Chapter 8: The Real Start

365 10 0
                                    

Cray's POV

"Yiiiiin!"

"T*ngina," napasimangot ako.

"Sabing 'wag magmumura."

"Lumayas ka nga! 'Wag mo 'kong sundan."

Tapos na ang klase. Patuloy ko pa rin s'yang sinusundan. Siguro iniisip na n'ya kung pa'no ako bibitayin.

She stopped, so do I. Hinarap n'ya 'ko. Tumigil kami rito sa garden ng main building.

Huminga s'ya nang malali, "What the hell do you want from me?"

"Secret."

Napasapo s'ya sa noo n'ya, "Kung wala kang kailangan, umalis ka na. Tss."

"Ayaw."

"Sasabihin ko sa nanay mo na nasisiraan ka na naman ng bait," takte, nakulitan na ata sa'kin.

"Joke lang! Labyu!"

"Tch. Alis."

Lalapit sana ako sa kan'ya para yakapin s'ya pero hinarangan n'ya ako sa pamamagitan ng paghawak sa noo ko. What? I just missed her so much.

"Na-miss kitaaaaa!" nagsalubong ang kilay n'ya.

"Wala akong pakialam," aalis na sana s'ya pero napatigil s'ya dahil sa sinabi ko.

"Bakit? Bakit mo s'ya pinatay?" I asked.

"Trip ko lang."

"I don't believe you."

"E di 'wag kang maniwala," walang emosyon n'yang sagot.

I thought, aalis na s'ya, pero muli s'yang nagsalita.

"Masyado s'yang maraming alam. At-"

"At?"

"She wants to kill them. She wants to kill Shin and his friends, so I killed her," hmm...

"Why?" nagkakaroon na ba s'ya ng pakielam sa iba? Akala ko, pero nagulat ako nang ngumisi s'ya.

"Kung mamamatay sila, ako lang ang papatay sa kanila."

Akala ko, nagbago na s'ya. Kasalanan ko 'to. Nagkaganito s'ya dahil sa kaduwagan ko.

Shin's POV

Dali-dali akong pumunta sa office ni Ms. Kennah pagkatapos ng klase. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Schiricah ay wala kaming ibo sa isa't-isa. I can sense that our teachers and classmates are wondering why. The hell they care?

'Pag minamalas nga naman, wala si Ms. Kennah sa office n'ya.

"Kainis."

"Oh iho, sino bang iyong hinahanap?" tanong sa akin ng isang lalaking mga nasa 60 plus na ata.

"Hinahanap ko po kung nasaan si Ms. Kennah."

"Sumama ka sa akin iho," sabi n'ya sa akin na may kasamang ngiti.

Medyo nakapagtataka na may matanda rito sa SecA. Sa pagkakaalam ko kasi ay bata-bata pa lahat ng tauhan at estudyante rito. Sino kaya s'ya?

"Ako si Berting," sabi n'ya na tila ay parang alam ang iniisip ko.

"Ako po si Shin," I don't know why but I feel comfortable with this man.

Huminto s'ya sa paglalakad, "Shin?" pag-uulit n'ya, "Ikaw 'yung naiikwento sa akin ni Schiricah! Ay ka-gwapo mo naman palang bata eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Academy: Her Name Was DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon