RPW 29

221 2 0
                                    

The first one who falls, loses.
ㅡ Aeℓa R.

DAY 1

Nakatambay lang ako sa isang meme page nang may magchat sakin.

👨: Hi!

Who in the world is this pokemon?

👩: Do I know you?

Xerxes Jeon
Confirm | Delete

Syempre, stalk agad. Mahirap na mabiktima.

Pero nabigo lang ako. Puro naman kasi pictures ng koreano. Wala bang actual picture diyan?

👨: You're weird.

Aba, siya pa 'yung may ganang mag-chat ng ganiyan. Ni wala nga kaming mutual friends, paano ako nahanap ng pokemon na 'to?

👩: Paano mo nasabi?

👨: Wala. Basta ang weird mo. Usually, girls would say, "Sino 'to?" rather than saying "Do I know you?"

👩: So? Hindi naman ikaw 'yang nasa profile picture mo. Hindi rin naman makatotohanan 'yang pangalan mo, poser.

👨: Lol, di ah. Di ako poser.

👩: Ako pa niloko mo.

👨: Roleplayer kasi, Miss.

👩: Role-- what?

👨: HAHAHAHAHAHA!

👩: Tinatawa-tawa mo?

👨: I never thought someone this primitive still exists on the 21st century.

👩: Di wow.

Bigla siyang hindi nagreply, tapos nagchat ulit.

👨: /sent a photo/
👨: Gorgeous, right?

Uminit naman bigla ang ulo ko.

Nagsend lang naman siya ng picture ko, way back when I was 4, naka-bathing suit ako tapos nakalabas pa yung tiyan kong ang laki-laki. Grr!

👩: Saan mo nakuha 'yan?

👨: Uso po mag-stalk. May ganiyan ka palang side nung bata ka?

👩: You don't know anything about me.

👨: That's why I want to, kaya nga nakikipagkilala di'ba?

👩: How can you introduce yourself kung in the first place, poser ka naman?

👨: Hindi nga ako poser. Roleplayer nga.

Pinaliwanag niya sa'kin ang mechanics ng RPW. Yung mga mga ipoportray ka daw na kung sino-sino, brotherhood/sisterhood, RS, OOC, IC, AU etc.

👨: Basta, RPW is like the escape to the real world. You'll become friends with virtual people. You'll find yourselves talking 'til dawn with them and identities are nowhere near as important. It's a happy place.

👩: Kumplikado pa din.

👨: At least, di mo na ako pwedeng paghinalaan ngayon.

👩: You're still suspicious.

👨: Then I'll make myself at home.

👩: Anong ibig mong sabihin?

👨: Wala bukas ulit, goodnight, beh!

Sabay nawala yung green dot sa tabi ng pangalan niya.

Sa totoo lang, wala akong naintindihang sinabi niya tungkol sa RPW.

Virtual family, friends and relationships?

RPW? Kalokohan.

Role players Works(RPW)Where stories live. Discover now