Tempting Earth Chapter 8

3K 127 2
                                    

Mas maaga pa kaysa inaasahan ni Jim nang dumating ang sundo niya. Si Aira pa mismo ang nakipag-ayos ukol doon. Halatang hindi na ito makatiis na palayuin siya mula rito. Hindi niya ito iiwan kung siya ang masusunod. Pero ang ginagamit na nito ay ang kapangyarihan  bilang employer niya at wala naman talaga siyang magagawa bukod marahil kung maglumuhod dito at magmakaawa. Pinag-isipan na rin niyang gawin pero hindi itinuloy dahil naalala niyang may pride pa rin siya.

Hindi man lang nagpaalam ng maayos ang dalaga. Tila may pinagkakaabalahan ito. In fact, kaabi pa niya nararamdaman na tila may iba itong iniisip. Ilang beses siyang nagising sa gabi at ang pakinig niya ay gising si Aira at ilang beses din na parang may kausap ito pero hindi niya malinaw na marinig kung anong mga sinasabi nito.

Sumakay siya ng van at paalis na ang kanyang sasakyan nang matanaw niya ito na sinusundan ng tingin ang kanilang sasakyan. Sigurado siyang hindi nito alam na kita siya nito. At may nakita siya sa pagkakatingin nito na nakapag-paisip sa kanya. Masyado lang ba siyang presumido. Or was it longing he saw on her face.

Mga dalawang oras na siya sa biyahe ay hindi pa rin siya mapakali. "Manong, pasensiya ka na. Nagbago ang isip ko. Hindi na muna ako tutuloy. Ibalik na muna niyo ako sa pinagsunduan niyo sa akin."

Halata ang kalituhan sa mukha ng driver. Tila hindi inaasahan ang biglang request niya.

"Sir, ang sabi po kasi ni ma'am idiretso ka na sa Puerto Prinsesa. Naka-book na rin po ang retrun flight mo sa Maynila."

"Hindi pa nga ako babalik sa Maynila. Gusto kong bumalik kay ma'am," paliwanag niya.

Lalong nag-panic ang mukha ng manong driver. Something was up, sigurado na siya. May mga hindi siya ma-figure out kahapon pa sa mga pangyayari – ang paghalik sa kanya ni Aira pagkatapos ay bigla na lang pagpapalayas sa kanya, ang tila sekretong usapan ni Aira at ni Mang Andoy, ang pagpipilit ng driver na ilayo siya. At saka bakit may babaeng sumakay ng sasakyan, kasabay niya pero sa likod ito naupo at hindi naman nakikipag-usap sa kanya?

A part of him was telling him na hindi siya ibabalik ng driver na ito kahit anong gawin niya. Come to think of it, bakit ba ganito ang driver niya? Sa tindig pa lang at kung makipag-usap, iisipin mong militar ito imbes na driver.

"Sir, mabuti pang si ma'am na muna ang kausapin niyo bago tayo bumalik. Tawagan niyo na lang po," sabi pa nito.

"Hindi na lang," aniya. "Nevermind. Sige, go ahead."

Mahigit kalahating oras pa silang nag-drive bago siya nakahanap ng perpektong lugar para sa plano niya.

"Puwede bang maki-ihi dito?" paalam niya sa driver. Naroon sila sa lugar kung saan may mga bahay sa stilts na nakalubog sa tubig. May mga ilang sasakyang patungong Puerto Princesa at patungong Sabang na naka-park doon.

"Sige po, sir," tugon ng driver.

Sinugarado lang niya na dala niya ang wallet at cellphone bago bumaba ng sasakyan. Sumunod siya sa ibang tao na makikigamit din ng mga makeshift toilet at pagkatapos ay doon nagtuloy sa isa sa mga jeep na patungong Sabang. Punong-puno na ang sasakyan pero naglabas siya ng dalawang libo at iniabot iyon sa isang pasahero para ibigay ang puwesto nito sa kanya. Tila wala pang hinala ang nasa driver sa balak niya. Ang babaeng kasakay niya ay nag-CR din. Nakita pa niyang nagsindi ng yosi ang driver.

Alam marahil nitong mahaba ang pila sa toilet kung kaya't hindi pa nababahala sa pagtatagal niya. May ilang minutong lead time siya bago siya hanapin ng mga ito at ilang pang minuto bago ma-figure out kung saan siya nagpunta.

************

Alam ni Aira na sa ganitong mga sitwasyon, marami pa ring dumarating na sorpresa pero kung dumating man iyon sigurado siyang hindi iyon dahil kinulang siya sa paghahanda.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon