Author:
Ang Secret Academy ay isang lihim na paaralan na matatagpuan sa gitna ng kagubatan sa probinsya ng Quezon.
Mayroong tatlong sikretong paaralan na nakakubli sa kagubatan. Ilang kilometro lamang ang layo ng mga ito sa isa't-isa. Kabilang dito ang Secret Academy at Miexsoul Academy. Ano ang pangatlong paaralan? 'Wag kayong excited mababasa nyo rin yan sa mga susunod na update.
Paano ka makakapunta o makakapag-aral sa mga paaralan na 'to? Bibigyan ka nila ng inbitasyon, piling tao at estudyante lamang na may kakaibang lakas at talino ang nabibigyan ng pagkakataon.
Napakalaki ng paaralang ito kumpara sa mga unibersidad na alam n'yo.
Ang Secret Academy ay nahahati sa dalawang bahagi: ang students' building at main building.
Ang students' building ay ang tinutuluyan ng mga estudyante at iba pang nasa loob ng paaralang iyon. May bahagi na para sa babae, para sa lalaki, at para sa rank 1. May mall (mas maliit kumpara sa iba) na malapit dito. Ang mall na iyon ang nagsisilbing bilihan ng mga gamit at iba pang pangangailangan at nais ng mga estudyante. Pag-aari rin ito ng SecA. May cafeteria rin ito na naka-pwesto sa ground floor, kung saan malapit ang mini bar na pwedeng tambayan ng mga estudyante.
Ang main building naman ay ang lugar kung saan nag-aaral ang mga estudyante. May extra rooms naman para sa mga estudyante (gaya ng dance room o dance studio). May cafeteria rin sa ground floor nito. Nandito rin ang clinic, clinic na parang ospital na rin. Ang gym ay naka-locate sa pinakataas na bahagi ng building na ito. Dito nagaganap ang pagsusulit sa lakas at kanilang P.E. Sa third floor naman matatagpuan ang auditorium. Malawak ang quadrangle sa labas ng main building. Sa quadrangle naman na ito matatagpuan ang small stage (para sa bulletin board at mga announcement ) at garden.
Binibigyan ng eskwelahan ng pera ang mga estudyante rito depende sa gradong nakukuha nila.
Ang rank 1 sa parehong category (strength and intelligence/knowledge), na kasalukuyan ay si Schiricah Mei Casendree, ay maaaring gawin lahat ng gusto n'ya, kabilang na rito ang pumatay.
Kapag magkaiba naman ang rank 1 sa dalawang category, hindi nila magagawa lahat ng gusto nila.
Ang mga estudyante naman ay nahahati sa dalawa: ang juniors at seniors.
Ang babaeng nagngangalang Kennah Zandra Espolita ang kasalukuyang head master at nagmamay-ari ng buong paaralan.
PAALALA!
Ang lugar na ito ay kathang-isip lamang ng manunulat. Lahat ng mababasa n'yo rito ay ideya lamang ng author.
Salamat sa pagbabasa! Mwah!

BINABASA MO ANG
Secret Academy: Her Name Was Danger
Mystery / ThrillerThey say that no man is an island, but then I found a woman who is undeniably strong. The thing is, she's living alone in her world. SECRET ACADEMY? Sounds interesting, right? Ang school na hindi para sa mahihina at duwag. Secrecians are incredibly...