Tempting Earth Chapter 4

3.2K 134 1
                                    

Sa kasalukuyan...

"Aira," mahinang sambit ni Adam ng pangalan niya. Sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho niya sa ELEMENTS ay noon lang ulit n nabanggit ng boss ang kanyang totoong pangalan.

"I'll be okay, Adam." Parehas lang iyon ng ipinangako niyanoong una silang magkakilala.

"It is okay to cry," sabi nito. "Nawala ang isang importanteng tao sa buhay mo, isang mahal mo. Losing a father is very painful. I am sure no one will think any less of you kung iiyak ka."

Ngumiti si Aira. "I don't feel like crying," kalmadong sabi niya. Look, Adam. Okay lang ako. Tinulungan mo akong magiging matatag. I am that. Puwede kong ipagluksa ang pagkamatay ni daddy ng hindi umiiyak."

Tinitigan siya ni Adam at tumango ito na tila ba naiintindihan siya. Baka nga mas malalim ang pag-intindi nito sa kanya. Sa pagkaalam niya, Adam never cries either.

"Okay. I believe you. Gusto mo bang hintayin kita o gusto mong mauna na ako."

"Mauna ka na lang. Dito lang ako," sagot niya. "And Adam,"

"Yes?"

"My name is Earth."


Matapos ang isang linggo mula nang malibing ang kanyang ama ay umuwi si AIra sa bahay ng magulang. Hungkag ang pakiramdam doon. Wala ang enerhiya ng kanyang ama - parating busy ang lahat na para bang tinatapatan ang pagka-busy rin nito. Sino bang mag-aakala na sa lakas nito ay bigla na lang mararatay sa sakit na pneumonia at pagkatapos ay hindi na makaka-recover?

"Ma'am Aira, narito na po ang mga bisita niyo. Pinatuloy ko na po sila sa office ng daddy mo.

Tumango si Aira. Ang tinutukoy nito ay ang mga lawyers na siyang magbabasa ng last will and testament ng daddy niya. Wala roon ang mommy niya dahil matagal ng divorced ang mga ito. Nagpadala na lamang ito ng abogado kung sakaling iniwan para rito ang ex-husband. Her mother didn't even find it necessary na pumunta sa Pilipinas para makipaglibing.

Binilisan ni Aira ang lakad para magtungo sa library na ginawang opisina ng kanyang ama noong ito ay nabubuhay pa. She was almost expecting to see his bulky figure or hear his booming laughter. Mas naging close sila nang ama noong matanda na siya kaysa noong lumalaki pa lamang siya. At maski mas pinili niyang hindi magtrabaho sa kumpanya nito ay malimit niya itong dalawn lalo na at kung wala siyang trabaho kay Adam. Masasaya ang mga sandaling iyon.

Sa halip na ang ama, ang dinatnansa paborito nilang silid ay tatlong lalaki na nakasuot ng suit at isang eksena na tila nagpaakyat ng lahat ng dugo niya sa kanyang utak.

"Ms. Aira, good morning," tumayo ang pinakamatanda sa mga lalaki. Ito ng kilala niyang abogado ng kanyang ama, si Atty. Sanchez.

Sandaling nanatili siya sa pintuan at walang reaksiyong kahit ano. "Good morning," malamig na bati niya bago humakbang papalapit sa kinaroroonan ng mga ito.

"This is your mother's lawyer, Joey Simmons," unang ipinakilala sa kanya ang isang foreign attorney. "And this is my associate lawyer. I am assigning him to handle all your needs. This is Atty. Jim Alvares."

Malamig ang tinging ibinato niya sa ipinakilalang abogado. Kasing lamig din iyon ng tinging iginawad nito sa kanya. Pinag-isipan niya kung gaano kakapal ang mukha nito na pumayag pang maging abogado niya. Ni hindi niya alam na nagtatrabaho ito sa law firm na naghahandle sa businesses ng kanyang magulang.

Tumikhim si Atty Sanchez. Saka lang niya naalalang gumalaw. Umikot siya sa kabilang side ng lamesa para hindi makaupo sa tabi ni Jim at sa halip ay sa harap ng abogado ng kanyang ina naupo.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon