Tempting Earth Chapter 2

3.7K 142 0
                                    

"Whew! Finally, nilubayan ka na rin ng all-male fans club mo," sabi ni Jim kay Aira nang sa wakas ay matiyempuhan niya itong mag-isang kumukuha ng inumin sa bar.

She slanted him a look. Ngumiti si Aira nang bahagya. Tingin ni Jim ay may kaunting bahid ng pang-aakit sa ngiting iyon.

"I'm Jim," muling pagpapakilala niya sa sarili kung sakaling hindi na siya nito natatandaan.

"Hindi kasali ang utak ko sa nagbago, Jim Alvares. I still know who you are." Kasing sexy ng hitsura ni Aira ang boses nito. He wondered if she had always sounded sexy or it was part of the transformation?

Uminom si Jin kanina ng ilang basong alak para lumakas ang loob para lapitan ang dalaga. At ngayon, all that alcohol and all her sexiness combined was getting into him, making him feel heady.

Itinaas ni Aira sa labi ang baso ng alak at uminom ng kaunti mula roon. Nang muli itong tumingin sa kanya, may kaunting kintab mula sa likido sa labi nito. Hindi niya mapigilang mapatitig doon. Her mouth was a delicious shade of strawberry red.

"Are you okay?" Tanong ni Aira .

Napalunok siya. "Yeah. I am. Ikaw, kumusta ka na?"

"Never been better," anito.

"You look..." simula ni Jim pero hindi niya itinuloy dahil baka ma-offend ang kaharap.

"Different?" she added helpfully.

Tumango siya. "Yeah. Very different."

Tumawa ito. "The magic of technology."

Umiling si Jim. "No. it's not all that. I mean..."

Gusto niyang ipaliwanag dito na hindi lang ang pagkawala ng balat nito sa mukha ang nagpabago rito. Iniisip niyang hindi technology ang may kagagawan ng bawat kurba ng katawan na nakabakat sa signature outfit nito. Besides that, there was also changes in the way she carried herself with confidence. That made her more attractive. Gusto niyang sabihin iyon pero gusto niyang sabihin ng tama kaya kino-compose niya muna sa utak niya ang sasabihin. Na-distract siya sa pagkaway ni Jomari mula sa kanyang likuran. Isinesenyas nito ang braso para ipaalala sa kanya ang pustahan.

Nagtagumpay ang pagpapaalala ng kaibigan dahil nakita ni Jim sa utak niya ang magiging reaksiyon ng kanyang lolokung sasabihin niya rito na natalo sa isang walang kuwentang pustahan ang precious retirement watch na galing sa matanda.

Muli niyang ibinalik ang tingin kay Aira at nginitian ito ng sa pagkakaalam niya ay  pinaka-charming niyang ngiti. Sa katunayan, kanina lang at nagkukuwento ang isa sa mga babaeng ka-classmate tungkol sa kung paanong si Jim ang may pinaka-irressistable na ngiti sa buong school nila. Ginamit niya ang ngiting  iyon kay Aira.

"Medyo mainit dito, don't you think? Want to get some fresh air outside," suhestiyon ni Jim.

Her amber gaze seemed to study him for a moment. "Sure," sang-ayon nito. "Let me just get another glass of wine."

Lumabas ng bar-restaurant si Aira at Jim.

******

Nasa isip ni Aira kung ilang beses niya bang inambisyon na mangayari ito dati? Hindi na mabilang. Ang sigurado niya lang ay ginugol niya ang buong gabi ng senior prom niya na nangangarap na siya ang kasama nito at hindi si Meredith na noon ay girlfriend ni Jim at ngaon ay masama ang tingin habang palabas silang dalawa.

Tila hindi napansin ni Jim ang dating girlfriend pero napapansin ni Aira ang lahat. Iyon yata ang isang talento ng isang outcast na tulad niya. Dahil sanay siyang maging praning, lahat ng maliliit na detalye at reaksiyon sa mukha ng ibang tao ay napapansin niya. Nakita rin niya sa gilid ng mga mata na lumapit ang isa pa nilang kaklaseng si Marvin sa nagngingitngit na si Meredith. May ibinulong ang lalaki rito.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon