Eliot's POV
Nakatambay ako ngayon sa cafeteria. Kumakain kasama si Beatriz, since lunch naman.
I can't understand kung bakit si Schiricah ang target ng Miexsoul. May parte sa akin na naiinis sa tatlong 'yun na galing sa Miexsoul. Our school was peaceful. Sometimes, may mission na binibigay sa'min to maintain peace and "delete" those bad people.
Ang daming takot kay Schiricah, kahit babae pa s'ya. Kung gusto ka n'yang patayin, hindi s'ya mag-aalinlangan. I know that she's a good person.
I know her past. I saw what happened. I was there, but I can't say I know everything.
Nakuha ng pansin ko ang kasama kong nakatitig sa'kin. Tinaasan n'ya 'ko ng kilay.
"Ano?" tanong ko.
"Tulala ka, prend. Kanina pa. I guess, you were thinking about Schiricah."
Isinamual ko sa kanya ang burger na in-order n'ya. Hindi naman s'ya makareklamo kasi punong-puno ng pagkain ang bibig n'ya. Ang sama ng tingin sa'kin ng tsismosang 'to.
"Tsismosa mo kase." paliwanag ko.
Maya-maya pa ay dumating si Schiricah. I didn't exepect her to be here lalo't matao rito sa cafeteria. She always wants to be alone.
Ang sama ng timpla ng mukha ni Schiricah ngayon ah. Naglayuan ang mga taong malapit sa pwesto namin.
Umupo s'ya sa tabi ko, tapat ni Beatriz.
"Problema mo?" tanong ni Beatriz. Kami lang siguro ni Beatriz ang hindi takot kay Schiricah. Pati pala 'yung Shin, tsk.
"Isang baklang pakielamero na nakakairita." she rolled her eyes.
"Oh, that Shin na baklain." I said. Nice nickname huh.
"W-what?" natatawang tanong ni Beatriz.
"Shin na baklain." pag-uulit ni Schiricah. "Nice one Eliot. Magka-rhyme pa ah." she smiled.
Then, I saw a man glaring at us, sa hindi kalayuan. I smiled. Shin na baklain.
Shin's POV
"Pssst!" mahina kong tawag sa kanya dahil may guro pa.
Inis s'yang tumingin sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.
"Panget mo." wala lang, trip ko lang talagang asarin s'ya. Hindi ko rin alam kung bakit e.
Inirapan n'ya ako saka may isinulat na kung ano sa papel n'ya. She crumbled it and it hit my head. Aba't?!
Pinulot ko yung papel na iyon saka akmang ibabato pabalik sa kanya nang mapansin kong may nakasulat dito.
Shin na baklain.
"Ble!"
Aba't-teka?! Ba't ba ako ang napipikon e ako ang nauna rito?
Wala na kong pakielam kung sino man matamaan. Binato ko yung gusot na papel sa likod ko habang nakaharap kay Schiricah.
I was shocked when I heard a cough coming from my back.
"Mr. Lervou and Ms. Casendree?! What the hell are the two of you doing during my class?! And Mr. Lervou, what is this?" turo ng bakla naming AP teacher sa papel na binato ko at natamaan s'ya.
"Uhm, paper?" sagot ko. Ni hindi ko man lang napansin na nakatutok na naman sa amin ang buong klase.
Binuklat ni Mr. AP teacher (I dunno his name lol) ang papel at binasa habang nakatutok sa amin ang buong klase. Sh*t.
BINABASA MO ANG
Secret Academy: Her Name Was Danger
Mystery / ThrillerThey say that no man is an island, but then I found a woman who is undeniably strong. The thing is, she's living alone in her world. SECRET ACADEMY? Sounds interesting, right? Ang school na hindi para sa mahihina at duwag. Secrecians are incredibly...