RPW 24

216 4 2
                                    

Ano nga ba ang RPW?

RPW or Roleplayer World. Mundo kung saan lahat ay kasinungalingan. Roleplayer world is our escape of reality, you can fake your name, your address, your lifestyle and etc.

You can make everyone believe you, afterall you are just typing what you are saying, and no one will know if you are saying the truth or not. You can even fake your personality.

Mainstream na ang paghahanap ng RS, halos lahat nga ata ng nasa RPW puro RS na ang inaatupag nila. Afterall, naglolokohan lang naman kayo, rpw lang 'to, everything is a game, a lie. I know to myself, once you entered a relationship in RPW, means, pumasok ka na sa isang laro. Sa laro na kung saan ang unang magkagusto ay siyang talo, laro lang kasi ang lahat rito. Hindi lahat ng sinasabi nila, hindi lahat ng nababasa mo ay totooo kaya wag ka agad magtitiwala. Pwede ka ngang magtype ng "HAHAHAHA" kahit di ka naman talaga masaya. Pwede mo ngang i-type ang salitang "Okay lang ako" habang tumutulo ang luha mo. At pwede mong sabihin na "Mahal kita" dun sa ka-RS mo, kahit send to many naman. Ganyan rito sa RPW, hindi mo alam kung anong totoong nararamdaman ng isang RP'er sa likod ng mensaheng natanggap mo. Ito din yung masakit sa RPW e, alam mong lahat peke lang, alam mong lahat pwedeng niloloko ka lang o pwedeng rp to rp lang pero nasasaktan ka pa rin. Alam mo yung gagawin pero pinipili mong mag-enjoy. Alam mo ang lahat pero nagpapakatanga ka pa rin.

Dito sa RPW ay mas binibigyan ng pansin kaming mga BRP's kaysa sa mga GRP's. Kaya nga rin siguro nauso ang salitang "TT Hunter" sa RPW. At kaya rin dumami ang CRP's. Pero minsan kaya may mga nagpapanggap na lalake (CRP) ay para kahit papaano ay mabigyan sila ng atensyon, kahit papaano may magmahal sa kanila, kahit papaano maramdaman nila yung pakiramdam na mahalaga sila kahit na may parte sa kanila na nasasaktan dahil mahal lang sila gamit ang pagkataong hindi naman talaga sila.

Roleplayer world nga naman oh, pati pagkamatay kayang pekehin. Kausap mo lang ngayon, mamaya may sakit na, may cancer na, namatay na, ikakasal na, inatake sa puso and so on.

Totoo nga naman kasi na maraming kagaguhan ang nangyayare sa RPW. Angdaming rason para umalis nalang, pero yung saya kasi kahit papaano na nabibigay ng RPW, ang hirap iwanan. Sa 100 reasons na maibibigay para umalis ka sa mundong peke na 'to, nags-stick ka pa rin sa iisang reason kung bakit ka mag-stay. Magulo man ang mundong ito atleast kahit papaano natatakasan mo ang katotohanan.

In this world, everything is fake. Fake world, fake feelings. But still, napapasaya pa rin tayo ng mundong ito.

At eto lang ang masasabi ko "MAHIRAP IWANAN ANG RPW."

Role players Works(RPW)Where stories live. Discover now