Chapter Nine
KAKAHIGA pa lang ni Zel nang makarinig siya tunog ng sasakyan. Pati ang tunog ng sasakyan ni Manuel ay alam niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Bumangon siya saka umupo. Narinig niyang may tumawag… si Manuel. Si Manuel nga. Bakit kaya ito bumalik?
“Zel?”
Agad siyang lumabas. Bigla siyang kinabahan. Sa huli ay hindi pa rin niya ito kayang tiisin. “O, bakit ka bumalik?”
Napakalapad ng ngiti nito sa kanya saka walang sabi-sabing yumakap sa kanya. Nakaawang lang ang bibig niya dahil sa ginagawa nito. Tuwang-tuwa ito. “Ano’ng nangyayari sa 'yo?”
“Sorry… Oh, sorry. Ang sama ko dahil nag-isip ako ng hindi maganda sa 'yo. I thought… you and that…”
Nahuhulaan na niya ang sinasabi nito. “Si Sir Charlem?”
Tumango-tango ito. “Kakagaling ko lang do’n. And I found out, na wala kayong relasyon ng lalaking 'yon. Thank God!” Saka niyakap muli siya. Walang sabi-sabing hinagkan siya nito. Ni hindi siya nakagalaw.
“Pinuntahan mo siya?” tanong niya sa kabila ng kanyang pagkunot-noo.
“Yes. And he said ‘sorry.’ Sobra akong n-nagselos.”
Nakangiti na siya sa pagkakataong iyon. “H-Hindi ka kasi agad nagtanong.”
“Sorry na. Please forgive me, Zel.”
Hindi siya nagsalita. Ninanamnam pa rin niya ang paghingi nito ng tawad. Marunong pala itong humingi niyon. At natutuwa siya sa kaalamang iyon. Hindi naman pala ito sobrang manhid tulad ng inaakala niya.
“Totoo na ba 'yong kasal natin?”
“Totoo naman talaga 'yon in the first place.”
Agad niya itong niyakap. “Sandali, sino si Jessica?”
“Oh,” napalatak ito. “She was my ex.”
“Was?” Malapad na ngumiti siya. Wala naman pala siyang dapat na ipag-alala at ikabahala.
Tumango ito. Saka pinagsaluhan nila ang ilang segundong halikan.
PAGLABAS ni Zel sa kanyang trabaho ay sinorpresa siya ni Manuel ng isang pumpon ng rosas. “Ano 'to?” aniya, may masabi lang kasi talagang kinikilig siya.
“Flowers.”
Tinanggap niya iyon. Saka niyakap ito at hinalikan sa pisngi. Si Monica na nasa likod niya ay hampas nang hampas sa kanyang balikat. Sumasakit na iyon. “Ano?” tanong niya dito pagkatapos, natatawa. Ang galing-galing niyang magkunwari.
“Nakakakilig kasi kayo, eh,” anito, teary-eyed na.
Nagtawanan na lamang sila ni Manuel.
“Sana sagutin na rin ako ni Sir Charlem. Para kung sakali ay double date na. 'Di ba magandang idea? O kaya, Sir, may kaibigan ka bang pogi? Ipakilala mo naman ako, o.”
“Bakit hindi? Sige, one of these days.”
“Promise 'yan, ha. O siya, baka nakakaistorbo na 'ko. Alam kong may date pa kayo. Babush!” Agad naman itong nakasakay ng taxi. Naiwan sila sa gilid ng daan.
BINABASA MO ANG
The Fake Proposal (To Be Published in LIB)
RomansaSinisisi ni Zel ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend noong tanggihan niya ang proposal nito. Isang araw ay may nag-alok sa kanya ng kasal-si Manuel. Ni hindi niya ito kilala, pero nang bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng na...