Tempting Earth Chapter 6

3.4K 131 8
                                    

Nag-order na lang si Aira ng room service para sa almusal dahil maaga ang plano nilang pag-alis. Sa palagay niya ay ganoon din ang ginawa ni Jim dahil hindi siya kinulit nito para magsabay kumain. Sa halip ay nagkita na lang sila sa lobby sa itinakdang oras.

"Good morning," bati ni Jim sa kanya na para bang walang nangyari kagabi.

Tumango lang si Aira bilang tugon. Sumakay sila sa van at kahit silang dalawa lang naman ang nakasakay doon ay pinili pa nitong tumabi sa kanya.

"Why?" Patay-malisyang tanong pa nito nang makita siyang nakatingin.

"In case you haven't noticed, good for 12 people ang van na ito. I see no reason kung bakit nagsisiksikan tayong dalawa.

"Mas kumportable rito." Kumindat pa ito sa kanya bago ilapat ang likod sa sandalan para ipakita sa kanya kung gaano ito kakumportable.

Tumingin siya sa labas ng bintana at sinumulang i-ignore ito sa buong biyahe sa kabila ng walang katapusang daldal nito na para bang may kasama siyang tour guide. Isinuot niya ang kanyang shades. "I'm going to sleep," anunsiyo niya nang mahalatang hindi siya nito titigilan.

"You can sleep on my shoulder," alok nito.

"No friggin' way," sagot niya.

Tumawa lang ito.

Two days lang, isip niya. Two days at matatapos din ang lahat ng ito. Pagkatapos ng dalawang araw ay hindi na niya kailangang makasama ang lalaking ito. Iyon ang konsolasyong sinasabi niya sa sarili para matiis ang presensiya nito.

Nagkamali pala siya dahil pagdating nila sa Sabang ay may ibang kundisyong nagihihintay sa kanila.

"Gusto ko munang makilala ang bago kong magiging tenant," bungad sa kanila ng taong sinadya nila sa Sabang.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni AIRA kahit may hinala na siya kung ano eksakto ang ibig nitong sabihin.

Nagpaliwanag si Mr. de la Cruz. "Ang iyong ama ay tumira rito nang isang linggo bago kami nag-usap tungkol sa negosyo. Mas maganda ang gayon, hindi ba? Naniniwala ako sa mas personal na approach."

Napatingin siya kay Jim. Hindi niya inaasahan ang development na ito. In fact, siguradong-sigurado siya na mabilis lang ang prosesong ito kaya tatlong araw lang ang ipinagpaalam  kay Adam na mawawala siya. Kung sabagay, wala naman talaga sa mga inaasahan niya ang mga nangyayari sa biyaheng ito.

Ang tirahan ni Mr. dela Cruz ay nasa isa pinakamagandang baybay na nakita niya sa buong buhay niya. Pero ang bahay mismo kung saan ito nakatira ay napaka-payak. Gawa ang lahat sa kawayan at basic na basic lamang ang furnishings sa loob.

Sa pagkakaalam niya ay napakaraming lupa at pag-aari ang taong kanilang pinuntahan. Subalit namumuhay ito na parang isang ermitanyo. Something was up with that. Kumikiliti tuloy sa utak niya na alamin kung anong misteryong itinatago ng matandang ito sa likod ng pagiging 'eccentric'.

Narinig niyang pumayag si Jim sa pagtira roon ng isang linggo nang hindi man lang siya kinu-konsulta. Tiningnan niya ito ng masama pero ngumiti lang ito sa kanya bago makipag-ayos sa matanda ukol sa kanilang akomodasyon.

"Tatlo ang silid ng bahay," paliwanag ni Mr. dela Cruz. "Isa iyong silid ko sa ibaba at dalawa sa itaas. Maluwag ang bahay para sa atin. Generator lamang ang pinanggagalingan ng kuryente sa lugar na ito kung kaya't limitado ang oras na mayroon. Alas sais hanggang alas diyes lamang ng gabi," paliwanag nito sa kanila. "Mahirap sa simula pero masasanay din kayo."

Hindi iyon problema ni Aira. Sa kanyang mga misyon ay may mas mahirap pang kundisyon siyang naranasan kaysa roon. Ang problema niya ay ang lalaking kasama.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon