Tempting Earth Chapter 9

3K 113 0
                                    

Sa isang hospital sa Puerto Princesa. Nakatayo si Earth sa labas ng operating room. Sa bench malapit sa kanya ay nakaupo naman si Fire. Si Wind ay naglalakad pabalik balik sa corridor. Walang nag-uusap sa kanila. Kritikal ang oras na iyon para kay Jim na noon ay agaw buhay sa loob ng operating room.

Malabo sa alaala ni Earth ang mga pangyayari kung paano sila nakarating doon. Iyon ang inaayos niya sa utak niya para makahanap ng kahit anong mental diversion. Anything. Para manatiling matino ang pag-iisip niya.

Hawak pa rin niya si Jim nang dumating ang NBI. Pinipilit siyang palayuin ng mga ito kay Jim dahil kailangan isakay ang binata sa stretcher. Sa hindi kalayuan ay naroon ang helicopter na magdadala rito sa ospital. Hindi siya puwedeng sumabay doon dahil wala ng lugar. Nagmamakaawa siyang sumama. Kailangan pa siyang agapayan nina at kausaping lalong maraming oras na mawawala kay Jim kung hindi niya papakawalan. He needed immediate attention they said, so she needed to let go.

"Earth, susunod agad tayo sa ospital. Hindi nila papabayaan si Jim," kumbinsi ni Wind sa kanya.

"Iyon din ang sinabi sa akin ng military escort na sumundo sa kanya. Hindi nila papabayaan si Jim. Pero nakabalik siya rito. Hinayaan nilang masakatan siya. At ngayon maari siyang mamatay dahil pinabayaan nila siya. I couldn't bear it if he dies."

"Hindi siya mamatay," sabi sa kanya ni Fire.

"Sigurado ka? Please tell me na sigurado kang hindi siya mamatay. Please, Fire. Please tell me Jim won't die," aniya.

"I am sure," sabi ni Fire pero alam niyang kinakalma lang siya nito.

"He can't die," bulong niya. "He can't die."

Iyon pa rin ang paulit-ulit na sabi niya habang parang batang pinalitan ni Wind ang duguan niyang pang-itaas. Binalot din siya nito ng kumot dahil mayroon siyang chills hanggang makasakay sila sa helicopter na ibinaba nito kanina sa di kalayuang lugar.

Nasa operating room na si Jim nang dumating sila sa ospital. Sumilip sandali ang doctor nito para sabihin sa kanilang huwag mawalan ng pag-asa. Pero importante ang susunod na walong oras. Kung mabubuhay ito ay mangyayari iyon sa loob ng panahong iyon. Otherwise... No! Itinanggi ulit ng isip niya ang posibilidad na iyon. Jim can't die.

"Aira," humawak sa balikat niya si Adam.

Humarap siya rito. Hindi man lang niya namalayan ang pagdating nito. Naalala niya kung kailan siya nito huling tinawag sa totoo niyang pangalan. Sa libing iyon ng kanyang ama.

"No, Adam, please don't call me that."

Marahil ay nabasa ni Adam sa mukha niya ang desperasyong kanyang nararamdaman. May ginawa ito na hindi nito kailanman ginawa kahit kanino sa kanila, sa kahit gaano kasamang sitwasyon na pinagdaanan nila – niyakap siya nito. Parang binuksan noon ang bukal ng emosyong kanina pa niyang pinipigilan. Sumubsob siya sa dibdib ni Adam at nagsimulang umiyak.

Hinaplos ni Adam ang likod niya. "Be strong, Earth. Jim needs you to be strong right now."

"Parati kong sinasabi sa utak ko, later... later, ipapaalam ko sa kanya na handa na akong bigyan kami ng second chance, later sasabihin ko rin sa kanya na mahal ko siya, later ipaparamdam ko sa kanya kung gaano..." hikbi niya.

Tumunghay siya at tiningnan ang mga mata ni Adam, pinipilit niyang kumuha ng lakas na lagi nitong ibinabahagi sa kanya pero kapos iyon para pagandahin ang pakiramdam niya.

"Adam, he can't die. Kasi kapag namatay siya, wala ng later. Wala na akong pagkakataon. If he dies, parang inulit niya sa akin ang pagdadamot ko sa kanya ng hinihingi niyang second chance."

Inalo siya ni Adam at dinala sa isa sa mga upuang naroon.

The next few hours were a nightmare. Parang sasabog ang dibdib niya kada bubukas ang pintuan ng operating room. Pero walang nagsasabi sa kanila kung anong tunay na nangyayari sa loob. Ang mga taong lumalabas ay maputla sa paningin niya, mukhang pagod at tila iniiwas ang tingin sa kanila.

They must look like a sight there. They were four really beautiful people who wore the same look of concern on their faces. Nakahawak sa isang kamay niya si Fire. Nakasandal siya kay Adam at si Wind ay tila napagod na sa kakalakad sa wakas. Nakasalampak ito ng upo sa sahig at nakasandal sa pader. Nakapikit ito pero ramdam niyang nakikiramdam ito at nag-oobserba.

Please tell Adam, I won't give you up. Not without a fight, sabi sa kanya ni Jim. Wala itong kaalam alam na wala naman itong dapat ipag-alala kay Adam. At kasalanan niya iyon. Hindi man lang niya sinabi na wala itong dapat ipag-alala ukol kay Adam.

Tumayo siya ng walang salita. "Saan ka pupunta?" si Wind ang unang nagtanong, tanda na alerto ito sa kanya.

"Pupunta lang ako sa chapel," mahinang sabi niya.

"Samahan ka namin."

"No, please stay with Jim," aniya.

Her legs were unsteady at parang hindi totoo ang paligid na nilalakaran niya patungo sa chapel nang hospital. Ito na raw ang pinaka-modernong ospital sa Puerto Princesa pero hindi niya sigurado kung sapat ang teknolohiya para iligtas si Jim niya.

Kailangan niya ng may mas mataas na kapangyarihan. Kailangan niya ang Diyos para tulungan siya. Pupunta siya sa chapel at makikipag-usap kay Lord. Jim won't let her go without a fight. Sasabihin niya sa Diyos na kung maari ring hayaan muna siyang tulungan muna siyang bigyan din ng pagkakataong ipaglaban ang pagmamahal niya rito.

Matagal na matagal siyang naroon sa chapel. Tapos na siyang magdasal pero nanatili siyang nakaluhod at nakatitig lang sa rebulto ng crucified Christ. Iniisip niya kung ano ang pakiramdam ni Mother Mary nang makita ang anak nito na nakapako sa krus at unti-unting nawawalan ng buhay. It was as if in thinking of her Mama Mary's, she can cope with her own pain.

Muli siyang umusal ng dasal bago tumayo muli para maglakad pabalik sa Operating Room. Tamang tama ang pagbukas ng OR at sabay-sabay na pagtayo ng tatlong iniwan niya roon sa pagbabalik niya. Dalawang lalaking nurses ang nauna, kasunod noon ang gurney na hatak ng mga ito.

Tila may inangat na pabigat sa dibdib niya nang matanaw ang dextrose na nakakabit sa isang manipis poste ng gurney. Ibig sabihin noon ay kailangang ma-rehydrate si Jim. Buhay ito ibig sabihin noon. May takot pa rin sa kanyang mga mata nang tumingin siya sa doctor dahil baka nagkakamali siya.

"Dadalhin naming siya sa recovery room at pagkatapos ng ilang oras ay puwede niyo na siyang puntahan sa Suite 409. The worst is over. He will live," sabi ng doctor.

Si Fire ang unang nakalapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit sa sobrang tuwa. Muli siyang umiyak, ngunit sa pagkakataong iyon, wala ng desperasyon sa tunog ng kaniyang pag-iyak. She was crying out of sheer relief.

She will get her second chance after all. 

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon