RPW 28

177 3 0
                                    

MORPHEUS MANUNULAT

- @alfonso • Spoken Poetry🌹
❝Pinagtagpo ngunit di itinadhana❞
-
Natatanong ko minsan sa sarili ko
Bat tayo pinagtagpo kung hindi naman tayo hanggang dulo
Dadaan para pasayahin ako at magbigay ng ngiti sa labi
Ngunit naalala ko na ang kabaliktaran ng sarap ay hapdi

Hapdi na parang habang-buhay ko ng dadalhin
Mula sa paggising hanggang sa ako'y mahimbing
Pero ngayon ay unti-unting ko ng naiintindihan
Na di lahat ng magkasintahan ay talagang sila na hanggang sa matapos ang walang hanggan

Kaya ngayon, ang puso ko'y sandali munang magpapahinga
Yayakapin ko ang aking sarili ang dadamhin ko ang aking halaga
Bagay na hindi ko makita nung sinimulan kong mahalin ka
Tas biglang matutulala, maiisip kong ang tanga ko pala.

Ngunit wala talaga akong pinagsisihan
Wala akong pinagsisihan simula nung di ko pinigilan ang sarili kong mahalin ka
Kahit na alam ko, alam kong ako ang talo at uuwing luhaan
Ganon kita kamahal, sumugal ako kahit alam kong talo ako kahit saang anggulo ko tingnan

Pero alam mo natatawa ako, 20/20 vision ko pero di ko nakita mga negatibo sayo
Baka naman kasi nakita ko talaga ngunit pinilit magbulag-bulagan
Kinukumbinsi ang sarili kasi "normal ito sapagkat ako'y nagmamahal lamang."
Ang galing diba? Pareho tayong nagmahal pero bakit parang ako lang yung nasasaktan?

Writer:Morpheus Manunulat

Role players Works(RPW)Where stories live. Discover now