Shin's POV
Nakamasid lang ako sa mga kasama ko. I can sense that something we don't know is going on.
"Hoy! Ba't tumahimik kayo? Didn't y'all miss me?" sabi nung Cray, "And, Yin! Aren't you going to hug me?"
Yin? I don't know but it somehow sounds familiar. Hindi ko lamang matandaan kung saan ko narinig.
Tiningnan naman s'ya ni Schiricah na para bang naiirita, "Can you please stop calling me Yin? I'm not gonna hug you, jerk."
Nag-pout naman 'yung Cray, "Hay naku, Yin! Umalis na ko't lahat, ang cold mo pa rin."
"Tss," umalis na si Schiricah, which is a good sign dahil nakalimutan n'ya ang mga sinabi ko.
Nanatiling tahimik ang lahat na para bang may kanya-kanyang iniisip. Halatang naguguluhan din sina Liana at Ash dahil sa nangyayari.
Bakit n'ya tinawag si Schiricah na Yin? As far as I remember, her name is Schiricah Mei Casendree. Hindi ba parang ang layo naman ng Yin doon?
Nabasag ang katahimikan nang biglang sumigaw at nagtatakbo palapit kay Cray si Zari.
"WAAAAAAH! ANG TAGAL MO, CRAY! SA'N KA BA NANGGALING?!" sinalubong ni Zari si Cray ng yakap. Mas matangkad naman si Cray kay Zari, may kaliitan din kasi 'tong si Zari. Bata pa naman e.
"Wampipti!" humiwalay sa yakap si Zari at nagtatakang tiningnan si Cray. Nagtawanan naman sila, maliban sa aming tatlo tsaka kay Zari. Obviously, we don't know what they are talking about.
"Nays, pre! Nakalabas ka lang sa SecA, namamakla ka na? Aba, pre, baka naman makautang d'yan!" sabi ni Vougaroy. Mas lumakas naman ang tawanan nila. Nakitawa na rin si Zari.
"F*ck you, pre! Joke joke lang kasi!"
"Galing mong makapagsabi kay Schiricah na 'wag magmura, ta's kung maka-mura ka d'yan, wagas! Ano ka ba n'ya?" Beatriz said.
"Secret."
Napatingin s'ya sa'min. Ngayon n'ya lang ata kami napansin dahil sa reunion nilang mag-totropa.
"Hello!" bati n'ya sa'min, "I'm Cray! Nice to meet you. Kayo?"
"Bago lang kami rito. I'm Liana," sabi ni Liana.
"Parang namumukaan kita ah? Ah! Nevermind. Baka kamukha mo lang," sagot ni Cray.
"I'm Ashton."
"I'm Shin."
"Ba't ka nga pala minura ni Yin kanina?" tanong n'ya. Uh-oh.
Nag-iwasan ng tingin sa amin ang mga kupal.
"Uhm... Ano, k-kasi-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Eliot.
"Sinabihan n'yang tomboy si Schiricah," psh. Epal!
"Naku, Shin! Kahit pa tomboyin itsura tsaka kilos nun, 'wag na 'wag mo 'yung sasabihan na tomboy! Malilintikan ka talaga," Cray said.
So, it means, I'm not the only one who noticed it.
"Hindi naman talaga s'ya tomboy," sabat ni Joanna.
"Weh?" -Ash
"Oo nga! Tsaka masisisi mo ba s'ya kung laging ganoon ang reaksyon n'ya? Nakakaasar kaya para sa'min, kahit na ganun ugali noon, na masabihan na tomboy kung babae ka talaga."
That's right. I know she's a woman, a lady, a girl. Ang sarap n'ya kasing asarin eh. I don't know why.
Cray's POV
BINABASA MO ANG
Secret Academy: Her Name Was Danger
Mystery / ThrillerThey say that no man is an island, but then I found a woman who is undeniably strong. The thing is, she's living alone in her world. SECRET ACADEMY? Sounds interesting, right? Ang school na hindi para sa mahihina at duwag. Secrecians are incredibly...