Chapter Five

3.7K 66 5
                                    

Chapter Five

NAKAHIGA na si Zel ngunit hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang kaninang nangyari. Napahawak siya sa mga labi. Ngumiti siya. Sobra siyang kinikilig. Labis ang epekto ng mga halik nito sa kanya.

            Napapitlag siya nang may kumatok. Baka si Manuel iyon. Agad siyang tumungo sa pinto at pinagbuksan ito. Tama nga siya. Ang nakangiting si Manuel ang nabungaran niya. “Good night,” anito.

            Ngumiti siya. “Good night din.”

            Katahimikan ang namagitan sa kanila. Nakatitig lang din siya dito. “Good night,” ulit nito, natatawa.

            “Good night,” sabi pa niya.

            “Ah, aalis na 'ko.”

            “S-sige,” nauutal na sabi niya.

            “M-matutulog ka na?” Tumango siya. “Ah, sige, g-good night?”

            “Matulog ka na rin,” aniya. “Saan ka matutulog?” naitanong niya. Nawawala siya sa katinuan sa mga oras na ito.

            “Sa kuwarto mo…” Umiling-iling ito, “…I mean sa kuwarto ko. S-sige, sleep well.”

            Tumawa siya. “Ikaw din.”

            “Sige.” Pumasok na ito. Ang kuwarto nito ay nasa harap lang din ng tinutulugan niya. Maliit lang ang pagkakaawang nito ng pinto. “Matulog na tayo?” Nakangiti pang sabi nito.

            “Oo naman.”

            “Ah,” kumamot ito sa ulo, “humihilik ka ba?”

            “H-hindi ko alam, kapag nalaman ko sasabihin ko sa 'yo.” Tumawa siya.

            “You’re funny. I like you.”

            “Sinabi mo na 'yan sa 'kin noon.”

            “Ah… sorry?”

            “Sorry saan? Sa pagsabi ng ‘y-you like me?’”

            “F-for kissing you? I mean, I like kissing you… a lot.”

            Wala siyang maisip na isasagot sa sinabi nito. “Good night?”

            “Good night.”

            Siya na ang naunang sumirado ng pinto. Saka sumandal siya dahon niyon. Napahawak siya sa dibdib. Bakit ba ganito? Kinikilig siya ng labis dito. Ngumiti lang ito ay natuturete na siya. Hinawakan niya muli ang mga labi. “I like kissing you,” ulit niya sa sinabi nito. Totoo kaya iyon? Bakit hindi niya ito tanungin? Wala namang masama, hindi ba? Nagbilang siya ng tatlo bago buksan ang pinto. Ngunit pagbungad niya ay wala na ito.

            Nanghihinayang na sinirado niya muli iyon.

            Paghiga niya ay nakatanggap siya ng isang tawag. Hindi niya alam kung sino iyon. Nagtatakang sinagot niya iyon. “Good evening. Sino 'to?”

            “Manuel,” matipid na sagot mula sa kabilang linya.

            Biglang tinambol ang dibdib niya nang marinig ang boses nito. “Ah, napatawag ka?” Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin dito dahil marami siyang nakahandang tanong dito.

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon