Epilogue
KABUWANAN na ni Zel. Hind pa man siya nagmumulat ng mga mata ay kinapa na niya si Manuel. "Manuel?" saka siya nagmulat ng mga mata. Wala ito sa tabi niya. "Manuel!" Nilibot niya ang mata sa kabuuan ng kuwarto. Sa Sorsogon na sila nito tumira. "Manuel!"
Nagulat siya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Agad niyang sinagot iyon. "Friend!" tili ni Monica.
"Magandang umaga. Napatawag ka?"
"May love life na 'ko!" tili pa nito.
Bahagya niyang nilayo ang tainga sa speaker. "Aray naman. Sino naman 'yang naloko mo?" biro niya. "Next time na tayo magkuwentuhan. Hinahanap ko ang asawa ko."
Nagpaalam na ito. Hindi pa man niya nababa ang cell phone ay may tumawag na naman. Si Daisy. "O, magandang umaga."
"Ate..."
"May problema ba? Si Nanay? Kumusta si Nanay?" Kinakabahang tanong niya.
"Ang O.A. naman nito. Wala. Okay kami lahat dito."
"Mabuti naman kung gano'n."
"Ate, puwede na bang mag-boyfriend?"
Biglang sumakit ang sentido niya sa tinanong nito. "Daisy!" sigaw niya, kasabay n'yon ay ang pagkirot ng kanyang tiyan. Parang may pumutok sa kanya. "Manuel!"
Paika-ika siya patungo sa pinto. Nahulog na ang cell phone niya. Sinalubong siya ng kanyang asawa sa pinto. "Manganganak ka na ba?" Halos hindi ito magkandaugaga.
"Hindi, mabubuntis pa lang... Dali!"
~WAKAS~
BINABASA MO ANG
The Fake Proposal (To Be Published in LIB)
RomanceSinisisi ni Zel ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend noong tanggihan niya ang proposal nito. Isang araw ay may nag-alok sa kanya ng kasal-si Manuel. Ni hindi niya ito kilala, pero nang bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng na...