Chapter 2: Roommates

495 11 0
                                    

Shin's POV

It's 1 a.m. Nakarating na rin kami sa SecA at nandito kami ngayon ni Ash sa room na itinakda ng headmaster para sa amin. Si Liana naman ay iba ang room, bawal kasing magsama ang babae at lalaki. Lumigo na rin ako.

Pinapatuyo ko na rin ang buhok ko para makatulog na ako nang tawagin ako ni Ash.

"Shin?"

"Ano na naman 'yun?"

"May ideya ka ba kung sino s'ya?"

Natigilan ako. Those blue eyes. Pamilyar sa'kin. Could it be her? Napailing ako. No, she's not and she will never be. Walang kaalam-alam sa pakikipaglaban ang taong hinahanap ko. Besides, she looks a little too old to be that person.

Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Ash.

"Oy, ba't ka umiiling-iling d'yan? Ano na?"

"Wala 'to, may naalala lang ako. By the way, I don't have any idea kung sino s'ya," tugon ko. "All we can do is to prepare and be careful. We don't know kung anong pakay n'ya. Hindi rin natin alam kung kaibigan s'ya o kaaway." Tumango-tango lang s'ya.

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang may magsalita.

"Tapos na ba kayong mag-ingay? Baka p'wedeng magpatulog na kayo, ano?" sabat nung lalaking biglang bumangon sa isang kama na akala ko'y bakante. So, tatlo pala kami rito? Angas neto ah, angas-angasan. I don't like him.

"We can talk whenever we want. I don't care about your sh*tty opinion. Sorry but this is our room too." tugon ko. Nakatingin lang sa'min si Ash na parang gusto kaming makitang magsuntukan. Ay iba.

"You don't know me." sabi n'ya. "You better shut the f*ck up."

I smirked and mumbled, "You don't know me, either."

Liana's POV

I'm on my way sa room na sinabi sa akin ng headmaster.

"Basta, hindi ka pwedeng pumasok sa room na may black door. Madadaanan mo iyon. Got it?"

'Yan 'yung winarning n'ya sa akin na naalala ko as I pass sa room na iyon. Mas malaki ito kumpara sa mga nadaanan ko. Ano kayang meron dun?

Haaay, bahala na nga. Basta gusto ko nang makarating sa pupuntahan ko at nang makatulog at makapahinga na ang isip at katawan ko.

I don't know why, pero napahinto ako sa hallway nang may makasalubong akong babae.

She has some bangs covering her forehead. Her hair is black. Her skin is pale, and she has blue eyes. May hawig s'ya sa babaeng nagligtas sa amin kanina, pero feeling ko hindi s'ya 'yun dahil magkaiba sila ng awra.

To be honest, she's freakin' beautiful kahit malaki yung damit na suot n'ya. She's a goddess, a scary one. She looked at me as if I worth nothing. Her cold stare says that she can kill me anytime, and those eyes sent me shivers.

Okay Liana, enough for that thoughts. Tinuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa nandito na ako sa room ko. Just take a bath, then rest.

I opened the door, went inside, then closed it. May dalawang taong natutulog pero parehas silang nagising nung sinara ko 'yung pinto. Siguro magaling silang makiramdam.

"Newbie?" tanong nung babaeng hanggang shoulder ang buhok. She's cute, no, they are.

"Yup." I answered with a smile.

"I'm Liyah." pakilala nung nakasintas ang buhok, "And she's Han." she smiled.

"I'm Liana, nice to meet you two." muka namang makakasundo ko sila.

Nilagay ko ang maleta ko sa tabi ng kamang para sa akin. Kumuha ako ng pambihis at naligo na.

▄︻̷̿┻̿═━一

Pinapatuyo ko na ang buhok ko.

"From Miexsoul Academy, right?" tanong ni Liyah. Napatigil ako sa ginagawa ko. How? Pa'no nila nalaman?

"Pa'no-" hindi pa man ako natatapos magsalita e sumagot na si Han.

"School n'yo ang laging topic ng mga estudyante dito." panimula nito. "Sikat 'yung school n'yo dahil sa mga makabagong imbensyon. However, alam din namin na naging sakim na ang mga teachers n'yo, to the point na nakakapatay na sila. Nababalitaan namin ang mga namatay na estudyante ng school n'yo dahil sa kagustuhan nilang tumakas. We want to help them pero ayaw ng mga teachers dito na mapahamak at mapatay kami. I wonder kung paano ka nakarating dito nang ligtas." pagpapatuloy n'ya.

I smiled. Siguro nga maswerte lang ako. "Rank 3. Rank 3 ako sa buong school. 'Yung dalawa kong kasamang lalaki ay rank 1 and 2. Lamang kami ng lakas at talino sa mga estudyanteng nalason na ang mga isipan. Isa pa, no one is allowed to kill the top students, unless mapatunayan na may malaki kaming kasalanan sa school. There were 5." paliwanag ko.

"May kasama ka pala. E bakit hindi n'yo kasama 'yung rank 4 and 5?" sabi ni Aliyah.

"It's because they are weak." tugon ko. Muka namang naguluhan sila. "What I mean is they don't have enough courage para umalis ng school. Oo, magaling sila pero mahina ang loob. Gusto nilang maprotektahan ng school para ligtas sila. Mga mahina." tumango-tango naman sila.

"By the way, Secret Academy is famous in Miexsoul. Sabi nila magagaling daw ang mga estudyante rito." sabi ko.

"Yes. You can not enter this school kung lalampa-lampa at duwag ka. But, Schiricah's the foremost." tugon ni Liyah.

"Schiricah?"

"May dalawang istilo ng pagrarank dito sa SecA." pag-uumpisa ni Liyah, "Ability and Intelligence. Both are important. Ten students each category lang ang makakapasok sa top, bale 20, pero pedeng mabago ang bilang depende sa students kasi pwede kang makapasok sa parehas na category kung magaling ka talaga. Guess what? Si Schiricah lagi ang rank 1 sa parehas na category. Binansagan pa nga s'ya ng Secrecians na 'The Second to None'." pagpapatuloy ni Liyah.

Napahanga ako. "Ang galing pala talaga n'ya. Marami sigurong humahanga sa kanya."

Han let out a deep sigh, "But, she's scary, more than you can imagine." huh? Nagsalubong ang kilay ko. "Kanina lang tinutukan n'ya ng baril 'yung estudyanteng aksidenteng nakagising sa kanya habang natutulog s'ya. Wala s'yang sinusunod, except kay Miss Kennah, 'yung head master. Lagi s'yang walang emosyon tapos titig o tingin pa lang n'ya nakakatakot na. To be honest maganda s'ya, lalo na 'yung asul n'yang mga mata, but I guess she's not feminine. Siguro kung hindi lang talaga s'ya nakakatakot marami nang nanligaw sa kanyang boys dito. Friends? Hindi ko alam kung alam n'ya ang salitang 'yun."

Magtu-two na rin kaya napagpasyahan naming magpahinga na.

Hindi kaya 'yung babae kanina ay si Schiricah? Ba't gising pa s'ya? OMG. Baka nga talaga si Schiricah at 'yung babaeng tumulong sa amin ay iisa. Pero, sa paglalarawan ni Liyah at Han, parang hindi s'ya mag-aaksaya ng oras para tulungan kami.

Haaaaay. Makatulog na nga. Bukas na simula ng pag-aaral namin bilang Secrecians e.

-------------
Author's Note:

Secrecian/s = Sikrishan/s

Miexsoul = Mayshowl

SecA = Sik-ey or Seka

'Yan 'yung basa sa mga words na yan. Next chapter ko na lang sasabihin kung ano 'yung basa sa iba.

Thank you for reading my story~

Secret Academy: Her Name Was DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon