Tempting Earth Chapter 5

3.5K 139 5
                                    

Naningkit ang mga mata ni Aira sa pagmamasid kay Jim. May kaiba sa hitsura nito at ikinikilos mula pa nang salubungin siya nito sa airport. Hindi niya maipaliwanag ng husto iyon maliban na lang kung iisipin niyang masyado itong – solicituous, iyon ang terminong bagay sa pagiging attentive nito at sensitive sa lahat ng pangangailangan niya. Naiilang na tuloy siya.

"Are you sure ayaw mo ng coffee?" muling tanong ni Jim.

"Ayaw ko ng kahit ano," masungit na sabi ni Aira.

Nagkibit balikat ito. "You have something on your face," anito. Bago pa niya alamin kung ano iyon ay itinaas nito ang kamay at ginamit ang hinlalaki para palisin iyon.

Inirapan niya si Jim para ikubli ang pakiramdam na l para siyang nakuryente sa unang pagkakataong nahawakan siya nito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit andami namang upuan pero sa upuan sa tabi niya ito nagpupumilit. Dahil pa naman malaki ang balikat nito ay siksik na siksik na ito sa kanya. 

Sa wakas ay sumakay na sila sa eroplano na magdadala sa kanila sa Puerto Prinsesa. Ang kakausapin nilang si Mr. dela Cruz ay tiga Sabang na mahigit apat na oras ang layo mula sa capital ng Palawan. Bukas pa sila lalarga patungo roon kung kaya't magsi-stay pa sila ng isang gabi sa Puerto Prinsesa.

First class ang sinakyan nila. Labingdalawa lang ang first class seats sa eroplanong iyon at dahil mahal ang akomodasyong iyon ay apat lang silang naroon. Nasa kabilang row ang dalawa pang kasama nila na sa kasamaang palad ay busy na busy sa pagpi-PDA, public display of affection. Granted, may kurtina sa pagitan ng first class at nang economy kaya sila lang at ang mga sterwardess ang public na nakakakita sa dalawa pero...naman!

Ipinikit niya ang mga mata para hindi na mapatingin sa mga ito pero ang huling imaheng nakita niya ay ang paghalik ng lalaki sa babaeng kasama nito. Sa utak niya nga lamang, nag-transform ang eksena sa halikan nila ni Jim.

Iminulat niya ang mata para tanggalin ang eksenang iyon at kumuha na lang ng magazine para magbasa. Bahagyang na-distract siya ng bumigat ang pagkakahilig sa kanya ng katabi.

The idiot was sleeping on her!

Bumaling siya rito, handang gisingin ito at palayuin sa kanya pero pagharap niya rito ang sumalubong sa paningin niya ay mahabang pilik mata, matangos na ilong at mga labing nag-iimbita pa rin ng halik niya.

Hindi niya inaasahan ang nakakabinging dagundong ng puso niya. Ang estupido noon pero hindi niya kayang gisingin ito para sabihing lumayo sa kanya. Kaya hinayaan niya itong matulog habang nakahilig sa kanya ng bahagya.


*******

Hindi natutulog si Jim. Tentatibo lang ang paghilig niya ng bahagya kay Aira para pakiramdaman kung paano ito magre-react.

Naramdaman niya ang paggalaw nito para tingnan siya. Naghintay siyang gisingin nito pero hindi nito iyon ginawa. Sa halip ay umayos ito ng upo at hinayaan lamang siya. She smelled like he remembered, of vanilla and jasmine. Kung magko-concentrate siya ay mararamdaman niya ang init mula sa katawan nito sa malamig na cabin at maririnig niya ang pagtibok ng puso nito. Kung magko-concentrate siya, lalo niyang mararamdaman, how we wanted her, how he wished she wanted him, too. Kaya naman ang buong flight na iyon ang pinakamabigat na torture sa buong buhay niya.

Nang mag-announce ng preparasyon para sa landing ay saka lamang siya tumuwid ng upo. Pagtingin niya kay Aira ay napansin niyang ito ang totohanang natutulog.

How could you even sleep when I am burning beside you? tanong ni Jim rito sa isip niya.

May sagot naman doon. Wala na itong pakialam sa kanya.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon