RPW 13

314 7 0
                                    

❝ Take me out of the dark ❞
- Ena M.

(This is my true to life story. Sana kapulutan n'yo ng aral. Mahaba nga lang. Salamat sa magbabasa.)

-----

(2005)

"Gusto ko lang naman pong sumama sa field trip!"

Kumuha naman si mama ng tubo na pang-kuha ng sinampay kapag mataas. Tutusukin n'ya dapat ako ngunit nasalag ko ito. Dahilan para magkaroon ng sugat ang kamay ko...

....at dala-dala ko parin ang sugat na ito hanggang ngayon. Kusa itong naghilom, kahit hindi tinahi.

-----

"LUMAYAS KA!" Sigaw ni papa na nasa loob ng bahay namin.

Napalabas naman ako ng bahay ng kapitbahay para silipin kung anong nangyayari pero sana 'di nalang pala ako sumilip.

Nakita kong nilingon ako ni mama, ngunit tumalikod s'ya agad at naglakad paalis. Mas pinili n'ya pala ang lalaki n'ya kaysa sa'min.

-----

(2009)

"Anak, eto, bago mong mama."

"Hello. Sana magkasundo tayo."

"Hello po... mama."

Oo, nagkaroon ako ng step-mom, at mabait naman s'ya sa'kin. Sana nga'y s'ya nalang ang naging totoong nanay ko.

-----

(2010)

"Kaya mo bang mag-isa? Kailangan naming magpunta ro'n sa Tarlac, dahil ando'n ang isang branch ng clinic ng mama mo."

"Kailangan n'yo po talagang umalis? Sige po. Ingat po kayo."

Highschool days. Sobrang napariwara ako dahil malayo sa'kin sila Papa at ang step-mom ko. Sa Tarlac sila lagi at 'eto ako, napabarkada ng husto.

"Sindihan mo na 'to, oh." Sabi ng kaibigan ko, sabay abot sa'kin ng yosi.

"Salamat. Anong oras mamaya?"

"After class. Inom na inom na 'ko, shet. Hahaha."

-----

(2014)

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Sobrang napapariwara ka na!!!" Singhal ni papa sa'kin.

"Kasalanan n'yo naman 'to!!! 'Di naman ako magkakagan'to kung 'di n'yo 'ko iniwan mag-isa!!!" Sagot ko pabalik at ayon, nasampal na naman ako.

"Wala kang utang na loob, bata ka!"

Sorry, papa. 'Eto ang isa sa mga bagay na ginawa ko sainyo na husto kong pinagsisihan. Alam kong dala-dala mo pa ito sa puso mo... Sana'y mapawi ito kahit konti.

Pinilit kong magbago para sa'yo papa. Sana alam mo po 'yon.

-----

"Papa, okay lang po ba kung magtanong ako about sa assignments ko?"

"Tigilan mo muna ako, pagod ako."

-----

(2015)

"Bakit ba gan'to lang ang grades mo?! Puro ka kasi barkada! Lakwatsa!!! Hindi ka nag-aaral mabuti!"

"Papa, sinubukan ko naman po! Kaya lang 'yan lang po talaga ang kaya ko. Pasens'ya na po at hindi ko kayang magkaroon ng maraming Flat 1."

"Wala kang k'wenta."

-----

(2016)

"Pa-kopya naman ako ng assignment."
"Pa-check ng grammar nito."
"Hoy, ambagan daw para sa project."
"Kailangan natin ng gan'to, ng gan'yan."
"Overnight mamaya."
"Kailangan na 'yon bukas."
"Hala sana magawa na ngayon."

Iilan lang 'yan sa mga naranasan kong hassle no'ng ako'y nag-kolehiyo. Sobrang hirap... 'yong tipong maiiyak ka nalang sa pagod at sa hirap.

Dumating pa ang oras na halos wala na 'kong tulog para maipasa lamang ang mga projects at kung ano pa.

Pero sa kabila ng lahat ng nagawa mong tulong sa kanila, makukuha ka pa rin nilang husgahan.

"Sus, malandi naman 'yan si Ena. Dapat d'yan nilalayuan"
"Dami nagkakagusto r'yan, ta's lahat kinoclose n'ya. Malandi ngang tunay."
"Plastik 'yan eh. Hahaha. Dapat lang sakan'ya nag-iisa."
"Kawawa. Walang tunay na kaibigan."

-----

(2017)

"Ena, you only have 2 years to live."

"P-po...?"

"Mas'yado ng lumalaki ang butas sa puso mo. Ayaw mo naman magpa-opera. I'm sorry, pero gano'n ang mga tant'ya ko hangga't hindi ka magpapagamot."

Karma ko na siguro, dahil sa naging sobrang pasaway ko no'ng high school ako... pero, bakit ako pa? Ayoko pa... Marami pa akong gustong gawin.

-----

(2018, April)

"Ni wala ka man lang nakuhang ni isang award. Palibahasa, puro kung ano-ano lang ginagawa mo. Kaya ako, 'di ako proud sa'yo eh. Gagraduate ka? Nakakaproud ba 'yon?"

"Puro kasi barkada ang inaatupag mo. Kaya ayan. Gagraduate ka LANG."

-----

(2018, June)

"Congratulations." Abot-tengang ngiti naman ang isinukli ko sa nag-aabot ng aking Diploma.

"Maraming salamat po."

Lakad takbo ang ginawa ko pababa ng entablado, at dumiretso ako papunta ro'n sa taas... kung nasa'n ang mama't papa ko.

Nakita kong umiiyak si mama, ngunit si papa ay hindi man lang ngumingiti. Nangilid ang mga luha ko no'ng nakita ko ang reaks'yon n'ya at samu't-saring kwest'yon ang naglaro sa isip ko.

Hindi parin s'ya proud sa'kin.

-----

(2018, July)

"Wala kang kwentang writer! Tigil ka na sa pagsulat. Pangit mga gawa mo."
"Tigil na sa pagsulat."
"Nakakairita mga stories mo."

-----

(2018, August)

"Ayoko na.. ayoko ng mabuhay. Tama na. Ang sakit sakit na." Hagulgol ko sa loob ng k'warto ko habang patuloy na umiiyak.

Kumuha ako ng blade sa may drawer... nanginginig na itinapat ko ito sa may pulso ko.

Kasabay nito ang pagtugtog ng isang pamilyar na kanta sa labas ng bahay namin.

(Teach me to trust in you with all of my heart. To lean not on my own understanding.) 🎶

Tila napabalik ako sa ulirat at tumulo lang lalo ang luha sa mga mata ko. Mukhang tanga man pero sumabay ako sa kanta. "I just forget... you won't give me what I can't bear." Napangiti ako at pinunasan ang luha ko.

Napapikit ako.

"Take me out of the dark, my Lord. I don't wanna be there."

----

Hi, guys. I've been experiencing this kind of dark cloud most of the times and I'm very proud to tell you that I'm fighting it, together with my close friends.

Hindi nila ako pinapabayaan na magpalamon sa kalungkutan. Kaya naman kung na-eexperience n'yo ang mga katulad nito, please don't give up. Talk to someone, breathe out all the pain you're feeling. 'Wag kayong magpapalamon.

At para naman sa mga taong hindi nakakaranas nito, kindly help your friends. Tell them how wonderful they are as a person and they're worth it. Let your love and care fill their beings so that they'll never feel alone.

God bless everyone. Love y'all.

Writer:Ena Manunulat

Role players Works(RPW)Where stories live. Discover now