RPW 18

212 3 0
                                    

✳ P O E T R Y ✳

{Ayaw na}

Isa, Isa lang ang gusto kong iparating sayo
Gusto ko lang malaman mo na mahal kita
Na nasasaktan ako pag nakikita ko kayong Dalawa,
Ang sasaya niyo diba?
Ang lalaki ng ngiti niyo
Ang lalakas ng tawa niyo
Kumikislap ang mga mata niyo
Tatlo, Tatlo tayong magkakaibigan pero bat sya lang?
Bat sya lang ng napapansin mo?
Pano ako? Yung nararamdaman ko?
Nasasaktan na ako.
Alam kong kalasan ko to pero
Apat, apat na beses ko nang sinubukang sumuko
Apat na beses ko nang sinabing tama na
Apat na beses ko nang sinabing ayoko na
Apat na beses ko nang sinabing masakit na
Masakit na masakit na
Nagseselos ako,naiirita,naiinis­,nagagalit
Wala akong karapatan pero wala akong magawa
Mahal kasi kita
Mahal kita kahit na kaibigan lang tingin mo sakin
Mahal kita kahit iba ang mahal mo
Mahal kita kahit nasasaktan na ako
At mahal na magal kita kahit sukong suko nako
Alam mo yung pakiramdam na gusto kong lumayo
Pero nahihila akong palagi papunta sayo
Gusto kitang iwasan pero isang ngiti mo lang
Wala na. Sira na naman ang sistema ko
Kaya paano ako lalayo sayo?
Kung gusto kita laging kasama.
Alam kong walang pag asa
Pero kasi hindi ko maiwasang hindi umasa
At ngayon
Habang isinusulat ko ang tulang ito
Inaasahan na sana mabasa mo
Gusto ko lang ipaalam sayo
Na mahal na mahal kita
Pero masakit na talaga
Kaya lalayo na ako
Wag mo na akong titingnan
Wag mo akong lalapitan
Dahil siguradong pag ginawa mo yon masisira na naman ang sistema ko Patawad.
Mahal kita,Masakit na,Ayoko Na

Writer:Kwen Zarlyka

Role players Works(RPW)Where stories live. Discover now