Tempting Earth Chapter 10

5.3K 247 50
                                    


Maulap ang lahat nang bumalik ang diwa ni Jim. Wala agad siyang nakita nang magmulat ang kanyang mga mata at kinailangan niyang pumikit ulit ng mariin bago muling sumubok magmulat.

Hindi niya rin agad maalala kung anong nangyari sa kanya at kung nasaan siya. Ang una niyang nakita ay isang matangkad na lalaki. Hawak nito ang kamay ni Aira.

"Thank you, Adam," narinig niyang sabi ng babae.

Napapikit siyang muli sa sakit na dulot ng eksenang namulatan niya sa kanyang dibdib. He started remembering...

Maraming sasakyan sa harap ng bahay ni Mang Andoy nang makabalik siya. At may dalawang taong hindi niya kilala ang nakahandusay sa labas. Kapwa may baril ang mga ito. Sumasal sa takot ang kanyang dibdib. Si Aira ang una niyang naisip at sa kung anong posibleng nangyari rito. Nagtatakbo siya papalapit ng bahay. Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa kaniya ang eksenang hindi niya inaasahan.

Aira was holding a man hostage. Hindi pa niya-napi-figure out kung anong ibig sabihin noon nang makita niya sa gilid ng kanyang mata ang isang lalaking pumulot ng baril para itutok kay Aira. His first instinct was to save her kahit wala naman siyang sandata para gawin iyon. Ang sunod niyang narinig ay ang malakas na putok, ang pagsigaw ni Aira, ang pagkilos nito para sipain ang isang kalaban at ang pagbato nito sa isa pa ng bolo. Hindi niya alam na kayang gawin iyon ni Aira. Tumingin ito sa kaniya, naalala niya pero noon niya naramdaman ang mainit na bagay sa kanyang dibdib, napakasakit, parang sinusunog ang kanyang dibdib. Tumatakbo papalapit sa kanya si Aira...iyon ang huli niyang alaala.

Muli siyang nagmulat. Napansin siya ni Aira. Agad itong lumapit sa tabi niya.

"Jim," sambit nito sa pangalan niya.

Her voice was filled with concern. But it sounded strange. Marahil ay dahil nararamdaman niya ngayon kung gaano niya ito hindi kakilala. Nagkamukha na si Adam sa kanya. Iyon ang lalaking nakatayo sa bandang likuran nito. He looked like a powerful man. Bagay ito at ang babaeng nakita niya sa silid bago siya nabaril – that woman who looked like the Aira he loved.

"I never really knew you, Aira," mahinang sambit niya. Muli siyang pumikit dahil mabigat pa rin ang talukap ng kanyang mga mata.

***********

Nakatayo si Aira sa may bintana at nakatingin sa labas nang bintana. Mag-isa na lang sila sa silid. Umalis na sina Adam, Wind at Fire nang masiguradong tapos na ang panganib sa buhay ni Jim. Ang mga ito na raw ang mag-aasikaso ng documentation sa NBI ukol sa nangyari.

Sinugurado ng mga ito sa kanya na maayos na rin si Mang Andoy kahit na hindi na niya ito makikita ulit. Pinirmahan na rin daw nito ang dokumentong naglilipat sa kanya ng titulo ng lupa ng Sports and Country Club bilang pasasalamat sa kanya.

Bumaling ang tingin niya kay Jim na nasa kama. He still looked pale. Kada iisipin niya ay parang nalulusaw pa rin ang kalooban niya sa kung gaano kalapit  muntik na itong  mawala .

Humakbang si Aira palapit dito at hinawakan ang kamay ng binata. "I love you, Jim," tahimik niyang bulong.

Gumalaw ang kamay ni Jim at humawak din  kay Aira. Hindi mariin, tila nanghihina pa ito pero sapat na para maramdaman niya ang paggising nito sa sinambit niya bago pa man ito tuluyang magmulat.

"You have such beautiful eyes," unang sabi ni JIm. "Tuwing maalala kita, ang una kong nakikita ay ang mga mata mo."

"Jim..."

"Ano si Adam sa buhay mo?" tanong nito sa kanya na para bang importanteng importante para rito ang kasagutan niya sa tanong na iyon.

"I work for Adam. Isa rin siyang kaibigan. Wala kaming relasyon. Wala akong ibang ka-relasyon."

Relief crossed his handsome face. "It makes me happy to know that."

"Ikaw lang ang mahal ko," sabi niya. Naglandas ang luha sa mga mata niya. Akala niya ay hindi na niya muling maririnig ang boses nito. Inakala niyang hindi na niya ito masasabi rito. Sumubsob siya sa dibdib nito para itago rito ang pag-iyak niya.

"Mahal din kita, sana ay alam mo iyon. Pero sana lang ay mas kilala kita."

Iniangat niya ang mukha para tingnan ito. "Ako pa rin si Aira na kilala mo. Pero ako rin si Earth..." sinumulan niyang ipakilala rito ang sarili niya kung ano siya at kung ano ang ginagawa niya. Ayaw niyang maghintay ng maya-maya pa para sabihin dito. Natuto na siya ng kanyang leksiyon.

Nang matapos siyang magpaliwanag ay marahan itong ngumisi. His sense of humor seemed to be revived as well. "I can't believe it. I am in love with a spy."

"Well, we prefer to call ourselves agent," paliwanag niya.

"Iyong mga kasama mo kanina?"

Tumango siya. "Totoo ba iyong sinabi mo?"

"Alin doon?" anito.

"You're in love with me?"

"Tabihan mo muna ako," nakangiting alok ni JIm sa espasyo sa tabi nito.

She kicked off her shoes. Maingat na tumabi siya rito at iniyakap ang isang braso rito. Hinalikan nito ang tuktok ng kanyang ulo bago magsimulang magsalita.

"Nangyari ang tayaang iyon bago ko nakita kung ano na ang bagong ikaw. Hindi ko talaga tatanggapin ang hamon nila ang bet na iyon para i-seduce ka kung hindi lang gusto kung hindi sa kagustuhan kong patunayan sa kanila na may nakita akong kagandahan sa iyo. I was not going to do it if only I didn't want to prove to much that you are so much more than kung ano ang nakita nila sa iyo dati. I wouldn't have said yes if I had not known in my heart that you may be someone I could like and feel this way about. And I was right. When we made love... alam ko na, siguradong sigurado ako kung ano ang naramdaman ko noon dahil hindi ko pa iyon naramdaman kahit kanino."

"I heard, you know? Narinig ko na sinabi mo na mahal mo ako pero akala ko nag-iilusyon lang ako. I have loved you in my dreams for far too long kaya noong sinabi mo ng mahal mo ako, akala ko nanaginip pa rin ako. It was easier for me to believe na hindi pa rin iyon totoo, na ang halaga ko lang ay katumbas ng isang relo."

"I never took the watch," sabi ni Jim.

"Ano?"

"Hindi ko kinuha ang relos. Walang halaga iyon para sa akin. What I got and lost that night was more precious."

"I am sorry," sambit niya. "Gusto ko talagang ng sabihin sa iyo na I will give you a second chance kaya lang nagdatingan ang mga kontrabida."

"Kaya mo ba ako basta na lang kini-kiss ng walang warning tapos bigla mo rin akong pinaalis?"

"I wanted you out of harm's way. Tigas lang ng ulo mo kasi."

"Because I wanted to be with you so much." Muli nitong hinalikan ang ulo niya. Tumingala siya rito para ialok rito ang kanyang mga labi.

His mouth decended on her and he kissed her softly, almost reverently. "Hmmmm..." Umungol ito. "This is very bad for me. Gaano raw katagal bago ako lumakas ulit?" he murmured before he kissed her again.

"Nagmamadali ka ba?" tanong niya.

"Oo sana, eh. I so desperately want to seduce this girl named Earth."

"It's just Aira for you, Atty. Alvares," nakangiting sabi niya.

"Hmmmm... sabagay. Aira Alvares... that sounds infinitely better. Sa palagay mo?"

"Are you proposing, Atty?"

"You bet, I am."

"Huwag na, panalo ka na, eh," sabi niya rito.



AUTHOR'S NOTE:

Ang Element Series ay binubuo ng 4 na libro. Ang Fire of Deception, Rain Of Passion, Tempting Earth and Taming Wind. Pangatlo ang Tempting Earth. Please do let me know sa comment section kung gusto niyong ipost ko pa ang last book ng series.


Salamat and don't forget to vote and share!! 

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon