Chapter Eight

2.9K 68 2
                                    

        Chapter Eight

PAGDATING ni Manuel ay sobra na siyang naging busy sa trabaho. Ni hindi niya nagawang tawagan man lang si Zel. Pagdating niya sa condo ay pagod na pagod na siya na hindi na niya kayang tumawag pa. Pero nang magkaroon naman siya ng oras upang puntahan si Zel. Hindi na kasi siya nag-atubiling tawagan ito dahil gusto niyang sorpresahin ito. Nasa pinto pa lang siya ng restaurant na pinagtatrabahuhan nito ay natigil na siya sa paglalakad. Nakita niya si Charlem, ang may-ari ng restaurant na iyon at boss ni Zel na nakikipag-usap dito. Kilala niya ang lalaki, they are just in a world of business. Sa pagkakaalam niya ay matinik ito sa babae. Mukha pang tuwang-tuwa si Zel dito.

            Hindi na siya tumuloy. It broke his heart. He saw her eyes were smiling while talking that man. At kahapon ay nakita pa niya itong sumakay ito sa kotse ng boss nito. At ngayon parang naglibot-libot pa ang mga ito sa lugar nina Zel. Ngitngit na ngitngit siya.          

            Mukhang nagkakamabutihan na ang mga ito. Nangako-ngako pa siya sa sarili na bibigyan niya ng oras ang babaeng makikilala, pero sa isang iglap, sa isang pagkakataong naging busy siya at natuon ang sarili niya sa trabaho ay biglang nawala ang pag-asa sa kanyang puso. Ang dali nitong nakahanap.

            Hindi nga talaga siya nito gusto. Napukpok niya ang manibela. Saka siya nakatanggap ng tawag mula sa ina. “'Ma?”

            “Oh, how are you and Zel?”

            Hindi agad siya nakasagot.

            “Son?” untag nito.

            “I-I don’t know…’’ sagot niya. Iyon naman talaga ang totoo. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, kung ano ang dapat na isipin at kung ano ang dapat na gawin.

            “You don’t know?” Narinig niya ang pagpalatak nito. “Please, hijo. Alam kong napakabait ni Zel. She’s too perfect for you to lose her. Don’t miss this chance.”

            “Alam ko, 'Ma. But… but… May iba na siya.”

            “No, hindi 'yan magagawa ni Zel. Mabait ang batang 'yon. Kahit ilang araw ko lang siyang nakilala. Alam kong napakabuti niya. And don’t you ever hurt her. Baka naman nagkakamali ka lang. Talk to her.”

            “I won’t and I can’t, 'Ma. I would be the last man who would hurt her.”

            “Thank you, hijo. Kailan ba tayo mamamanhikan sa kanila?” tanong pa nito.

            Hindi niya alam kung saan nakakuha ng ideya ang ina niya na napakabuti ni Zel. Tama ito. Ang galing ng mother instinct nito. Pero, base sa mga nakikita niya ngayon is just he was not the right man for Zel. Kung nakapag-move on na nga ba ito ay hindi niya alam. Hindi niya natupad ang pangako niya sa sarili na aalisin ang sakit sa puso nito dulot ng sakit na binigay ng huling taong minahal nito.

            O baka, sinusubukan nito ngayon sa iba dahil nakita nitong hindi siya karapat-dapat dito. Nawala ang mga naka-set na standards niya dahil dito. And he realized that his standards are not the reasons to make him happy, but Zel was the perfect enough to make her life happy and complete. He loves all her perfect imperfections. That’s it.

            Hindi niya kakayaning mawala ito. Sigurado na siya dito. “Manuel?” untag sa kanya ng ina.

            “Sorry, 'Ma. May naisip lang ako. Will you come?” tanong niya. Kailangan na nga yata niyang magpatulong dito.

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon