso.
"Hindi ko na s'ya gusto, okay? She's the rank 1 of SecA and she deserves to be cared kahit ganun ugali n'ya."
We decided to separate our ways.
Nagpunta ako sa harap ng pinto ng room ni Schiricah. I knocked several times pero walang sumasagot. I went to the rooftop and there, nakaupo sya dito. Isang tulak mo lang dito laglag na, kung kaya mo.
"Schiricah!" tawag ko sa kanya. Lumingon lang s'ya sa akin at ibinalik agad ang tingin n'ya sa malayo. Nilapitan ko s'ya at naupo sa tabi n'ya.
"Kumusta na?" tanong ko habang nakatingin dito. Tumango lang ito. Ang tahimik talaga.
"Mukang close kayo nung bago ah?"
"Close? Psh, nakakapikon kaya s'ya." sagot niya. Halatang naaasar talaga ito. "Pasalamat s'ya."
"Nga pala, narinig ko kaninang nag-uusap kayo sa may garden. Ano na namang ginawa mo? Tapos dumadaldal ka na ah." pagpuna ko sa kanya.
"Well, I just saved his friend. Don't ask why. Tsaka hindi ako dumadaldal, napipikon lang talaga ako sa kanya." she answered, "And, he reminds me of... n-nothing."
BINABASA MO ANG
Secret Academy: Her Name Was Danger
Mystery / ThrillerThey say that no man is an island, but then I found a woman who is undeniably strong. The thing is, she's living alone in her world. SECRET ACADEMY? Sounds interesting, right? Ang school na hindi para sa mahihina at duwag. Secrecians are incredibly...