RPW 12

328 4 0
                                    

❝ FALLING SLOWLY ❞
- Ena M.

(Inspired by the song Falling Slowly)

-----

Labing walong taon na ang lumipas pero 'eto, matatag pa rin kami.

Bata pa lang kami, malapit na kami ni Prince sa isa't isa. Siguro dahil na rin sa mga magulang namin na magkakaibigan na rin no'ng mga dalaga't binata pa sila.

Magkasama kami ni Prince sa lahat ng oras;
Sa tawanan,
Sa iyakan,
Sa pagkabigo,
Sa kalokohan...

... sa lahat.

Maraming nagsasabi na bagay raw kami at panigurado raw na sa simbahan na ang uwi naming dalawa. Bukod kasi sa strong bond namin, miski ang mga pangalan namin ay konektado sa isa't isa.

Nakakatuwang marinig ang mga gano'n lalo na't kung halos lahat ay sumasang-ayon dito.

"Princess? 7PM na pala. Kailangan na natin umuwi," sabi ni Prince habang inilalagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga.

Napatingin naman ako sa relo ko at saka tumawa. "Hindi ko talaga namamalayan ang oras 'pag kasama kita."

Ngumiti at tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"'Lika na pala." Maglalakad na sana ako paalis, ngunit bigla n'ya akong hinila pabalik at niyakap nang mahigpit.

Hindi na ako nagulat dahil madalas naman s'yang ganito.

"Thank you, Princess. Thank you for being my home," bulong n'ya.

Nangiti naman ako at saka tinapik-tapik ang likod n'ya. "What are friends are for, Prince?"

Bumitaw s'ya sa yakap at ngumiti sa akin. Tinapik n'ya ang ulo ko na para akong isang batang paslit. "Thank you," sabi n'ya.

Labing walong taon na ang lumipas pero 'eto, matatag pa rin kami; matatag na magkaibigan at hindi na 'yon lalagpas pa ro'n.

Because, Prince and I are close...

...but never close enough to end up together.

Writer:Ena Manunulat

Role players Works(RPW)Where stories live. Discover now