Chapter Ten
SAKAY na sila ng eroplano patungong Sorsogon. Doon kasi gustong magpakasal ni Zel, pabor iyon sa kanya. Si Nanay Esmeralda at ang mga kapatid ni Zel ay nauna na kahapon pa. Nahuli lang sila dahil sinamahan pa siya ni Zel sa opisina upang siguraduhing sa pag-hone ymoon nila ay walang maging problema. O dahil baka habang nasa honey moon sila ay mapadali ang bakasyon nila.
“Okay lang kaya sila doon?” tanong niya kay Zel, ang tinutukoy ang ina nito at mga kapatid.
“Bakit naman hindi? Kahapon nga ay excited na excited na ang mga 'yon. Kinuwentuhan ko kasi ang mga 'yon sa kung ano ang mga nakita ko noong unang dinala mo ako doon. Kaya, 'ayun, gusto rin daw magkaro’n ng picture ng tulad ng sa akin. At siguradong magkakasundo si Nanay at Tita Esmeralda. Mahilig din kasi si Nanay sa mga orchids, eh.”
Ngumiti siya dito. Nagbuntong-hininga siya. Masaya rin siya habang nakikita itong masaya. May ningning sa mga mata nito. “Masaya ako dahil nakikita kitang masaya. Masaya ako dahil ikaw ang pakakasalan ko.”
Matamis na ngumiti ito. “Ako rin. Kahit hindi ko akalain na ako ang magugustuhan mo. Kahit malayo ako sa babaeng mga type mo. Ako pa rin ang minahal mo.”
“No. I cannot compare you to my past because you’ve been unique and you’re the only woman I had loved.” Gustung-gusto na niya sabihin dito ang totoo. Kung bakit niya ito inalok ng kasal. Ang tungkol sA pustahan nila ng mga kaibigan niya. Kaso lang ay natatakot siya, paano kung ora-mismo sa eroplanong iyon ay sabihin niya dito? Ano kaya ang mangyayari? Batid niyang masasaktan ito, at hindi niya kayang makikita itong nasasaktan.
Sa tingin niya ay maiintindihan naman nito iyon. Dahil mahal na mahal niya ito. Kahit wala pa ang pustahan nilang iyon ay papakasalan pa rin niya ito kahit na ano Ang mangyari.
Ngayon pa ba niya sisirain ang kasiyahan nitong nadarama? Hindi siya makasarili. Darating din ang araw na masasabi niya dito ang totoo.
Hindi na lamang siya nagsalita. Baka bukas o bago ang kasal nila ay sabihin niya dito ang totoo. Malalim na bumuntong-hininga ulit siya.
“May problema ba, Manuel?”
Umiling siya. Saka hinarap ito. Pinukol niya ito ng tingin. Sobra niya itong mahal para saktan ito. Hindi niya alam kung bakit niya ito mahal pero sa tuwing kasama niya ito ay gusto niyang iparamdam dito kung gaano ito kaimportante sa kanya. Wala na siyang standards na sinusunod ngayon.
Ito ang taliwas sa lahat ng standards niya pero dito tumitibok ng labis ang puso niya. Dito niya nararamdaman ang saya sa kanyang araw-araw.
“Manuel?”
“Hmn?”
“Bakit mo ako inalok ng kasal?”
Mabilis na tumambol ang dibdib niya. Iyon ang kinatatakutan niyang mangyari. “Ah…” napigil ang sasabihin niya nang magsalita ang isang flight stewardees. Pareho silang nagulat, saka nagkatawanan na lamang.
Hindi na ito nagtanong pa. Siguro ay nakalimutan na nito. Nakaramdam siya ng relief dahil doon. Gumawa na lamang siya ng paraan upang nang sa ganoon ay ma-divert ang isip nito. Talagang hindi pa siya handa para aminin dito ang totoo. Kumuha siya ng picture sa wallet niya.
Kuha iyon noong nasa baywalk sila. Ngumiti ito no’ng makita nito iyon. “Bakit ang saya mo dito?” tanong niya. Hindi naman ito nakangiti sa picture pero batid niyang masaya ito noon.
BINABASA MO ANG
The Fake Proposal (To Be Published in LIB)
RomanceSinisisi ni Zel ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend noong tanggihan niya ang proposal nito. Isang araw ay may nag-alok sa kanya ng kasal-si Manuel. Ni hindi niya ito kilala, pero nang bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng na...