Tempting Earth Chapter 7

3K 121 0
                                    

Pinanood ni Aira ang paglayo ni Jim at ang panghihinayang sa sandaling iyon para ayusin ang nangyari sa kanila.

Later, Jim, later... tahimik na pangako niya rito bago pasimpleng ibaling ng buo ang atensiyon sa dalawang 'turista' at tawagan si Adam.

"Something is up over here, Adam. Wala pa akong evidence and they haven't done anything pero may mga tao rito and I am having a very bad feeling about them."

"I would trust your instinct if I were you," payo ni Adam. "Anong gusto mong gawin ko?"

"Hindi ko pa alam. I just want you to know para kung may mangyari ngang hindi maganda. But I will update you kung may iba pang developments o kapag may nakuha akong iba pang information."

"Okay. But be very careful, Earth. As I told you, I trust your instinct too much para balewalain lang ang ganitong mga bagay."

"I'll be careful," pangako niya kay Adam bago tuluyang ibaba ang telepono.

Nang tumingin ulit siya sa direksiyon ng mga 'turista' ay naglalakad na ang mga ito palayo. Nakita pa niyang mabilisang kinunan ng picture ng isa ang bahay ni Mang Andoy gamit ang cell phone nito. May pinundot ito sa telepono pagkatapos at kung tama ang hinala niya ay may pinagpadalhan ito ng larawan. Kung nagsu-surveillance work ang mga ito ay masyadong sloppy, masyadong madaling mahalata.

Sabagay, sigurado siyang hindi rin naman niya mapapansin ang mga bagay na iyon kung hindi siya professionally trained sa ganoong trabaho. Iniisip marahil ng mga ito na walang naghihinala o nakakapansin sa kanila. After all, siya ay hindi sloppy kapag siya naman ang nag-o-obserbakung kaya't hindi naman siya nahahalata ng mga ito.

Nagsimula siyang sundan ang mga ito upang alamin kung gaano katotoo ang masamang pakiramdam niya sa presensiya ng mga ito sa lugar na iyon.

"Saan ka nanggaling?" bungad sa kanya ni Jim nang pumasok siya ng bahay matapos niyang palihim na sundan ang dalawang pinaghihinalaang lalaki. Napag-alaman niyang nakatira ang dalawa sa isang beach front inn na ilang minuto lang ang layo sa tirahan ni Mang Andoy.

Nangiti si Aira sa narinig na concern sa boses ng lalaki. She thought, maybe, he really cared about her.

"And don't smile. Kanina pa ako nag-aalala sa iyo."

Tiningnan niya ang mukha ni Jim. Paano niya ba napalagpas dati ang ganoong pagtingin nito sa kanya? Masyado lang siyang nagpakalunod sa sama ng loob niya at pakiramdam ng betrayal kung kaya't isinarado niya ang sarili niya rito.

Kaya niyang magiging matatag sa mga ka-preskuhan nito, at kahit natutukso siyang bumigay ay kaya niya ring labanan ang advances nito. Pero wala pala siyang depensa sa diretsang paghingi ng tawad at pagtatapat ng saloobin nito tulad ng ginawa nito kanina. Siguro ay dahil iyon lang naman ang hinihintay niya talaga all these time, ang magpaliwanag ito, ang sabihin ang pagkakamali at aminin ang hindi niya narinig na aminin nito nang gabing magkasama sila – na tunay rin siyang gusto nito.

Without a word, she leaned towards him and kissed him. Nagulat si Jim pero hindi ito pumalag. Bumalot sa kanyang baywang ang braso nito para hatakin siya papalapit. Kumapit siya sa batok nito, nang mahigpit na mahigpit parang lalo pang idikit ang katawan niya rito.

She felt his heat and his need. She was taking in the sweetness of the kiss, the texture of his lips against her lips when the phone inside her jeans started vibrating.

Gusto niyang balewalain iyon pero sigurado siyang importante ang impormasyong itinawag sa kanya ni Adam. Marahan niyang itinulak si Jim papalayo sa kanya.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon